Chapter 6

2118 Words
The hazy weather is on my side as I walk my way to the Arts Club. Hindi ko alam na located pala ito sa may SSC Building. Ang habang lalakarin na naman ang tatahakin ko. Naisip kong bumili muna ng bottled water dahil naiwan ko ang tumbler ko sa bahay dahil sa pagmamadali kanina. Late na akong nagising dahil sa pagod sa ginawa namin ni Priam kahapon. Naka tatlong rice ako kahapon samantalang naka lima naman si Priam. Hindi halatang gutom. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami at nagstroll sa loob ng mall, hindi alintana ang mga matang kumikilatis sa amin. Hindi na namin naisipan pang magpalit. Nakumbinsi yata siya sa sinabi kong malapit na rin lang magdismissal. Pero ang totoo kulang ang pera kong dala. Ibibili ko kasi ito ng libro. Pero sa kasamaang palad hindi ako nakapunta sa Bookstore dahil biglang may tumawag kay Priam. Kailangan niyang bumalik sa school dahil pinapatawag daw siya ng Student Council President. Kaya napagdesisyunan ko na ring umuwi. Ang boring din kasi pag ako lang mag-isa ang magliliwaliw dito sa mall. Balak pa sana akong ihatid ni Priam pero humindi na ako. Pagkatapos bumili ng bottled water ay nagmamadaling pumunta na ako sa Arts Club. Muntik pa akong mamali ng pinasukan na room. Hindi ko kasi nakita ang malaking signage na may nakasulat na "Glee Club". Sa susunod tatandaan ko na talaga ang kulay ng pinto ng Arts Club. Kulay mint green ang pinto nito samantalang kulay brown naman ang sa Glee Club. I wonder if nandito sina Laina at Rhea. I was about to open the door when I heard people talking behind me. Tila nagbabangayan ang mga ito at hindi nakitang may tao sa harap nila. "Maganda din kaya yung magpo-portray tayo tapos tig sampung piso kada portrait. Magkakaroon pa tayo ng funds." "Ang mura naman niyan. Paano pag mahirap yung ipapa-portray nila? Sa labor palang kulang na yung sampung piso!" Humarap ako sa kanila at napatigil naman yung lalakeng nakasuot ng eyeglasses. Matangkad ito, maputi at mayroon itong hair dye na kulay gold sa harap na part ng buhok nito. Para itong bad boy na nerd. Habang yung isa naman ay hindi ako napansin at kinakausap pa yung lalakeng naka glasses. "Na tu-od ka na dyan. Nandiyan ba yung crush mo?" Tumawa pa yung lalake habang pabirong sinuntok sa braso yung lalakeng naka glasses. Pagkaharap nito saka lang ako nito napansin. While the glasses boy have a gold highlights, this boy right here have an ash gray highlights. Napaatras ito ng konti. I see, being a SSC student can give you previlege. You can do whatever you want. They won't question every move you will make. Ofcourse, hindi katulad namin na mga ordinary students na kahit magkaroon ng nail polish ay sisitain na. Paano nalang kaya kapag nagpa-hair color pa kami? Siguro nagco-community service na yung iba. I slightly smiled to them. I can't change the fact that I am intimidated to them. The boy who's wearing glasses eyed me from head to toe. Sandaling nanliit ako. He must have seen my uniform. Maybe he's questioning himself what would be an ordinary student like me doing in their premises. "Are you lost, baby girl?" Napatingin ako sa lalaking abo nang tanungin niya ako. Nakangisi ito habang naghihintay ng sagot ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Kung mahihiya ba ako dahil kinausap niya ako or matatawa ako dahil sa tanong niya. Kuhang-kuha niya pa ang tono kung paano ito sabihin. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa world kung bakit naging viral pa iyang mga lines na 'yan. "Um, I am just going to attend a meeting. Aalis din ako kaagad kapag tapos na. Don't worry," mahina kong sagot. Nakakunot ang mga noo nilang tiningnan ako. Um, may mali ba sa sinabi ko? "What?" Agad kong tanong sa kanila nang hindi sila sumagot. "O-Oh you must be-" Hindi na nito natapos ang sinabi nang bumukas ang pinto sa likod ko. Bahagyang tinagilid ko ang ulo ko para tingnan kung sino ang bumukas nito. Then I saw Priam's head from the door. His creased forehead is telling me to come in immediately. Kaya wala na rin akong nagawa at iniwan ang dalawa. Isang pahabang mesa sa gitna ang bumati sa akin. May tigda-dalawang silya sa magkabilang gilid nito. Sa may kanang bahagi ay ang bookshelf tapos sa kaliwang banda naman ay naroroon ang mga canvas at mga pinta. Napadako ang tingin ko sa sentro ng mesa kung saan nakaupo si Priam. May mga papel na nakalatag sa harap nito. And I was shocked to see him wearing a glasses. Nakarinig ako ng pagsara ng pinto kaya alam kong nakapasok na rin ang dalawa. Hindi ko alam kung mauupo ba ako o ano. Ramdam ko ang titig ng dalawa kaya hindi ko alam ang gagawin ko. "Hindi ka ba nangangalay? Umupo ka nga." Napairap ako nang marinig ang sinabi ni Priam. Ano na naman bang problema nito at parang mangangain ito. Umupo ako sa isa sa mga upuan na nasa kanan niya. "Siya ba ang bagong member?" Napatingin ako sa pintuan at isang babae na may highlights na kulay blue ang nakita ko. Maputi ito at tila parang model dahil bumagay sa kanya ang kanilang uniform. Kumpara sa amin ay naka tuck-in ang kanilang blouse. Parang jumper style ang kanilang uniform samantala yung amin naman ay magkahiwalay ang blouse at palda. "Kumain ka na ba Priam? Kanina ka pa dito ah?" Napabaling ang tingin ko sa lalaking katabi ko nang marinig ang tanong ng babae. Alas dose y medya na. Maya-maya time na. At bakit ba ako nag-aalala? Mamamatay siya diyan sa gutom. "I already ate. Tatapusin ko lang 'to. Malapit naman na," he answered without looking up. "'Yung tinapay na naman ba na stock dito ang kinain mo?" This time ang lalaking may gold na highlights na ang nagtanong. "Yeah." Agad itong pumunta sa bookshelf at kinuha ang kahon na nasa taas nito. Dali-dali nitong binuksan ang kahon at hinalungkat ang loob nito. Nakita kong may hinagis ito na plastic ng mga chichirya, kilalang brand ng tinapay at mga candies. "So hindi mo ipapakilala sa amin ang new member? Ha Priam? After all, ikaw ang nag-insist na dumagdag ng isang mem-" Kumunot ang noo ko sa narining. Agad akong tumingin kay Priam na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Nakakunot din ang noo nito at ilang sandali pa ay tumango ito. "Uh.. I'm Cron Felomie Hervana. Please treat me well." "Cron? I think I heard your name somewhere," biglang sabat ng lalaking may gray na highlights. "I'm Ysmay. It's a pleasure to finally meet you," nakangiting sabi ng babae. She held out her hand. Nag-aalangan pa akong kuhanin ito. Nakaka-intimida kasi siya. "I'm Atlas," sambit ng lalaking may gold na highlights na kakagaling lang sa paghahalungkat ng mga pagkain sa box. "And I'm Kale," sambit naman ng lalaking may gray na highlights. Pagkatapos naming magpakilalang lahat ay umayos na kami ng upo. Nasa kanan ako ni Priam kaya umupo sa tabi ko si Ysmay. Samantalang umupo naman sa harap namin sina Atlas at Kale. Nalaman ko rin na silang apat nalang ang natirang member ng Arts Club. Grumaduate na kasi ang mga dating members nila. Nalaman ko ring member si Priam ng Student Council. Satiya is the Student Council President while he is the Vice President. Seriously? Ang dami ko pang hindi alam tungkol sa kanya. Hindi na rin sila nag-abala pang kumuha ng mga members dahil maliban sa walang sasali ay wala namang masyadong ginagawa ang club nila. Kung sabagay, mas prefer ng mga students ngayon yung hands-on sa pagiging member ng club. No wonder na puno na lahat ng slot sa Theater Club at sa Glee Club. Tumayo sa harap namin si Priam kaya tumingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa papel na hawak niya. Habang may glasses sa mga mata. Parang siya teacher na nagtuturo. At sigurado ako na kung siya ang magiging teacher ay walang estudyanteng a-absent. Napatingin ako sa katawan niya. Tamang-tama lang ang laki nito. Alam kong hindi naggi-gym si Priam dahil wala siyang oras pumunta doon. At alam kong mas pipiliin niyang magpinta kaysa magwork-out. Para siyang nagi-gym pero hindi. I almost jump off my chair when I saw him looking at me. Pasimple akong umiwas at kinuha ang mineral water na nasa harap ko at uminom. Goodness, what did I do? "According kay Satiya at sa meeting namin, we will celebrate the 50th Foundation Day of Montecito National High School. The school head already approved this idea," panimula niya. "Ayon sa meeting namin, all clubs should have their booth. There will be also contests and programs." "Wait, may theme na ba kayo?" tanong ni Ysmay. "The theme they chose is Retro Fashion." "Hmm.. not bad. What do you think Cron?" "Um.. okay naman siya. Since students nowadays have a knack in fashion," I answered. "The Student Council will take care of all the programs and contests for the Foundation Day. The Foundation Day will lasts for 2 days. It will start on the 29th of November until the 30th." "It's two weeks away! Hindi ba masyadong maaga yung program?" angal naman ni Atlas. "Ang school head mismo ang nagschedule ng program kaya wala na tayong magagawa," Priam answered and fixed his glasses. "Sigurado akong pagkatapos ng Foundation Day ay magbibigay sila ng exam," Ysmay commented. Nangunot ang noo ko. This is the first time that our school will be having a big program. Kadalasan ay minor programs lang ang ginagawa. Sa buwan ng Nobyembre magbibigay ang teachers namin ng aming pre-final exam. As an ordinary student, hindi naman ako nape-pressure. Our teachers are considerate in giving us our exams. Kaya hindi ako makarelate kay Ysmay kung bakit wala pang pre-fi ay parang stress na stress na siya. Nakita yata nito ang pagkakunot ng noo ko kaya nginitian niya ako. "Oh dear, you don't have any idea, do you? Unlike sa inyo, we are pressured. Yes, bibigyan nila kami kaagad ng exam pagkatapos ng program because we are the SSC. They are expecting something big from us. Hindi pwedeng ma delay ang exam." Tiningnan ko rin sina Atlas at Kale na nakikinig sa amin. They just gave me a weak smile. Dumako rin ang tingin ko kay Priam at umiwas lang siya ng tingin. Tss, kahit hindi mo sabihin alam kong nahihiya ka. The bell suddenly rang. Hindi pa tapos ang meeting namin pero dahil wala nang time ay pansamantala muna namin tinapos ito. Priam said that we will continue our meeting on weekend. "Bye Cron! It's nice meeting you!" Ysmay kissed my cheeks before going to their room. Tinanguan naman ako nina Atlas at Kale bago umalis. Kaming dalawa nalang ni Priam ang natira dito sa loob ng club. Inaayos pa kasi nito ang mga papel na ginamit nito kanina. My gosh! Hindi ko rin alam kung aalis na ba ako o hindi. Baka kasi may sasabihin pa ito sa akin! The heck Cron?! Are you expecting that he will tell you something? "Um.. ano.. mauuna na ako." Dali-dali akong lumapit papunta sa pintuan pero bago pa man ako makalabas ay pinigilan ako ni Priam. Sandali itong napakamot sa batok niya. "Kumain ka na?" tanong nito nang hindi nakatingin sa akin. "I should be the one asking you that." Hindi pa rin ito tumingin sa akin kaya napabuntung hininga ako. Wala akong magawa kung hindi ang hilahin siya papunta sa canteen. Sino ba ang mabubusog sa tinapay lang? Pagkarating sa canteen ay binitawan ko siya at dumiretso sa stall na palagi kong binibilhan. "Isang spaghetti nga po atsaka isang mineral water." Agad akong bumalik sa pwesto kung saan ko siya iniwanan at hinila ulit papunta sa isang lamesa. Nilagay ko doon ang binili ko at pinaupo siya. "Kumain ka. Hindi ka mabubusog sa tinapay lang." He smiled at me and I was too shocked to process what I just saw. Magana siyang kumain at nang natapos ay tinapon niya sa basurahan ang kinainan niya. "Ihahatid na kita sa room niyo," Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Hindi na.. okay na ako." Nangunot ang noo niya. "I insist. Bayad sa binili mong spaghetti." Bago pa man ako mapakapagprotesta ay hila-hila na niya ako papunta sa building namin. Paano nalang pag nakita kami ni Carol? Bago pa kami dumating sa mismong room namin ay huminto na ako at nagpaalam sa kanya. "Dito na lang ako. Salamat sa paghatid," nakangiti kong sambit sa kanya. "Saturday. 3 pm," sabi nito bago ako pumasok sa room. "Sige, pupunta ako." Hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako o talagang nakita ko siyang ngumiti? Nah, it's just my imagination.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD