Bakit ganon? Kung kailan gusto nating pabagalin ang takbo ng oras doon pa ito bibilis? Ang inconsistent ng mundo.
That also goes for us humans too. We tend to make ephemeral decisions. Decisions that only last for a short period of time.
Kaya nagsisisi ako kung bakit um-oo ako sa aya sa akin ni Priam. Isang dahilan kung bakit parang ayaw kong pumunta dahil hindi ko alam kung saan kami magkikita. Tsaka kung kaming dalawa lang ba o may kasama pa kaming iba.
Hindi ako prepared.
Kanina pa ako dito sa kwarto at sigurado akong maya-maya ay dadating na si Ate galing sa kanyang boarding house.
She is a Mass Com student major in Broadcasting. She is studying in a prestigous school far away from home. Hindi ko alam kung bakit mas pinili pa nitong mag-aral sa kabilang bayan eh may college naman dito sa amin.
Ang palagi niyang dinadahilan ay kesyo mas lamang daw ang college doon dahil they are teaching quality education. Pero sumasalungat ako sa hinanaing niya.
Quality education man o hindi, nasa estudyante pa rin 'yan. Kung magpu-pursigi silang mag-aral kahit hindi kwalidad ang edukasyon ay may matutunan pa rin sila.
Bumuntong hininga ako at tiningnan ang mga damit na hinalungkat ko sa aking aparador na ngayon ay nasa kama ko na. Hindi ko alam kung ano'ng susuotin ko.
Ginulo ko ang buhok ko at napatigil. Bakit nga ba ako namomroblema? Si Priam lang naman 'yun! Ba't ako mag-eeffort sa susuotin ko? Tsaka hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Napagdesisyunan kong magdress nalang. Mabuti na iyong komportable ako. I settled for my shift-styled dress. Regalo ito sa akin ni Mama dahil alam niyang hindi ako mahilig sa mga fitted dresses.
Hindi na ako nag-aksaya ng energy para ayusin ang buhok ko na hanggang balikat. Basta ko nalang itong nilugay. Itim na flat shoes lang din ang sinuot ko na bumagay sa puting dress na suot ko. Sinukbit ko rin sa balikat ko ang isang itim na sling bag.
Pagkalabas ko ng kwarto ay siya ring pagbukas ng main door namin at iniluwa si Ate na may bitbit na malaking bag.
Sandaling nanlaki ang mga mata niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"May date ka?" tanong nito at nilapag ang bag na dala sa tabi ng washing machine.
Inirapan ko siya. "Wala ka na dun!"
Hindi na rin siya umimik kaya lumabas na ako ng bahay.
"Babalik ako mamaya!" sigaw ko mula sa pintuan.
So what now?
Dahil wala naman kaming pinag-usapan kung saan magkikita ay didiretso nalang ako sa Antique Shop ni Lola Prisella. Matagal na ring hindi ako nakapunta doon. Hindi rin natuloy iyong pinag-usapan namin ni Priam last week dahil biglang sumabat si Carol na sasama daw ito.
Tsaka promise ko na hihingin ko na talaga ang contact number ni Priam. Ang hirap pag walang communication!
At three o'clock in the afternoon, the limpid sky is showing its beautiful bluish color. The clouds are nowhere to be seen. Kaya diretsong tumagos sa balat ko ang init ng araw.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad kaya nakatawid ako sa tulay agad. Dumaan ako sa likod ng town library at ilang sandali pa ay nakita ko na ang signage ni Lola Prisella.
Looking at the bungalow-styled shop is nostalgic. The unlit small lamps beside the door brings a lot of memories.
Hinigpitan ko ang kapit sa sling bag atsaka lumapit sa may pintuan. Open naman ang shop. The chime made a little metalic sound as I opened the door.
The wood brown, cream and white colored interior greeted me. The delicate smell of antiques lingered on my nose, giving me a pleasant feeling.
Isang pares ng mga mata ang sumalubong sa akin. Inaasahan ko na ang mga puting buhok ni Lola Prisella ang makikita ko sa counter ngunit isang itim na itim na buhok ang pumuno sa paningin ko.
Priam's jet black hair astonished me. Sa ayos ng buhok niya malalaman kong naglagay ito ng styling gel. Ang dating bagsak na buhok nito ay parang naging magulo.
I was flabbergasted. Hindi siya ganito umayos sa school. Kapag nasa school siya ay aakalain mong nerd ito plus na may gwapong mukha. Pero ngayon, para pa rin siyang nerd kaso may pagka-bad boy na.
"You're here!"
Narinig ko ang medyo may katinisang boses ni Ysmay sa gilid. Lumabas ito mula sa isang stall at lumapit sa akin.
Nginitian ko ito at gaya ng nakasanayan niya ay bumeso ito sa akin.
"Nice dress by the way," she commented and winked at me.
"Thanks! Ang ganda din ng dress mo."
She turned and made a princess bow in front of me. I giggled because of her cuteness.
She's wearing a baby blue sun dress. The dress complimented her fair pinkish skin. It also goes well with her blue highlights.
"Do you come here often?" tanong niya sa akin nang makarating kami sa kabilang stall.
"Hindi naman masyado. Napadpad lang ako dito."
"No wonder Priam didn't told you the address where we will meet," she said while nodding.
"Wow! Ang gaganda ng mga antiques dito!"
Katulad ko ay manghang-mangha rin si Ysmay habang tinitingnan ang mga antigong bagay na naka display sa stall.
She took out an elaborated frame. She traced its curves using her forefinger.
"Do you know the sad truth about antiques Cron?"
Natigilan ako sa pagtitingin dahil sa tanong ni Ysmay. Is there a sad truth about antiques? Hindi ba mga bagay lang sila na naiwan ng may-ari na nabuhay ng ilang daang panahon?
She gave me a weak smile. "They were the ones who stood out for centuries but still no one appreciates them."
"Haha! Don't mind me. I get a little philosophical sometimes. Come on, Kale and Atlas are already at the café."
Naunang lumabas si Ysmay habang patuloy ko pa ring pinoproseso ang sinabi nito.
They stood out for centuries yet no one appreciates them. Parang tayong mga tao lang, we may be there for someone for years but they are still looking at a far away abyss. Without noticing an attractive island infront of them.
"Let's go."
"Fudge you!" I almost jumped when I heard Priam beside me.
Masyado bang malalim ang iniisip ko at di ko siya naramdaman?
"Mauna ka na sa labas at ilo-lock ko pa ang shop."
Dali-dali akong lumabas at tumambad sa akin si Ysmay na nakaharap sa isang itim na sedan car.
"Come on Cron!" sigaw nito sa akin nang makitang nakalabas na ako ng shop.
Pumasok ito sa passenger seat sa unahan kaya sumakay na rin ako sa likod. Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan sa gilid ko at pumasok sa loob si Priam.
The car has only four seats and a compartment at the back. Kung tutuusin malawak na ang espasyo na iyon para sa amin dahil hindi naman kami malalaking tao.
But when Priam entered, I feel like the space had narrowed. The air inside the car feels a little heavy.
Umaandar na ang sasakyan pero simula nang pumasok si Priam ay ni hindi ako kumilos. The space between us is just inches away!
Nakakatakot din magsalita dahil ang seseryoso ng mga tao.
Nang makarating sa café ay nagpasalamat ako sa driver ni Ysmay at naunang pumasok sa loob. Hindi naman ako nahirapan sa paghanap kila Kale at Atlas dahil kahit marami ang tao sa loob ay nanatiling kakaiba sila dahil sa mga buhok nila.
"Grabe! I survived!" sambit ko nang makaupo sa mesa na ni-reserve nila.
Nagkatinginan sila nang nakakunot ang noo. Ilang sandali pa ay dumating na rin sila Ysmay at Priam.
"Hahaha. Ano'ng na survived mo Cron?" tanong ni Kale.
Out of curiousity ay tumingin sa akin si Priam. Tinaasan ko ito ng kilay pero umiwas lang ito ng tingin. Sus! Kunwari ayaw pero gusto ng tea!
"Wala! Chismoso ka rin 'no?" I jokingly said. Tumawa lang din ito.
Nang makaupo na kami lahat ay nilapitan kami ng isang waiter para kunin ang mga order namin.
Nang umalis ang waiter dala ang mga orders namin ay nagsimula na rin kaming mag-usap tungkol sa hindi namin natapos na meeting.
Tumikhim si Priam bago magsalita.
"So for the two days of the program, magsusuot tayo ng retro fashion attire. Pero I suggest na comfortable clothes ang susuotin niyo dahil balita ko magre-rent ang school ng mga carnival rides."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa excitement. In my entire life ni hindi ko pa naranasang sumakay sa mga ganyan. Hindi sa takot ako kung hindi dahil wala akong kasama.
Ate is afraid of heights kaya malaking ekis sa kanya ang mga rides. Mama and Papa is busy with their work kaya hindi kami makapag-bonding.
"Omg! Ang saya naman kung ganoon!" sambit ko atsaka pumalakpak. Kinalabit ko si Ysmay na nakaupo sa tabi ko. "Sakay tayo Ysmay!" ngumigi ito at tumango ito sa akin.
"Every booth will have their mini business according sa head ng school. That is why I need your suggestions."
Mini business? Ang chaka naman ng school, kung saan ga-graduate na kami may pa ganito-ganito pa.
"Mag hena tattoo nalang kaya tayo?" suhestiyon ni Atlas.
"Tattoo? Ayoko niyan. Ang dumi lang sa katawan niyan," Ysmay commented.
Tiningnan ko si Atlas at nakita kong natahimik ito. He must be offended.
"Edi wag kang magpa-tatto kung ayaw mong madumihan ang katawan mo," he fired back.
I looked at Ysmay and she is now glaring at Atlas who is infront of her.
Bet ko din naman ang tattoo. Ano kaya ang feeling kung may tattoo ka?
"Wala naman akong nakikita na mali sa tattoo kaya okay na yan." Priam agreed.
Maliban sa mini business ay pinag-usapan na rin namin kung kailan bibili ng mga kakailanganin para sa booth. Nag-assign na rin kami kung sino ang bibili ng mga materials at gagawa ng mga designs para sa booth.
Unfortunately, kaming dalawa ni Priam ang na assign na bumili ng mga materials. Si Ysmay at Atlas naman sa designs at si Kale ang gagawa ng mga flyers na ibibigay sa mga student.
Natapos ang meeting namin ng alas kwatro ng hapon. Agad nagpaalam sina Kale at Atlas, magliliwaliw pa raw muna ang mga ito sa mall malapit sa café na pinuntahan namin. Samantalang diretsong umuwi si Ysmay sakay sa kanilang sedan car.
I think something's bothering her. Hindi ito nakapagbeso sa akin gaya ng nakagawian niya.
Kaming dalawa nalang ni Priam ang naiwan dito sa harap ng café. Mahangin dito sa labas kaya nililipad nito ang laylayan ng dress ko. Agap ko naman itong hinawakan para hindi masyadong liparin.
Kung bakit kasi nagdress pa ako.
"Uuwi ka na?" tanong nito.
Wala namang pasok bukas dahil Linggo. Si Ate lang naman ang tao sa bahay at alam kong yayamutin lang ako nito.
"Hindi pa. Maaga pa naman. Tambay muna tayo sa shop niyo?"
Namimiss ko na ang mga antiques ni Lola Prisella at ang studio ni Priam.
Pumara ito ng tricycle at sumakay agad kami. Agad nitong binuksan ang shop pagkatapos naming bumaba.
Napatakbo ako sa loob dahil sa excitement. Nakita kong napangiti si Priam sa inasal ko pero wala na akong pake.
Pumunta ako sa stall kung nasaan ang lumang box na nakita ko nang una akong pumunta dito. Ngunit laglag ang balikat ko nang makitang wala iyon sa kanyang pwesto.
"Nakita mo ba ang lumang box dito?" tanong ko kay Priam at itinuro ang pwesto ng nito.
Lumapit siya sa akin at tiningnan ang itinuro ko.
"Dinala yata ni Lola. Nakita mo na ba ang laman 'non?" he asked.
Sa pagkaalala ko hindi ko pa nakita ang laman 'non. Bubuksan ko na sana ito noon kaso lang bigla siyang sumulpot sa likuran ko.
"Hindi pa. Epal ka kasi eh," asik ko sa kanya.
"Better luck next time." sambit nito at tinalikuran ako.
"Ang KJ mo talaga! Hintayin mo nga ako!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya.
Umakyat ito sa hagdan na sigurado akong papunta sa studio niya. Hinayaan niya lang akong sumunod sa kanya.
I am walking beside him kaya kitang-kita ko ang malapad nitong likod. I wonder how it feels to be hugged by someone who has a broad shoulders. Maybe it feels safe ano?
"Aray!"
Napahimas ako sa noo ko. Hindi ko namalayan na huminto na pala ito sa kakalakad kaya nauntog ako sa likod nito.
Nginisihan lang ako nito at pumasok na sa studio. Dumiretso ito sa desk niya samantalang dumiretso naman ako sa salamin para tingnan ang itsura ko.
I remembered that I will take his phone number. Para mas madali ang pagcommunicate naming dalawa if ever magme-meeting kami ulit or may ipapagawa siya.
Naglakad ako papalapit sa kanya. He is now fiddling with his phone unaware of my presence. Kinuha ko ang isang upuan at umupo sa tabi niya.
"Hoy Priam, pahingi ng number mo."
I felt something heavy and bouncy inside of me. So when he diverted his gaze to me, my eyes suddenly went big.
A playful smile was plastered on his lips. I know for sure that he would annoy me later.
I slid my hand inside my sling bag and reach for my phone.
His smile suddenly got wider. "Let's make a bet."
"What bet?"
My heart race again.
"Let's play a game. If you win I'll give you my number. But if I win, you need to do something for me," he gave me a mischievous smile.
I don't feel so good about this bet. Someone's telling me to decline his offer and just go home. And the one is persuading me to accept his bet because I don't have anything to do.
Ofcourse, I was persuaded.
Tinaasan ko siya ng kilay. "What game would we play?"
Again, a smile plastered on his lips. Except that it's in a devilish way.
"Mobile Legends."
Kinagat ko ang mga labi para itago ang kumakawalang mga tawa sa bibig ko.
Who would have taught that Priam, a sucker for painting, a dedicated Student Council Vice President and a passionate leader of the Arts Club is making a bet on me to play Mobile Legends.
Ngumisi ako. "Baka matalo pa kita," sambit ko at agad na inilabas ang cellphone mula sa sling bag.