Chapter 5 - Sanctuary
I spend my whole Saturday sulking at my room. Lalabas lang ako pag kakain na or magc-cr ako. Those words that Satiya threw at me are still lingering on my nerves. Expect ko na rin naman na hindi ako makakapasa pero ang hindi ko in-expect ay yung critique ni niya.
Napabuntung-hininga ako atsaka kinuha ang bag at lumabas na ng bahay. Martes na pero wala pa rin akong sinalihan na club.
Ipinatong ko ang ulo ko sa desk ko nang makarating ako sa room namin. I don't feel like doing anything right now. Hindi rin ako nakapagsulat ng mga prompts or verses kagabi. Siguro epekto pa rin ito ng sinabi ni Satiya sa akin last Friday.
Napaaga yata ako dahil wala pa rin si Carol hanggang ngayon. Hindi ko feel na makinig sa teacher ngayon kaya tumayo ako at naglakad palabas ng school.
I found myself entering our town library. The smell of books lingered on my nose as if telling me that I am home. Pumunta ako sa pinakalikod na stall ng library. I sat there in the floor and put my head over my knees.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon. I feel like I'm just living my life running around circles. Same places, same faces and same feelings.
I just lost the key to make my life more meaningful. I lost the chance to join the school publication. I lost my chance for reaching my dream.
Tumayo ako dahil hindi ako ganitong klase ng tao. Hindi ko ugaling magmukmok sa gilid at maghintay ng himala.
I unconsciously get some book without scanning it. Kuha lang ako ng kuha at umupo sa bakanteng upuan sa gitna.
Pagkabukas ko ng libro ay automatic kong tiningan kung may library card ba ito. At hindi ako nagkamali at mayroon nga. Binasa ko ang mga pangalan nang mga naunang humiran nito.
I eyed a certain name of a person. Parang familiar ito at nakita ko na kung saan. I just can't pinpoint where.
"Gin Silviani"
Binalik ko ang card sa lalagyan at tiningan din ang card ng tatlo pang libro. I was shocked to see na nandoon rin ang pangalan na iyon. Who might be this Silviani guy? Ang dami na niyang nabasa na mga libro. Nerd siguro yun.
I was immersed in reading when I suddenly felt a presence in front me. Agad kong sinara ang librong binabasa ko at tiningnan siya.
"What are you doing here?"
Mahina kong tanong sa kanya. Nanatili lang itong nakatingin sa akin.
"I should be the one asking you that. What are you doing here during class hours?"
"I...." yumuko ako nang mapagtanto na hindi ako pwedeng magsinungaling sa kanya. Malalaman niya rin naman ang totoo.
"Hindi ako pumasok," sinalubong ko ang tingin niya pagkasabi ko.
Wala namang nagbago sa mukha niya. Nakatingin pa rin ito sa akin ng diretso. Ilang sandali pa ay inilibot nito ang kanyang paningin sa loob ng library at naglakad patungo sa isang stall.
Bumuntong hininga ako at isinara ang libro. Bakit nandito siya? Di ba dapat nasa paaralan siya?
Pinuntahan ko siya sa mga stall at nakitang may tinitingan itong libro habang nakasandal sa isa pang stall. Napahinto ako at tiningnan siya. Para siyang model sa ginagawa niya ngayon.
Holding a book using a left hand while flipping the pages using his right hand and with that angelic face. Sino ba namang agency ang hi-hindi sa kanya?
I silently pinch myself when I realized that I had been staring at him for too long. Nilapitan ko ito pero nanatili parin ito sa pagbabasa kaya hindi nito napansin ang aking presensya.
Katulad niya kumuha rin ako ng libro at sumandal sa stall. Bago paman ako makapagbasa ay nagsalita siya.
"May meeting tayo bukas. 12:30 pm at the Arts Club," sinara nito ang librong binabasa at tumingin sa akin. Ngumiti ito at damn. Yung dimples niya. Ang sarap sundutin.
Biglang nagsink-in ang sinabi niya sa akin. Arts Club? Hindi naman ako nagregister dun ah.
"Niregister na kita. Satiya told me that you didn't pass in their qualification test," he said while putting back the book in the stall.
Naglakad siya palabas kaya sumunod ako sa kanya. He pulled out a two chairs and motioned me to sit.
So he knew?
Umupo ako sa upuan na iginiya niya sa akin which is sa harap niya kaya kitang-kita ko ang pagtingin niya sa akin.
"Salamat sa pagregister pero..." Napahinto ako dahil hindi ko alam kung paano ito sabihin. Niregister niya ako sa Arts Club pero ni hindi ko gamay ang Arts. Tsaka wala akong talent doon.
"Okay lang. You don't have to push yourself. Kahit maging member ka lang okay na. Magparticipate ka nalang if ever kailanganin ang club. That would be enough,"mahaba niyang paliwanag.
Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. Kakakilala pa lang namin pero kung maka-asta siya parang matagal na niya akong kilala. Gustuhin ko mang itanong kung bakit niya ginagawa ang bagay na ito it will just sound rude. Mas mabuti pa ngang magpasalamat ako dahil sa mga ginagawa niya.
"O-Okay. S-Salamat."
Nauutal kong sabi. Napaangat naman siya at diretso akong tiningnan. Maya-maya pa ay kumulo ang tiyan ko at kumunot ang noo nito. Tumingin siya sa kanyang relo.
A shiny old golden watch was placed on his left wrist. Medyo may kahawig ang relo nito na parang may kapares. Hindi ko lang maalala kung saan ko ito nakita.
"Tanghali na rin pala. Kumain muna tayo," tumayo ito at naunang maglakad. Nang maramdamang hindi ako sumunod ay tumigil ito. Bumuntong-hiniga ito at tumingin sa akin. "Tayo na. Libre ko."
Napangisi ako sa narinig. Ewan ko ba kung bakit sa konting panahon na nakilala ko siya parang ang gaan na ng pakiramdam ko sa kanya. It feels like I've known him for a long time.
Kinuha ko ang bag ko na nasa ibabaw ng lamesa at sinara ang librong hindi ko naman nabasa. Agad akong naglakad papunta sa kanya at ipinulupot ang braso ko sa kanang braso niya.
He suddenly froze by my gestures. Nagtaka ako sa inasal niya at huli na rin nang mapagtanto ko kung ano ang ginawa ko. I was carried away. Ganito palagi ako kay Carol pag masaya ako.
"S-Sorry."
I was about to remove my arm when he suddenly said something that will make my heart popped if I didn't control myself.
"W-wag. H-Hayaan mo lang diyan."
Hindi maawat sa pagtibok ang puso ko. Nagsisi tuloy ako kung bakit sumang-ayon ako aa hindi pagtanggal ng braso ko mula sa kanya. Naglalakad kami ngayon papalabas ng library. Parang escort ang lagay niya. At ako ang muse.
"Saan tayo pupunta?" I asked when we got out from the library.
Pumunta kami sa gilid ng kalsada at nang may paparating na tricycle ay pinahinto niya ito. Inalis niya ang braso kong nakapulipot sa braso niya at hinawalan ang kamay ko papasok sa loob. Gulat na gulat man sa mga pinanggagawa niya ay hindi na ako nakareklamo pa. Nang makaupo na ako ay siya ring pag-upo niya sa tabi ko.
"Sa malapit na mall lang po kami Manong."
Nakatingin sa amin ang tricycle driver na para bang may gustong sabihin pero minabuti nalang na tumahimik. Tahimik lang din ako sa byahe dahil wala akong masabi. Nakakagulat naman kasi. At sa mall pa kami pupunta. Ano nalang ang sasabihin ng mga taong makakakita sa amin. Naka uniform pa kaming dalawa at oras pa ng klase ngayon. Baka isipin nilang nagcutting kami para magdate. Hell no!
Kaya nang makapagbayad at makababa kami ng tricycle ay agad ko siyang hinigit sa gilid ng entrance ng mall. Kunot-noo niya akong tiningnan.
"Bakit dito tayo pumunta? Kitang naka school uniform tayo. Nakakahiya. Baka isipin nilang nagcutting tayo," agad kong asik sa kanya.
"Bumili nalang tayo sa loob at magpalit." Kampante nitong sabi.
Bumuntong-hininga ako at lumayo ng kaunti sa kanya. Nahihiya akong pumasok.
"Gutom ka ba di ba? Tara na sa loob. Wag kanang umarte."
Agad niya akong hinigit papasok sa loob. Pinagbuksan kami ng guard at napatingin ito sa kamay kong hawak ni Priam. Nginitian ko lang ito at nginitian din ako nito pabalik pero nang-aasar na ngiti. Mga tao talaga ngayon mga malisyoso.
Tinulak niya ako ng kaunti sa dulo at masama ko siyang tiningnan. Sinampal ako ng signage nang mapagtantong kaya pala niya ako tinulak dahil para sa mga lalaki ang lane na iyon.
"Ma'am, check lang natin yung bag ha," sabi ng babaeng guard sa akin at binuksan ko naman ang bag ko para macheck niya.
Sinukbit ko ulit sa balikat ang bag ko nang matapos itong siyasatin ng guard. Nakitang ko si Priam na nakatayo hindi kalayuan sa guard.
"Mga kabataan talaga ngayon. Hay nako," rinig kong sambit ng guard bago ako pumunta sa gawi ni Priam.
Mga matatanda talaga ngayon ang judgemental.
Hindi ko na naitago ang irap na kumawala sa mga mata ko nang huminto ako sa tabi ni Priam.
"Ang bagal," nahuli kong bulong nito. Binatukan ko ito kaya napatingin ito ng masama sa akin.
"Tara na nga. Gutom na ako."
Nauna akong maglakad sa kanya at naghanap ng makakainan namin. Nang makita ko ang ang isang sikat na fastfood ay kaagad akong lumingon sa kanya. Pero nagulat ako nang wala na ito sa likod ko.
Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko siyang papasok sa fastfood chain rin pero hindi ko bet. Nag-aalanganin pa akong pumasok pero dahil siya ang manlilibre wala na akong nagawa kundi pumasok na rin.
Pumunta na ito sa counter kaya naghanap nalang ako ng mauupuan namin. Dahil lunch time, maraming customer ang kumakain sa loob. Nanliit ako at napayuko nang makitang pinagtitinginan ako ng mga ito.
Hindi pa pala kami nakapagpalit kaua ganun nalang ang tingin nila sa akin. Mabuti nalang at may lumapit sa akin na crew ng fastfood at iginiya ako sa mesa. Table for two siya dahil wala na rin naman akong pagpipilian at dalawa lang din naman kami ni Priam. For sure mahihirapan siyang hanapin ako dahil nasa sulok itong mesang inupuan ko.
Habang hinihintay siya ay binilang ko ang perang dala ko kung kasya ba itong pambili ng pamalit ko. Halos itapon ko ang wallet ko nang makitang 300 pesos lang ang laman nito. Dahil sa sama ng loob binalik ko nalang ito sa loob ng bag ko at siya ring pagdating ni Priam dala ang tray na may lamang dalawang iced tea at numero.
Akmang kukunin ko na sana ang resibo para tingnan kung magkano ang inorder niya pero dali-dali niya rin itong kinuha at isinilid sa bulsa ng bag niya. Napanguso ako at inilagay ang dalawa kong kamay sa tuhod ko.
"W-Wag nalang pala tayong magpalit. Okay na 'tong uniform natin. Dismissal na rin lang mamaya."
Uminom muna siya sa kanyang iced tea at tumingin sa akin. Nakakunot na naman ang noo nito. Kanina ko pa napapansin na panay ang kunot ng noo niya sa tuwing titingin siya sa akin. Ano ba meron sa mukha ko?
"Kanina ikaw 'tong pilit ng pilit na magpalit ng uniform. Why are you now insisting that we shouldn't?"
He crossed his arms and put it in the table. Mataman niya akong tiningnan at naghihintay sa sagot ko.
"Here's your order Ma'am, Sir," hindi agad ako nakasagot sa kanya dahil sa pagsulpot ng waiter sabay lapag ng inorder ni Priam sa mesa.
Nanuot sa ilong ko ang amoy ng marinated at grilled chicken. Naamoy ko rin ang kalamansing ilalagay sa sawsawan ng manok. This is why I am hesitant to enter this fastfood in the first place.
Kulay green ang pinggan na kakainan namin ni Priam kaya ibig sabihin lang nun ay unli rice tong inorder niya. Samantalang puting pinggan naman ang para sa hindi unli rice. Balak niya ata akong patabain.
Nilagay niya sa harap ko ang pinggan na may lamang pecho ng manok at kanin. Siya na rin ang nagtimpla ng sawsawan ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa iyon at itong pesteng puso ko naman ay hindi maawat sa pagtibok. Kung may sakit lang ako sa puso malamang nasa morgue na ako ngayon.
Hindi ko pala namalayan na nakatingin lang ako sa kanya the whole time na inaayos niya itong kakainin namin. Bumalik lang ako sa reyalidad nang magsalita ito. Pero sana hindi nalang muna ako bumalik sa reyalidad kung ang maririnig ko lang naman na mga salita na galing sa bibig niya ay mga salitang katulad rin niya. Mahangin at feeler.
"Itong manok ba talaga ang kakainin mo o hindi kaya'y ako?"
Halos ibuhos ko ang iced tea sa mukha niya nang marinig iyon. Ang kapal naman niya. Sing kapal ng librong gusto kong bilhin ngayon. Pero ang tanga ko naman at imbis na magalit ay napatawa ako. Naka-droga yata ako.