Chapter 8

2958 Words
"Okay class, please study your notes. The earlier the better. I know that you are all gonna be busy for the Foundation Day kaya don't forget to open and read your notes. Goodbye." Napahiga ako sa desk ko matapos marinig ang tugon ni Ma'am Aspen bago ito lumabas ng room. Lunes na ngayon at ika-26 na ng Nobyembre. Ang bilis masyado ng panahon, hindi ako maka-catch up. Parang noong nakaraang araw nagmeeting lang kami nina Priam tungkol sa booth namin tapos sa Huwebes at Biyernes na ang Foundation Day. "Gurl, tara na sa library," untag sa akin ni Carol. Inangat ko naman ang ulo ko para harapin siya. Bahagya siyang ngumiwi nang makita ang itsura ko. "Hoy, natutulog ka pa ba? Ang lalim na ng eyebags mo," nag-aalalang sambit nito sabay lagay ng palad sa noo ko. How can I tell her that I read a book the whole night in a nice way? Talagang inabot ako ng alas kwatro sa pagbabasa ng libro. I can't blame my bookworm self though, when there's a good book infront of me, I can't control myself from reading it. Kung hindi lang sana pumasok si Papa sa kwarto para kuhanin ang mga librong tapos ko na basahin para isauli sa town library ay siguro hanggang ala-singko ng umaga nagbabasa pa ako. Dahil nagtulog-tulogan ako nang pumasok si Papa, sa mabuting palad nakatulog ako ng isang oras. "May magandang libro na inuwi si Papa kagabi kaya diniskitahan ko," sabi ko sa kanya at ngumisi. Pinagdikit niya ang mga labi niya. "Hindi na sana ako nagtanong. Tara na sa library." Bago ako tuluyang makatayo ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman agad iyon sa bulsa ng palda ko at binuksan. From: Priam the LOSER Arts Club. 12 nn. Napangisi ako nang mabasa ang text niya. Akala niya uurungan ko siya sa ML ah? Hindi naman sa pagmamayabang pero Epic na ang rank ko. Naglalaro lang naman ako ng ML kung wala ako sa mood magbasa kaya nakarating ako sa rank na 'yan. Kaya nang hinamon niya ako ay hindi na ako umurong pa. Lalo na't mataas ang kompiyansa ko sa sarili na mananalo ako. Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin ang nangyari, lalo na ang itsura ni Priam. *Umayos ako ng upo para makapaglaro ng komportable. Mula sa upuan ay lumipat ako sa sahig at nag indian sit dahil dito ako mas komportable. Samantalang si Priam naman ay humarap sa akin habang nakasandal sa kanyang swivel chair.* *Sinalubong ko ang malaking ngisi na nakaplastada sa mukha niya.* *Sige lang, ngumisi ka lang diyan. Maya-maya lulukot din ang mukha mong 'yan.* *Nginitian ko siya ng matamis pero sinimangutan lang ako nito at itinuon ang tingin sa kanyang cellphone.* *I enjoy playing games with high volumes rather than the opposite. Nakakagana maglaro pag may sound kang naririnig.* *I heard the game's intro in Priam's phone so I assumed that he already logged in to the game. I also did the same and the sound of the intro dominated the studio just a few seconds after Priam's phone made a sound of it.* *"Give me your IGN, I'm gonna follow you," biglang sambit nito.* *Binigay ko naman sa kanya ang in game name ko. After a few seconds I received a notification.* ***Pringles has followed you.*** ***Follow Back*** ***Ignore*** *I let out an excessive laugh when I saw his username. Parang agila naman ang mga mata niyang agad na bumaling sa akin at parang tigre naman ito na mang-aatake sa talim ng titig na binibigay niya sa akin.* *"I didn't know that the mighty Priam has a knack for corny things! Grabe ang cheesy mo!"* *Ang sama pa rin ng titig niya sa akin pero isinawalang-bahala ko nalang ito. Si Priam 'yan eh! Hindi nagagalit sa akin 'yan!* *I clicked the follow button and went to his profile. Even his profile icon is a pringle with a smiley face. I chuckle, not letting him hear any sounds of it.* *"If I'm corny, then what do you call yourself? Pupusta akong pagkain lang ang laman palagi ng utak mo. Crinkles huh?" sabi nito at ibinalik sa akin ang ngising ibinigay ko sa kanya kanina.* *Ano ba'ng mali sa IGN ko? Nilagay ko lang naman yung Crinkles dahil medyo may kahawig sa pangalan ko. Tsaka oo, paborito ko naman kasi iyon.* *Before I can utter a reply, he suddenly spoke up. "Let's play a 1v1 game. Maga-add ako ng tig isang partner ating dalawa. Wait, I'm going to invite you," he said without looking at me.* *"Sige lang, go."* *I looked at my phone when I received a notification from Priam whose inviting me to a game. I gladly accept it.* *Nag-add pa siya ng dalawang players. So parang 2v2 na kami ngayon. He didn't set any rules kaya mabuti na rin iyon.* ***Welcome to Mobile Legends. Few seconds till the enemy reaches the battlefield, smash them! All troops deployed!*** *We were both immersed in playing that we didn't pay attention to each other. The sounds of the game coming from our phone coincide.* *My teammate's rank is not that bad. A Grandmaster with an Epic player. We sure are strong. I wonder what is Priam' rank? Hindi ko ito nakita kanina nang pumunta ako sa profile nito.* *The current score is in favor for Priam's team. Lesley's the one I chose. I find it easier to attack in wide range. And she's not quite hard to control. On the other hand, Priam chose Gusion. I am not that familiar with his hero. Siguro dahil si Lesley ang palagi kong ginagamit.* ***You have slain an enemy!*** ***An ally has been slain!*** *Patas na ngayon ang score matapos kong mapatay ang teammate ni Priam. Humalakhak ako sabay palo sa sahig. Paano ba naman kasi, sugod ng sugod sa tore kahit walang kasamang mga minions. Tapos yung life niya kalahati nalang.* *"Tssk."* *Ang kaninang chill na mukha ni Priam ngayon ay sumeryoso na. Umayos rin ako ng upo sa sahig. Wala akong balak na magpatalo. Baka kung ano pa ang ipapagawa sa akin ni Priam.* *So far, napatumba na namin ang apat na tore nila Priam habang dalawa pa lang natumba nila sa amin. Laking pasasalamat ko at hindi cancer ang teammate ko. Kasalukuyang nagre-resurrect ang dalawa kaya kinuha na namin ang chance na ito para sumugod. Tumingin ako sa gawi ni Priam at nakita kong hindi ito mapakali.* ***Victory!*** ***Defeat*** *Napatingin kami ni Priam sa isa't-isa. Kinagat ko ang mga labi ko para pigilan ang tawang nais kumawala mula dito. Pero huli na at napatawa ako ng malakas.* *Priam massaged his temple probably from the stress his teammate gave him. I stood up and approach him. Bumaling naman ito sa akin na may masamang tingin. Binigay ko sa kanya ang cellphone ko at hinablot naman niya iyon mula sa kamay ko.* Nagtipa naman agad ako ng reply. To: Priam the LOSER Okay. Lunch muna us. Lunch ka na din. ? Sinabihan ko si Carol na bilisan namin sa pagpunta sa library para makakain kami agad dahil pupunta pa akong Arts Club. Nang makarating sa library ay nandoon na sina Rhea at Laina nakaupo sa pwesto namin. "Good morning ma'am!" bati namin ni Carol kay Ma'am Veyda. Tinanguan lang kami nito at itinuon ulit ang tingin sa laptop niya. Busy din yata si Ma'am sa Foundation Day. Nang makaupo kaming dalawa ni Carol ay agad kong binuksan ang lunch box ko. Ganun din ang ginawa nila. "Ugh! Nakakainis si Pres! Ipapa-overtime ba naman kami mamaya!" reklamo ni Laina sabay tusok sa hotdog na ulam niya na para bang iniimagine nito na ito yung President nila. Kumunot naman ang noo ko. "Ano ba ang mini business niyo?" "Magpapa-karaoke kami. Magde-design kami mamaya ng booth. Kahapon pa dumating yung karaoke. Excited masyado si Pres eh kaya nauna pang magrenta ng karaoke kaysa mamili ng mga designs para sa booth," napailing na sagot ni Rhea. "Ay oo nga pala! Manood kayo ng play namin ah? Sure akong magugustuhan niyo ang ip-perform namin!" excited na sambit ni Carol. "Ano ang im-mini business niyo Cron?" tanong naman Laina. Ibinaba ko ang hawak na kutsara at nilagay ang kamay ko sa lamesa. "Maghe-hena tattoo kami," sagot ko. "Nice! Bibisita kami sa inyong booth! Sa wakas, makikita ko rin ng malapitan si Kale!" Kung cartoon character lang itong si Laina sigurado akong naghu-hugis puso na ang mga mata nito. Nang makitang quarter to 12 na ay nagpaalam na ako kila Carol. Agad akong bumalik sa room para ilagay ang lunch box ko sa bag at lumabas ulit para pumunta na sa Arts Club. Nang nasa harap na ako ng pinto ay nakarinig ako ng mga boses. sa himig at lakas nito ay sigurado akong nagtatalo ang mga ito. Binuksan ko ang pinto at kasabay nito ang paghupa ng mga boses. Tumambad sa akin sina Ysmay at Atlas. Gulat ang mga itong nakatingin sa akin na tila ba hindi nila inaasahan na dadating ako. "Okay lang kayo?" tanong ko sa kanila. Umiwas naman ng tingin si Atlas at lumabas ng room. Samantalang napahinga naman ng malalim si Ysmay na para bang limang minuto itong hindi nakahinga. "Nasaan pala si Priam?" tanong ko sa kanya. Minabuti kong huwag nalang tanungin ang nangyari sa kanilang dalawa ni Atlas. "Pumunta muna siya kay Ma'am Aspen, ang adviser natin, para kumuha ng pera pambili ng designs para sa booth," sambit nito. "Alis muna ako Cron. Susundan ko lang si Atlas. M-May pag-uusapan lang kami tungkol sa designs ng booth. Hintayin mo nalang dito si Priam," may maliit na ngiti sa labi nito na halata kong pilit. Lumabas agad si Ysmay at alam kong susundan niya si Atlas. Umupo naman ako sa upuan na nasa kabisera ng mesa, ito ang palaging inuupuan ni Priam. Tanging cellphone lang ang dala ko dahil hindi ko naman alam kung anong gagawin namin ni Priam. After a few seconds, the door opened and Priam entered. Our eyes met and I felt something burst out inside of me giving me a ticklish feeling. How many days has it been since we didn't saw each other? I divert my gaze to prevent myself from saying something. I heard him fake a cough. Maybe to destroy the awkward silence between us. "Nakuha ko na ang perang pambili ng designs. I called you here because we're going to go to the mall to buy all the things we need in the booth," panimula niya. "Teka, lahat ng kailangan? Kasya ba yung oras natin? Vacant ko naman hanggang alas dos ng hapon. Ikaw ba? Baka may klase ka?" The side of his lips rose as if I said something amazing. Tinaasan ko siya ng kilay kaya nawala ang ngiti niya. "Vacant ko ring hanggang 2 ng hapon." "Edi good! Tara na, let's shop!" Masaya kong sambit ngunit nanatiling blangko ang itsura nito. Minsan talaga nagtataka ako kung ano ba ang pinaglihi kay Priam. Hindi kaya sa bato? Dahil palaging blangko ang itsura nito. O di kaya sa sama ng loob? Ang suplado eh. Nauna na akong lumabas at nahagip naman ng mga mata ko na sumunod ito sa akin. Nabg makarating sa gate ay nagpara kaagad ako ng tricycle at sumakay na kaming dalawa. "Bibili pa ba tayo ng mga ingredients sa paggawa ng henna paste o yung ready to use nalang?" tanong ko matapos kong maupo sa loob ng tricycle. "We need to buy the ready to use henna tattoos. Mas mabuti na iyon para less hassle," he paused. His mischievous eyes didn't look at me. He's not telling me something. "What?" I asked. He heaved a deep sigh. "Pumayag ang school head na magtattoo tayo di ba? Pero dapat daw mga maliliit na tattoo lang ang pwede nating i-tattoo sa mga student." The school head must be concern that the tattoo may rise some conflicts. Masyado naman kasing halata pag malaki ang design na ipapa-tattoo ng student. And I find the minimalist tattoo designs cute. I gave him a reassuring smile. "We can give them a minimalist tattoo design," I paused. "What if I 'll look into some minimalist tattoo design? It'll be our menu kumbaga. Pipili nalang sila sa mga design na meron tayo kung ano ang gusto nila." "Sounds good. Let's go with that," he remarked and give me his sunny smile. I was stunned. I didn't saw this coming. I need to slate this moment in the depths of my mind so that it will not just float away from my memory. I pursed my lips to keep my amusement slip away from my mouth. He still keeps on smiling unaware of my delighted face. The tricycle stopped at the entrance of the mall. The same mall where Priam took me. After we come out from the tricycle he handed me the list we needed to buy for the booth. I gladly took and scan it. Nang makapasok sa mall ay dumiretso kami sa Just Stationaries na shop. Nakasunod si Priam sa akin habang kumukuha ako ng mga kailangan para sa booth. Nang makitang isa nalang ang kulang ay pumunta ako sa back side ng store dahil alam kong nandoon ang mga wallpapers. "Please let me take you out for lunch as a compensation for what I've done." "If you really want to pay me just leave me alone. That will compensate what you did." I can't help but to feel bad after I heard the conversation of two people across the stall where I am. Biglang lumabas ang babaeng may bilugang mukha at nakatirintas ang buhok. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang paningin namin. Ganoon din ito subalit mabilis itong naka-recover at binigyan ako ng maliit na ngiti. As a girl's instinct, alam kong may hindi nangyari sa kanilang dalawa ng kausap niya. "Nandito ang mga wallpaper, ano'ng ginagawa mo dyan?" Napatalon ako sa gulat nang marinig si Priam sa kanan ko. Sinamaan ko naman ito ng tingin. Ngunit dahil yata sa lakas ng boses ni Priam ay lumabas mula sa stall ang lalaking sa tingin ko ay kausap nung babae. Muli akong nagulat nang makilala kung sino ito. "Kale?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko. Katulad ko ay hindi rin nito inaasahan na magkikita kami. Ang gulat sa mukha niya ay biglang napalitan ng pagkabalisa sa kadahilanang baka narinig ko ang usapan nilang dalawa. Nginitian ko siya. "I think you should follow her." He gave me a thankful smile. And I saw how his eyes twinkle when I indirectly mentioned her. *Sorry Liana. Maaga kang masasaktan. May ibang gusto ang crush mo.* "Was that Kale?" Tanong ni Priam na ngayon lang nakalapit sa akin habang hawak ang dalawang wallpaper na kailangan namin. Humarap ako sa kanya. "Yeah. May emergency daw kaya nagmamadali." I lied. Alam kong susundan niya ang babae kaya hindi ko sinabi kay Priam dahil baka pigilan niya ito. Mukhang napaniwala naman ang isa kaya nagsimula na akong maglakad papunta sa counter. After we bought all the things needed for the booth, we decided to look for the henna paste. Pumasok kami sa isang shop na nagbebenta ng mga accessories. Priam said the he saw Atlas one time in this shop to buy henna tattoos. Nasabi sa akin ni Priam na mahilig sa tattoo si Atlas kaya ito din ang sinuggest niya para gawing mini business namin. The shop was full of chromatic accessories mainly from necklaces, bracelets and even from linens and textiles. "Good morning Ma'am, Sir! What do you need? Bracelets? Necklaces?" Masiglang bati sa amin ng saleslady. Nginitian ko naman siya pabalik. Tumingin ito kay Priam. "Regalo ba para sa kanya, Sir?" Tanong nito at ininguso ako. I saw how Priam's face reddened by the sudden question of the saleslady. "H-Hindi ho. Y-Yung henna tattoo... henna tatto po ang bibilhin namin," nauutal nitong sambit. Pinilit kong hindi matawa. Parang natatae si Priam sa kalagayan niya. "Ate, sampung cone ng henna paste." Agad namang umalis ang saleslady para ikuha kami ng henna paste. Tiningnan ko si Priam at nakabawi na ito sa tanong sa kanya kanina. Nahagip nito ang paningin ko kaya umiwas ito. Ang tagal naman ni Ateng saleslady. Napahikab ako at napaupo sa upuan hindi kalayuan sa may counter. Sinisingil na yata ako ng tulog dahil isang oras lang ang ibingay ko sa kanya. "Labas muna ako. May bibilhan lang." Hindi ko na napigilan pa si Priam dahil mukhang drained na ako. Wala na akong energy para magprotesta. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang saleslady bitbit ang mga henna paste. Binigay niya ito sa akin. "Sa counter nalang po Ma'am," sabi nito at itinuro ang counter. Pumunta naman ako doon at nagbayad. Wala pa rin si Priam. Saan ba pumunta yun? Lumabas ako ng shop at luminga-linga. Naglakad ako patungo sa fountain para doon maghintay. Umupo ako sa semento kung saan sa loob nito ay ang tubig na nalaglag mula sa fountain. I am getting anxious. Hindi ako sanay maghintay ng nag-iisa. I tend to get nervous around people in an unfamiliar place. Lalo na sa public. I feel suffocated. Idagdag mo pa ang antok na nilalabanan ko ngayon. But before I get drowned in this pit full of things that I feared of, someone pulled me up with just his mere narcotic presence. He walked and stopped infront of me. I smelled the strong aroma of the coffee from the cup he's holding. He then give it to me. With shaking hands, I receive it then took a sip. "Thanks." He gave me a reassuring smile. Which had won over coffee for making me awake. For the second time, the coffee was dejected when my heart started to palpitate. And I know the cause of it is not the coffee but his smile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD