bc

Fleeting Moments (Angkinin Ang Hindi Atin) *Short Story*

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
forbidden
love-triangle
family
forced
second chance
neighbor
heir/heiress
drama
tragedy
serious
office/work place
small town
cheating
like
intro-logo
Blurb

Shock.

Iyan ang unang rumehistro sa mukha nina HARMONY at SOLEDAD nang muling magkita ang dalawang magkaibigang matagal na nawalay sa isa't isa mula nang hindi sumipot si Harmony sa kasal nila ni GUSTAVO na siyang kapatid ng matalik na kaibigan na si Soledad.

Matapos ang ilang taon ay muling nagbabalik sa buhay ni Soledad ang kaibigang si Harmony bilang fiancee ng kanyang bayaw na si LANDER.

Paano pakikitunguhan ni Soledad ang kaibigang nanakit sa puso ng kanyang kapatid lalo na at alam niyang iniibig pa rin ito ni Gustavo?

Makaapekto kaya sa pagsasama ni Soledad at ng kanyang esposong si AARON ang kanyang malamig na pakikitungo sa kasintahan ng kapatid ng kanyang mister?

Ano ang gagawin ni Gustavo oras na muling magkrus ang landas nilang dalawa ng babaeng minamahal na nakatakdang ikasal sa bayaw ng kanyang bunsong kapatid?

Paano haharapin ni Harmony ang dating kasintahan ngayong nakatali na siya sa ibang lalaki?

Sa kabila ng bawat tensyong namumuo sa pagitan ng mga karakter ay ang hindi namamalayang atraksyon sa pagitan ng dalawang tao.

Mga mumunting sandali na maaaring hindi pagtuunan ng pansin ngunit para sa dalawang tao ay unti-unti itong umuusbong patungo sa isang lugar na ipinagbabawal.

Laging tandaan na ang pag-angkin ng hindi atin ay may kapalit.

At kung minsan, ang kapalit ay ang sarili nating buhay.

Bantayan ang bawat sandali...

...kung ayaw nating maagawan.

----------

This work contains themes of cheating and violent death that may be considered profane, vulgar, or offensive to some readers and/or inappropriate for children. Reader discretion is advised.

The thoughts, actions, and/or beliefs of characters in this story do not portray the thoughts, actions, and/or beliefs of the author.

This story is all fiction and in accordance with the wide imagination of the author. The names of the characters, places, and each scene, if there is any resemblance to the real events, are unintentional.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Malamlam ang liwanag ng buwan na dumadaloy sa madilim na silid na iyon ng malaking bahay, ang mga anino ng mga kasangkapan ay nagiging mahahabang guhit sa sahig. Isang babae ang nakatayo sa harap ng bintana, ang mga mata ay nakatanaw sa malayo. Ang hanging dumadampi sa balat ng babae ay malamig, ngunit hindi ito ang dahilan ng panginginig na nararamdaman niya sa kanyang katawan. Ang kanyang isipan ay puno ng magkahalong alaala, ang bawat detalye ng nakaraan ay bumabangon mula sa alikabok ng kahapon. Habang ang babae ay matamang nag-iisip ay unti-unting nakukuha ang kanyang atensyon ng mga yapak na kanyang naririnig na papalapit sa silid na iyon. Hindi ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang parehong tunog ng mga yapak na iyon sa sahig ng malaking kabahayan, ngunit ngayon ay hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Kakaiba ang pakiramdam na idinudulot sa puso ng babae ng papalapit na presensiya. Unti-unting bumibilis ang t***k ng puso ng babae at ang malamig na hangin ay hindi kayang takpan ang init na nagsisimula nang mag-umalpas sa kanyang katawan. Dahan-dahang lumingon ang babae sa direksyon ng pintuan ng malaking silid na iyon. Naroon sa hamba ng pintuan ng malawak na library ay nakatayo ang isang lalaki - ang lalaking matagal ding nawala sa buhay ng babae, ang lalaking ilang beses niyang iniwasang makitang muli. Tila hindi nagbago ang hitsura ng lalaki - matipuno, may malalim na mga mata, at ang mga labi ay nakatanghod sa isang hindi maintindihang ekspresyon. Nanatiling tahimik lang ang babae, hindi alam kung ano ang sasabihin. Isang mahaba ngunit nakabibinging katahimikan ang dumaloy sa pagitan ng dalawang tao sa loob ng silid na iyon. Walang gustong maunang magsalita. Animo'y pareho nilang nararamdaman ang bigat ng mga taon ng hindi nila pagkikita, ang mga lihim na hindi nasabi. Ang puso ng babae ay parang huminto sa pagtibok. Sinubukan niyang tumayo ng tuwid ngunit hindi maikakaila ang paninigas ng kanyang katawan, parang naestatwa sa uri ng titig na nagmumula sa mga mata ng lalaki. Ang lalaki ay hindi lumalapit sa babae kahit alam nitong may parte sa puso nito ang nagsasabing tawirin ang distansyang naghihiwalay sa kanilang dalawa ng taong nasa harapan nito ngayon. Nanatili itong nakatayo sa tabi ng pinto, nakatunghay sa mukha ng babae na parang hinahanap sa mga mata ng binibini ang mga kasagutan sa mga katanungang hindi kayang maipaliwanag. Lalaki: Still the same, huh? Ang mga unang salitang iyon na binitiwan ng lalaki ang bumasag sa katahimikan ng gabi. Mahihimigan sa tinig ng boses ng lalaki ang mabigat na emosyong matagal nang pinipigilan. Nanatiling nakatitig ang babae sa mga mata ng lalaki kahit alam niyang anumang oras ay maaaring bumigay ang kanyang tuhod sa tindi ng samu't saring emosyon na umaapaw sa kanyang puso nang mga oras na iyon. Katulad sa lalaki, ang mga mata ng babae ay puno rin ng katanungan. Hindi pa kayang magpatawad ng babae, ngunit hindi rin niya kayang alisin sa kanyang puso ang kanyang nararamdaman - ang nararamdamang magnetismo sa pagitan nilang dalawa ng lalaki na tumatagos sa kanyang katawan. Babae: I don't know. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Mahina ang tinig ng boses ng babae ngunit malinaw ang bawat salitang namutawi mula sa kanyang bibig, pilit na pinapatatag ang sarili sa kabila ng mga emosyong umaapaw sa kanyang buong sistema nang mga sandaling iyon. Babae: It's been years. Walang galit, walang ligaya, kundi isang malalim na kalungkutan ang mahihimigan sa tinig ng boses ng babae. Hindi alam ng babae kung bakit ngunit sa kabila ng mga halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman ay iyon ang nag-uumapaw. Lalaki: Matagal na nga. Ang kasagutan ng lalaki na ang tono ay hindi matukoy - parang may bahid ng hinagpis at lalong walang kaligayahan. Ilang sandaling katahimikan bago unti-unting sumilay sa labi ng lalaki ang isang malungkot na ngiti. Lalaki: Pero nandiyan pa rin, hindi ba? ‘Yong pakiramdam na hindi matanggal. Pakiramdam ng babae ay lalong tumindi ang paninigas ng kanyang katawan. Alam ng babae na may katotohanan ang sinabi ng lalaki. Hindi nila kayang burahin ang mga alaala ng mga araw na magkasama pa silang dalawa. Ang mga iyon ay naka-ukit sa kanya, at kahit anong gawin niya, ang mga alaalang iyon ay hindi matitinag. Naglakad ang lalaki patungo sa babae. Hindi ito nagmamadali at bawat hakbang ay parang may ibig ipahiwatig. Ang bawat hakbang na iyon ay nagsisilbing pahiwatig sa mga nararamdaman nilang parehong hindi kayang itanggi. Lalaki: Nagbabalik ako. Halos hindi na humihinga ang babae sa kakarampot na distansyang naghihiwalay sa kanilang dalawa ng lalaki. Halos dumampi na sa pisngi ng babae ang mainit na hanging lumalabas mula sa bibig ng lalaki. Lalaki: And maybe... Niyuko ng lalaki ang babaeng nasa harapan nito. Lalaki: ...kailangan mong harapin kung ano ang nararamdaman mo sa huli. Hindi nakasagot ang babae habang nakatingala siya sa gwapong mukha ng lalaki. Ang mga mata niya ay nagpupumilit sa pagnanais na huwag siyang ipagkanulo ng mga damdaming nag-uunahang umalpas. Ang mga taon ng distansya ay hindi naging dahilan para mawala ang anuman nilang koneksyon - ang dating ugnayan na hindi nila kayang basagin, kahit gaano pa nila pilit na alisin. Lumapit pa nang mas malapitan ang lalaki, at ang pagitan nilang dalawa ay tila naging mas mainit. Ang hangin sa paligid nila ay tila napakabigat na, punung-puno ng tensyon. Ang mga nararamdaman nilang hindi kayang ipaliwanag ay lalong nagpapadagdag sa bigat ng paligid. Lalaki: A lot of things has changed since you left. Tila napakalapit sa tainga ng babae ang tinig ng boses na iyon ng lalaki. Lalaki: Pero ang hindi nagbago ay ‘yong nararamdaman ko para sa ‘yo. Halos mapasinghap ang babae sa nakikita niyang sinseridad sa mga mata ng lalaki habang binabanggit ang mga katagang iyon. Ang katawan ng babae ay tila nanlumo, ngunit ang puso niya ay kumakabog nang mabilis. Ang mga mata ng lalaki ay matamang nakatitig sa kanyang mukha na halos magpawala sa babae sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay hindi na niya kakayanin pang magsalita dahil alam niya sa kanyang sarili na hindi niya maitatanggi ang kanyang nararamdaman na kapareho ng damdamin ng lalaki. Ngunit bago pa man humaba ang kanilang titigan ay bumalik na ang babae sa katinuan. Babae: I need to go. Halos pabulong na lamang iyong lumabas mula sa bibig ng babae, ang tinig ng boses ay may kahalong kaba. Hindi na kaya pa ng babae na manatili sa harapan ng lalaki sa ganoong sitwasyon na puno ng emosyon ang kanyang puso at ang kanilang koneksyon ay walang dudang hindi naglaho. Bago pa tuluyang makalayo ang babae mula sa lalaki ay isang saglit na kahinaan ang pumigil sa kanya - muli niyang itinutok ang sariling mga mata sa mga mata ng lalaki kung saan napakaraming mga katanungan ang hindi niya alam kung paano sasagutin. Walang mga salitang namumutawi sa kanilang mga labi nang mga sandaling iyon, ngunit ang kanilang mga mata ay nagsasabi ng higit pa sa anumang sagot na maaari nilang ibigay sa isa't isa. Walang kamalay-malay ang dalawang taong nasa loob ng madilim na silid na iyon na may pares ng matang nakatanaw sa kanilang dalawa at sinusuri ang kanilang bawat galaw. At katulad ng dalawang taong magkaharap ay marami ring katanungan ang dumadaloy sa isipan ng taong nakamasid. ----------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Landscaper's Lust (SSPG)

read
31.0K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
44.2K
bc

Royal Blood: Hot and Wild (SPG)

read
110.5K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
86.3K
bc

Push It Harder (SSPG)

read
149.5K
bc

Manong Rex (SSPG) Virgin men series 1

read
92.4K
bc

Hot Nights with My Ex-Husband

read
98.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook