THIRD PERSON POV
Marahang isinara ni Harmony ang zipper ng malaking maleta na nasa ibabaw ng kanyang kama matapos niyang mailagay sa loob niyon ang huling kagamitan na dadalhin niya sa probinsya ng kanyang fiancé na si Lander Jarandilla. Ikatlong maletang isinara niya sa araw na iyon.
Tatlong araw na ang nakalipas simula nang mag-purchase ang kanyang mapapangasawa ng napakaraming kasuotan na ayon dito ay mahalaga raw sa kanyang pananatili sa lugar kung saan ito lumaki. Binanggit din nito na dalawang buwan silang mananatili sa lugar na iyon.
Dalawang buwang wedding preparation.
Yes, ang pangunahing dahilan nang pagbabalik ng kanyang fiancé sa lugar kung saan ito ipinanganak ay para asikasuhin ang kanilang nalalapit na kasal. Isang kasal na hindi siya sigurado kung dapat ba niyang ikatuwa.
Malalim na nagbuntung-hininga si Harmony at pagkatapos ay naglakad patungo sa dressing table sa isang sulok ng kanyang malawak na kwarto. Ang kwartong nasa loob ng kanyang pinagpagurang condominium unit.
Umupo si Harmony sa makeup stool at hinarap ang sariling reflection sa salamin. Nakikita niya sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan sa gagawing pagpapakasal kay Lander.
Si Harmony ay dating secretary ni Lander sa pagmamay-ari nitong consultancy firm sa Manila. Isa iyong consultancy firm para sa small business owners.
Katagalan ay nagdesisyon si Harmony na mag-resign bilang sekretarya ni Lander at mag-focus na lang sa pagtatayo ng sariling negosyo. Sinuportahan naman ng lalaki ang desisyong iyon ni Harmony.
Bilang owner ng isang business consultancy firm ay tinulungan ni Lander si Harmony para sa kanyang hair salon business. Dahil sa connections at mentorship ng lalaki kaya lumago ang negosyo ni Harmony at ngayon ay mayroon na siyang tatlong branch ng hair salon sa iba’t ibang lugar sa Manila.
Dahil sa malaking kinikita ng hair salon business ni Harmony kaya nakabili na siya ng kanyang sariling sasakyan at condominium unit. At hindi niya maaabot ang lahat ng iyon kung hindi siya tinulungan sa umpisa pa lamang ng kanyang fiancé na si Lander.
Kaya naman nang magtapat ng totoong damdamin nito para kay Harmony ang lalaki ay ilang segundo lamang siyang nag-isip bago pumayag na makipagrelasyon dito. Bukal naman sa kanyang loob ang pagpayag na maging boyfriend ito.
Maayos ang naging simula ng kanilang relasyon lalo pa nga at nabuo ang kanilang magandang samahan nang magtrabaho si Harmony bilang secretary ni Lander. Dahil sa matibay na pundasyon na kanilang nabuo bilang magkaibigan kaya hindi naging mahirap para sa kanila ang i-handle ang kanilang relationship bilang boyfriend at girlfriend.
Ngunit nang dumating ang panahong niyaya na si Harmony ng kanyang boyfriend na si Lander na magpakasal ay doon siya nagsimulang makaramdam ng uncertainty. Hindi niya inaasahan iyon.
Totoong pumayag si Harmony na makipagrelasyon kay Lander ngunit hindi dahil mahal niya ang lalaki bilang isang lalaki kundi dahil iyon ang nakikita niyang munting kabayaran para sa lahat ng mga naitulong nito sa kanya. Isa pa ay naging mabuting kaibigan ito sa kanya.
Nang pumasok sila sa isang relasyon ay hindi niya naisip na hahantong sila sa puntong kailangan nilang magpakasal. At gusto niyang pagalitan ang kanyang sarili dahil hindi man lamang niya kinonsidera ang ganoong posibilidad dahil sa isipan niya noon ay mababayaran niya ang mga itinulong ni Lander sa kanya kung makikipagrelasyon siya rito.
Nang lumuhod na si Lander sa kanyang harapan para hintayin ang kanyang sagot sa alok nitong kasal ay saka lang niya naisip na naging unfair siya rito. Totoong mahal siya ng lalaki gayong siya ay hanggang kaibigan lamang ang pagtingin dito.
Habang nakaluhod sa kanyang harapan si Lander at hawak nito ang engagement ring na ino-offer nito para sa kanya ay hindi kinakaya ng kanyang konsensya na titigan ng diretso ang mga mata nitong punung-puno ng pag-asa. Nang mga sandaling iyon ay parang gusto na lamang ni Harmony na maglaho sa mundo.
Hindi kakayanin ni Harmony kung makikita niyang magdudusa ang taong walang ibang ginawa kundi ang tulungan at mahalin lamang siya.
Kaya naman kahit pakiramdam ni Harmony ay may mga alambreng nakapaligid sa kanyang lalamunan ay lumabas pa rin mula sa kanyang bibig ang katagang inaasahan ni Lander na marinig mula sa kanya.
Ang matamis na “oo” ni Harmony Fabellana.
Halos tatlong buwan na rin simula nang mag-propose ng kasal si Lander kay Harmony at ganoon na rin katagal niyang iniisip kung matutuloy ba ang kasalang ito o hindi. Ngunit alam niya na hindi kaya ng kanyang puso ang saktan si Lander.
Minsan na itong nasaktan at hindi niya gustong siya ang maging dahilan ng ikalawang heartache ng lalaki.
Naputol ang malalim na pag-iisip ni Harmony ng mga bagay-bagay nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang phone. Bumaba ang tingin niya sa cellphone na nasa ibabaw ng dressing table.
Isang pangalan ang nabasa niya roon, ang pangalan ng kanyang fiancé.
Malakas na tumikhim muna si Harmony bago inabot ang phone at sinagot ang tawag ni Lander.
Harmony: Hello, hon.
Muling tiningnan ni Harmony ang kanyang sarili sa salamin at naisip kung kailan ang huling beses na ngumiti at humalakhak siya nang mula sa puso matapos ang araw na pumayag siyang pakasalan si Lander.
Lander: Hon, I can’t believe this! Few hours from now ay makikita muna ang lugar kung saan ako lumaki. You’ll love it there, I promise you that.
Nahimigan ni Harmony ang excitement sa boses ng kanyang fiancé mula sa kabilang linya.
Pilit na kinakapa niya sa kanyang puso ang kaparehong pananabik ngunit wala siyang maramdaman. Ang naroon ay ang takot.
Takot na habang-buhay na siyang makukulong sa isang pagsasamang isang tao lamang ang nagmamahal.
Isa pa ay iniisip ni Harmony ang sariling issue na siyang dahilan kung bakit nakapanakit siya ng isang tao noon. Ang taong kahit isang araw ay hindi nawala sa kanyang puso.
Lander: I just hope na makasundo mo ang kapatid ko. Heaven knows how he disliked Regina so much.
Pinakiramdaman ni Harmony ang kanyang sarili kung makararamdam ba siya ng sakit sa ginawang pagbanggit ni Lander sa una nitong asawa ngunit katulad kanina ay wala siyang maramdaman kahit ano sa kanyang puso.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa ni Lander bago ito muling nagsalita.
Lander: I’m sorry, hon. I didn’t mean to mention her name.
Kahit hindi nakikita ni Lander ay ngumiti si Harmony sa kanyang reflection sa salamin na hindi rin naman umabot sa kanyang mga mata.
Harmony: No worries, hon. Hindi naman iyon big deal sa akin. At hindi naman tamang pagselosan pa ang taong matagal nang---
Parang gustong pitikin ni Harmony ang kanyang sariling bibig dahil muntik na siyang may masabing hindi maganda patungkol sa dating asawa ni Lander.
Kaagad siyang humingi ng paumanhin kay Lander at narinig niyang mahina itong tumawa mula sa kabilang linya na para bang pinapakalma siya.
Lander: No harm done, hon. Totoo rin naman ang sasabihin mo. Anyway, I want you to wear that white long-sleeved blouse and the light gray midi skirt tomorrow. The ones we bought last time.
Malalim na nagbuntung-hininga si Harmony matapos marinig ang sinabing iyon ni Lander sa boses nitong punung-puno ng sigla.
Simula nang maging magkarelasyon silang dalawa ay si Lander na ang halos nagdedesisyon kung ano ang kanyang isusuot sa mga lugar na kanilang pinupuntahan. Pakiramdam niya ay nawawala na ang kanyang sariling identity dahil sa ginagawang iyon ni Lander.
Lander: Wear flats dahil mas practical iyon sa pupuntahan nating probinsya.
Hindi alam ni Harmony kung matutuwa o maiinis siya sa sinabing iyon ni Lander.
Kahit medyo nakakasakal ang ginagawa nitong pag-uutos kay Harmony ng kanyang isusuot ay nararamdaman pa rin ng babae ang pinaghalong concern at pagmamahal para sa kanya ni Lander.
Kung maaari lang na maturuan ang puso ay ginawa ko na, Lander.
Iyon ang tumatakbo sa isipan ni Harmony nang sagutin ang sinabi ni Lander.
Harmony: You’re the boss, hon. You know I always look good kapag ikaw ang nag-iisip ng isusuot ko.
Gustong palakpakan ni Harmony ang kanyang sarili dahil natural ang dating ng kanyang pagkakasabi sa mga katagang iyon kahit na nga ba alam niya sa kanyang sarili na mas lumalabas ang kanyang totoong ganda at personality kung susundin lamang niya ang dating style ng pananamit.
Mga ilang paalala pa ang sinabi ni Lander kay Harmony bago ito naging seryoso sa kabilang linya.
Lander: You know how much I love you, hon, right?
Parang biglang nagkaroon ng bikig sa lalamunan ni Harmony dahil sa nahimigan niyang sincerity sa boses ni Lander mula sa kabilang linya.
Nakararamdam ng guilt si Harmony sa tuwing sinasabi ng lalaki sa kanya kung gaano siya nito kamahal. Nitong mga nakalipas na buwan ay madalas sabihin sa kanya ng lalaki kung gaano ito kasabik sa nalalapit nilang pagpapakasal.
Harmony: Yes, hon. You’ve always been my pillar of strength ever since you became a part of my life. Always grateful of the things you’ve done for me.
Kahit anong pilit ni Harmony sa kanyang sarili na sabihin ang mga katagang mahal niya si Lander ay hindi niya magawa.
Hindi sigurado si Harmony kung nahahalata ni Lander ang kanyang pag-aalinlangan sa kanilang relasyon. Ngunit kahit minsan ay hindi nagpakita ang lalaki ng kahit anong indikasyon na nararamdaman nito ang paghihirap sa kanyang kalooban.
Maya-maya ay nagpaalam na si Lander kay Harmony at sinabing maaga pa ang magiging biyahe nila kinabukasan.
Nang matapos ang tawag ay muling hinarap ni Harmony ang sarili sa salamin na nasa kanyang harapan. Halo-halo ang kanyang nararamdaman habang iniisip ang mga mangyayari sa mga susunod na araw patungo sa nalalapit na pag-iisang-dibdib nilang dalawa ni Lander.
----------
Mababakas sa mukha ni Soledad ang labis na pagtitimpi nang sa wakas ay lumabas na mula sa loob ng en suite bathroom ng kanilang kwarto ang kanyang asawang si Aaron. Pasipol-sipol pa ito na parang hindi nagkakaproblema sa negosyo nila ngayon.
Tumutulo pa ang mga butil ng tubig mula sa basang-basa nitong buhok patungo sa malapad at matipuno nitong dibdib. Nang dumako ang mga mata ni Soledad sa tiyan ng asawa ay mabilis niyang iniwas ang paningin dahil ayaw niyang ma-distract sa ayos nito habang sinasabi rito ang mga nagawa nitong kapabayaan.
Soledad: Anong oras na, Aaron? Bakit kagigising mo lang? Alam mo bang maraming issues sa production ngayon?
Nakita ni Soledad na lumakad patungo sa loob ng walk-in closet ang kanyang asawa na parang wala siyang sinabi.
Tiningnan niya si Aaron kung paanong pasipol-sipol ito habang naghahanap ng isusuot nito.
Soledad: Kulang ang raw materials na p-in-ick up ninyo sa local suppliers. Hindi nakumpleto ang herbal juices na kailangan para sa malaking order na naka-schedule i-deliver today.
Napasinghap si Soledad nang bigla na lamang nalaglag sa sahig ang tuwalyang nakapulupot sa baywang ng kanyang mister kanina.
Kitang-kita ni Soledad ang nakakalokong pagngisi ni Aaron habang isinusuot nito ang masikip na itim na boxer briefs. Lumikha pa ng tunog ang malakas na pagpitik ng garter ng fabric sa balat ng kanyang asawa nang bigla na lang nitong bitiwan iyon matapos maipaloob sa manipis na tela ang maumbok na pang-upo at ang matabang laman sa pagitan ng mga hita nito.
Aaron: Huwag mo nang problemahin iyan, babe. Ako na ang kakausap kay Mister Salcedo. Loyal buyer naman natin iyon.
Naniningkit ang mga matang umiling si Soledad habang pinapanood ang pagsusuot ng fitted jeans ni Aaron.
Soledad: Lagi na lang ba tayong makikiusap sa clients sa tuwing nagkakamali ka, Aaron? May mga negosyo rin ang mga taong sinu-supply-an natin. Nakakahiya.
Tumingala sa kisame si Aaron at malalim na nagbuntung-hininga.
Maya-maya ay hinarap ni Aaron ang asawa habang nakabukas ang zipper at butones ng pantalon kaya kitang-kita ni Soledad ang nakaumbok na boxer briefs ng mister.
Aaron: Huwag mo muna akong sermunan ngayon. Darating si Kuya Lander at paniguradong sandamakmak na pang-iinsulto na naman ang maririnig ko mula sa kanya. Ibigay mo muna sa kanya ang trono.
Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Aaron bago humablot ng isang sando at isinuot iyon at ipinaloob sa suot na pantalon. Maharot na kumindat pa si Aaron sa kanyang misis habang isinasara ang zipper at butones ng jeans.
Nahahapong tinutop ni Soledad ang kanyang noo kasabay nang pag-iling.
Soledad: Kailan ka ba matututo, Aaron? Tingnan mo na lang ang oras ng paggising mo. Alas nuwebe y medya. Hindi ka ba nahihiya sa mga tauhan natin na---
Huminto sa pagsasalita si Soledad nang tumunog ang phone ni Aaron.
Nang tingnan niya ang phone nito na nasa ibabaw ng kama ay binasa niya ang name ng caller sa screen. Ang kapatid ni Aaron na si Lander ang tumatawag.
Soledad: Si Kuya Lander tumatawag.
Ngising may halong tawa ang itinugon ni Aaron kay Soledad.
Aaron: Ikaw na ang sumagot.
Napapailing na inabot ni Soledad ang cellphone ni Aaron mula sa ibabaw ng kanilang kama.
Ilang minuto siyang kinausap ng bayaw bago ibinaba ang phone.
Soledad: Dumating na ang Kuya mo. Ang kaso ay tumirik sa sangang-daan iyong kotse niya. Nagpapasundo siya sa iyo.
Isang nakakainsultong tawa ang pinakawalan ni Aaron bago sinagot ang sinabi ng misis nito.
Aaron: Ano siya? Sinuswerte? Alam kong pagagalitan niya ako mamaya. Kaya bakit ko siya susunduin? Saka baka hindi ko pa makasundo iyong fiancée niya kung pagbabasehan ko na lang ang dati niyang asawa.
Akmang sasagot si Soledad sa sinabing iyon ni Aaron ngunit nagpatuloy sa pagsasalita ang kanyang mister.
Aaron: Bakit hindi mo ipasundo sa Kuya Gustavo mo? Tutal siya naman ang bida sa mga mata ng magaling mong bayaw. At saka kailangan ko pang kausapin si Mister Salcedo.
Napamaang na lamang si Soledad habang tinatanaw ang malaking bulto ni Aaron na palabas ng kanilang kwarto habang nakapamulsa ito at pasipol-sipol.
----------
Iginagala ni Harmony ang kanyang mga mata sa mga punong nasisilayan niya sa labas ng kotse ni Lander. Kanina ay bigla na lamang huminto ang sasakyan nito sa harap ng sangang-daan at ngayon ay hinihintay nilang dalawa ang kapatid nitong maghahatid sa kanila patungo sa mansyon ng mga Jarandilla.
Lander: Almost two years ding hindi ako nakabalik sa Pueblo Luntian.
Sa narinig na sinabi ng kanyang fiancé ay nilingon ni Harmony si Lander.
Nakatingin pala ang lalaki kay Harmony at nakangiti ito sa kanya. Nababasa niya sa mga mata nito ang labis na pagmamahal. Inabot ni Lander ang kanyang kaliwang kamay at pinisil.
Lander: And now I’m glad that you’re here by my side sa pagbabalik ko rito, hon.
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Harmony bago nagsalita.
Harmony: Masaya rin ako na kasama kita ngayon, hon.
Akmang yayakapin ni Lander si Harmony nang marinig nila ang pagdating ng isang owner-type jeep sa kanilang harapan.
Napatingin si Harmony sa mukha ni Lander nang bitiwan nito ang kanyang kaliwang kamay. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito habang diretso ang tingin sa kanilang harapan.
Lander: I thought si Aaron ang susundo sa atin.
Nang marinig ang sinabi ni Lander ay kaagad na nilingon ni Harmony ang kararating lang na sasakyan at inaninag ang mukha ng driver nito.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Harmony nang mapagsino ang matikas na lalaking bumababa mula sa owner-type jeep.
Nagulat pa si Harmony nang marinig ang pagbukas ng pinto sa tabi ng passenger seat. Nakababa na pala ng sasakyan si Lander at nakalahad na ang kaliwang kamay nito sa kanya.
Hindi alam ni Harmony kung nararamdaman ng kanyang fiancé ang panginginig ng kanyang kanang kamay nang abutin niya ang kaliwang kamay nito. Naninigas ang katawan niya sa sobrang kaba habang bumababa ng kotse.
Pakiramdam ni Harmony ay parang nanlalambot ang kanyang mga tuhod nang tuluyan na siyang makatapak sa lupain ng Pueblo Luntian.
At sa sandaling pagsasalubong ng mga mata nila ng lalaking nakatayo sa tabi ng owner-type jeep ay bumilis ang t***k ng kanyang puso.
Ito ang lalaking sinaktan ni Harmony ilang taon na ang nakalipas at hindi nawala sa kanyang puso.
Gustavo.
----------
to be continued...