Chapter Five: Rebel

2951 Words
I'm fuming mad. Hindi ako makapaniwalang hindi man lang natinag si daddy sa lahat ng sinabi ko. Nagkulong ako sa kwarto ko. Pinuntahan pa ako ni Manang at nagdala siya ng pagkain kahit na sinabi kong busog na ako ay pinilit pa rin niya. "Subukan mong intindihin pa ang daddy mo, Justina. Baka pagod lang siya sa trabaho at stress..." hinimas niya ang buhok ko habang pinagmamasdan akong isubo ang pagkain. "Understand him? Palagi na lang bang ako 'yung iintindi, Manang? Okay, I'm trying to understand him but what about me? He doesn't even listen to me. He doesn't understand me." "Justina, alam kong nangungulila ka ngayon pero nangungulila rin ang ama mo at tingin ko, paraan niya ang pag-uubos ng oras upang hindi maalala ang trahedyang nangyari kay Yuna..." I can't believe this! "Iyon na nga po! Pareho kaming nangungulila kaya we need to be there for each other! Hindi iyon ako na lang ng ako 'yung umiintindi, 'yung sumasalo ng lahat ng sakit! 'Yung palaging umiiyak mag-isa. Si mommy lang 'yung namatay pero bakit parang pati si daddy nawala? Bakit parang pati siya, iniwan akong mag-isa?" "Halika nga ritong bata ka." Itinabi ni Manang ang tray kung saan nakapatong ang pagkain ko at mabilis akong niyakap. "Sino bang maysabing mag-isa ka? Nandito pa ang daddy mo, Justina. Abala lang siya sa trabaho at isa pa, nandito rin naman ako, ah? Ang Kuya Phillip mo, sina Marya at ang ibang kasambahay..." Suminghot ako. Pakiramdam ko ay wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak. "Manang, I'll sleep na po..." Malaki ang ngiti ni Manang nang kumawala siya sa yakap. "You should also sleep na 'cause it's already late... You're old na and hindi na dapat nag pupuyat." Tumawa ako. "Sinong matanda? Bata pa ako 'no. Osiya, sige, na. Ililigpit ko na muna ito at saka matutulog. Good night..." "Good night, Manang. Thank you..." Pinanood ko kung paano niyang unti-unting isinara ang pintuan ng kwarto ko. Pinatay rin niya ang ilaw kaya naman tanging ang ilaw na lang ng maliit na lampshade sa gilid ng kama ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto ko. Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog nang gabing iyon. Basta ang alam ko ay natulog ulit ako nang umiiyak. It looks like I'm geeting used to sleeping while crying. Nagising na lang ako dahil sa pagyugyog ni Daddy sa akin. Kamuntikan ko pa siyang masipa dahil umupo siya sa may bandang paahan ko mabuti na lang ay agad ko siyang nakilala. "What?" Inis kong usal. "You still mad? Wake up na. I told you we have a flight today..." Napairap ako. Ang ayoko sa lahat ay ginigising ako sa tuwing mahimbing ang tulog ko. Can't he just cancel the flight or move it to a later time? "I also told you I don't wanna go, dad. For pete's sake, let me get some decent rest." Dinaganan ko ng unan ang ulo ko, hoping that he'll let me sleep. "Justina Morta!" Biglang kumalabog ang puso ko nang ang malakas niyang sigaw ay biglang umalingawngaw sa buong kwarto. Tila isa itong malakas na kulog. Nagulat ako dahil bigla niyang hinila ang unan at halos maisama pa ako nito dahil nakakapit ako rito. "Don't you dare turn your back to me! Hindi kita pinalaking ganyan!" It's because you're not even here while I'm growing up! Todo pigil ako sa sarili kong sagutin siya pabalik. Ang mga mata niyang nanlilisik sa galit ay nakakatakot. Halos umusok ang ilong at tenga niya at pakiramdam ko ay masasaktan niya ako kung lalaban at mangangatwiran pa ako. I never seen him act like this in front of me. Kahit na kaharap niya ang notorious na kriminal ay hindi siya ganito kung mag-react. "What the hell is happening to you? You used to be so obedient and kind, and-" Kitang-kita ko ang frustration sa mukha niya lalo na nang ihilamos niya ang palad niya rito. Ilang minuto siya sa ganoong posisyon bago ako muling tinignan ngunit hindi gaya kanina, kalmado at may kung anong emosyon sa mga mata niya ngayon. "Nevermind..." huminga siya nang malalim at umiling, tila pilit kinakalimutan ang nangyari. "Magbihis ka na. Doon ka na lang bumili ng damit. You don't have enough time to pack. We're late." Hindi na niya hinintay ang sagot ko at agad na siyang umalis. Sa sasakyan ay tahimik lamang ako habang si daddy ay abala sa pagbabasa at pagpirma ng kung ano-anong papel. We used our ten seater car and I don't know why. We can just use our smaller car pero dahil si daddy ang nag-utos, walang makakabali noon. "Marya, pagdating sa Boracay ay pakisamahan si Justina na mamili ng damit niya. Hindi na siya nakapag-impake, eh." Rinig kong usal ni Daddy. "Opo, sir..." Nakatulog ako sa buong byahe at nagising na lang dahil kay Daddy, as usual. Walang imik akong bumaba sa sasakyan at pinanood ang pagbababa nila ng gamit mula sa sasakyan. Halos manginig ako at magtayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang biglang umihip ang malamig na hangin. Hindi ko alam kung anong oras na. "Let's go..." tinitigan pa ako ni daddy bago siya nagpatiuna sa paglalakad. Bumuntong hininga ako ay walang kahirap-hirap na inagaw ang maleta ni Manang na hirap niyang hinahatak. "Ay pusang gala!" Nginisian ko lang siya at sinabayan sa paglalakad. Pinauna ko si Manang sa pagsakay sa private jet. It's a cessna citation cj2 and engraved with our last name on the sides. "Kay gandang eroplano..." nilingon ko si Marya at nginitian. "Pangarap ko rin magkaroon ng ganito, Ms." "Someday, Ate Marya, someday..." Pinili ko ang upuang nasa tabing bintana kaso, nang makita kong sa tapat ko mismo umupo si daddy ay parang gusto kong lumipat. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa paglalaro sa cellphone at pag-scroll sa social media. I saw a anonymous post shared by my schoolmates. It's a so-called 'confession' post wherein a girl admitted that she's experiencing bullying. She posted this 'confession' on our school social media pages and of course, it went viral. "Excuse me, Chief..." nag-angat ako nang tingin nang lapitan si daddy ng kaniyang sekretarya. "Ito pa po 'yung mga papers na kailangan ninyong i-review and i-sign. And may memo nga po pala na inilabas galing sa provincial office na may meeting kayo later, 7pm..." Pinanood ko kung paanong iniisa-isa ni daddy ang mga papel na ibinigay. He started signing those papers at paminsan-minsang humihinto dahil nagbabasa o 'di kaya ay sumasagot ng phone calls. Nag-iwas ako agad ng tingin nang bigla siyang lumingon sa akin. Imbes na panoorin ulit siyang ubusin ang oras kakapirma at kakasagot sa mga phone calls ay pinili ko na lang na matulog. Ginising na lang ako ni Manang nang nakalapag na kami sa Bora. I've been here for how many times na but the scenery still looks so majestic. If ever someday magkaroon ako ng husband and baby, I would like to live here with them. Peaceful, relaxing, and it seems like this place doesn't even know what sadness is. Lahat ng tao ay sinasalubong kami nang may ngiti sa labi, animo'y galak na galak na makita kami even though they don't even know us. "Let's eat muna before I take a nap..." ani daddy pagkaapak na pagkaapak namin sa resthouse na pagmamay-ari noon ng parents ni daddy. The rest house is a mixed of concrete and wood materials. The first floor is concrete and the second floor is made out of wood which made it look nice for me. Open space ang half ng first floor and we usually use it when we have a big gathering with out titos and titas. Dito makikita ang sala na may malaking sofa at kung idederetso ang tingin ay makikita agad ang kusina habang sa bandang kanan ng kusina ay makikita ang restroom at sa kaliwang bahagi naman ng sala ay makikita ang malaking entertainment room na may malaking television and a huge sofa bed. Dito kami madalas tumambay at magkaraoke or movie marathon ng mga pinsan ko. Sa tapat nitong entertainment room ay makikita ang hagdanan patungong second floor kung saan makikita ang limang kwarto at ang verandang nakaharap sa dagat. The veranda is my favorite part dahil nakikita ko ng buo ang paligid. It's like I'm on top of the world. Hindi na ako pumasok sa kwarto ko at dumiretso na lang sa kusina at doon hinintay ang mga kasama ko. Kanina ay kasunod lang naming dumating ang mga pagkaing in-order yata ni daddy. I don't know. Ganoon naman kasi madalas ang nangyayari sa tuwing nagpupunta kami rito. Kasunod agad naming dumadating ang food. "Where's Kuya Phillip?" Nagkibit balikat ako kay daddy na kadarating lang. "Still haven't fixed your attitude, Justina? Hindi pa ba sapat ang sariwang hangin at magandang tanawin ng Bora para ma-relax ka at makapagmuni-muni?" My ghad, kadarating lang namin! Anong ine-expect niya? Ma-relax ako agad-agad pagkalapag pa lang ng airplane? "Sorry, dad..." bulong ko na lang para hindi na humaba pa ang lintaya niya. Pagkatapos kumain ay hinintay ko pa si Ate Marya na matapos sa oaghuhugas ng plato. Gusto ko sana siyang tulungan kaso ay ayaw niya at baka raw mapagalitan siya ni daddy. I don't get it. Hindi naman si daddy ang may hawak ng buhay ko so he has no say to whatever I do, diba? Lalo na it's not a bad thing to help in doing household chores naman. Muntik na akong makatulog kahihintay sa kaniya. Akala ko ay bukas na kami makakapamili ng gamit ko sa sobrang tagal niya. Medyo matagal ang byahe papunta sa mall na pinakamalapit sa lugar namin kaya naman halos ma-bad trip ako nang makitang oras na ng sunset. Ang gusto ko pa naman ay manood ng sunset habang nagco-coffee. It's realxing and satisfying for me. Kumuha lang ako ng three pairs of pajamas, two black swimsuits, and three different colors of floral maxi dress. Dahil hindi ko alam kung gaano kami katagal dito, dinagdagan ko na ang binili kong undies besides, pwede namang maglaba o 'di kaya ay magpunta ulit dito sa mall if ever na magkulang talaga ang damit ko. Nag decide rin ako na bumili na ng snacks namin like chips and juices. Kumuha rin ako ng biscuits na favorite ko. Pinakuha ko na rin si Ate Marya ng kahit anong gusto niya but she only bought two packs of potato chips kaya naman dinagdagan ko pa ng tatlo to make it five tutal malaki ang chance na manghingi ako sa kaniya. Pagbalik sa rest house ay idiniretso ko sa kwarto ang mga pinamili maliban sa pagkain. Ibinaba ko ulit ang mga iyon at inilagay sa lamesa sa sala. "Dinner time? Ang aga naman po yata? Puna ko nang makitang naghahanda na sina Manang ng pagkain. "Maagang nagpaluto ang daddy mo dahil may meeting daw siya mamayang alas siete..." Nagkibit balikat na lang ako at hindi na kumibo. Iniwan ko ang phone ko sa table at dumiretso palabas. Sariwang hangin at ang nakakakalmang tunog ng alon ang sumalubong sa akin paglapit ko sa dagat. Ang liwanag ng malaking buwan at nga bituin ang siyang nagbibigay liwanag sa malawak na dagat. Ang music na masigla galing sa mga hotel at resorts ay dumadagdag sa kakaibang pakiramdam na ipinaparamdam ng dagat. Hindi pa naman sobrang dilim kaya naman nagpasya akong maglakad papunta sa taniman ng niyog na makikita sa kaliwang banda ng isla. Ito ang paborito kong lugar simula noon at ang alam ko ay may tree house na maliit dito kung saan madalas akong magpalipas oras noong bata pa ako. Hindi ko lang sigurado kung nandito pa iyon dahil hindi naman na ako muling pumapasyal dito sa tuwing nagbabakasyon kami. "Justina, sabi ko na nga ba nandito ka... ipinahanap ka ng daddy mo, kakain na raw." Tinanguan ko si Kuya Phillip. Hindi ko pa nga nae-enjoy ang paglalakad ko, ipinatawag naman ako agad. Dahil sa inis, halos isnaban ko ang isang body guard na kanina ko pa napapansing sumusunod sa akin.. Tatlo sila at pare-parehong nasa malalayong banda. Matagal na silang sumusunod sa akin ngunit hindi ko na lang pinapansin. Utos ni daddy iyon at alam kong kahit anong gawin ko, hindi ako hahayaan ni daddy na lumakad ng walang body guard na nakasunod. If he's afraid na mapahamak ako, bakit hindi na lang siya humanap ng ibang business, right? Pwede namang mag focus siya sa hospital ni mommy kaysa ipinapahawak iyon sa iba! And I don't even care sa nakakaaway ni daddy. If galit sila kay daddy, they shouldn't involve me! Kapag away-bata, away-bata lang, adults shouldn't interfere and adult fight is only for adults. Children shouldn't interfere with it. Basic. "Where have you been? Gabi na and you're still roaming around?" Salubong ni daddy na siyang nakaupo na sa kabisera. "Nag relax lang po ako. Hindi ba iyon po ang gusto niyong gawin ko?" Usal ko habang paupo sa pwesto. Kumuha ako ng pagkain ko at nagsimula ng kumain. "Manang told me na sinabi niya sa iyo kanina na kakain na but you still went out. What's really happening to you, Justina? Don't ruin this vacation, please." What the hell? "Really daddy?" I can't do this anymore. Hindi ko kayang manahimik na lang ako at sumunod sa mga gusto niya like a f*cking dog. "Ako pa po ang sisira ng vacation? Sino po kaya sa ating dalawa ang nagyaya rito and yet, panay naman work ang inaatupag? You told me to get back to my senses when the problem is you! You don't have a time for me anymore. You always do work, work, and work. How about me dad? How about me? I'm your f*cking daughter pero I can't feel your love! Mabuti pa po sina Manang palaging nasa side ko pero ikaw na daddy ko, palaging wala and ako pa ang bine-blame mo!" Ibinagsak ko ang kutsara at nagmartsa paakyat. Dumiretso ako sa kwarto at doon nagkulong na lang. I didn't intend to shout and curse at him like that pero what can I do? Puno na ako. Nilalamon na ako ng galit, lungkot at pagtatampo. I know what I did was wrong but I did it anyway. I let my feelings rule over me and I'm aware that it shouldn't be that way. I should be the one who rules my feelings. "Justina Morta! How dare you turn your back at me?" Halos matanggal ang pintuan sa lakas ng pagkakabukas ni daddy rito. Ang mga mata niya ay namumula na sa galit. Ang mga ugat sa leeg niya ay halos mapatid na at ngayon ko lang siya nakitang ganito. It's like I've turned him into a beast. Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at napalayo sa kaniya. I feel like any minute ay masasaktan niya ako sa sobrang galit. Sa likod niya ay si Manang na pilit inabaot ang braso ni daddy. Gusto ko siyang sigawan na lumayo kay daddy at baka masaktan siya nito but I'm speechless. "Hindi kita pinalaking ganyan! You're slowly turning into a monster and it's not good! Ano pa ba ang gusto mo? I have provided you everything! You have a nice house, nice cars, food, and money! You can even do anything you like and yet your rebelling?" Walang tigil ang mga luha sa mata ko. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko ngunit hindi ko alam kung dahil iyon sa galit o sa pag-iyak. All I know is that he didn't get what I want him to realize! "What do you want? Do you want me to be gone just like your mother So you could do whatever you want? Hindi naman kita hinihigpitan, ah?" "You don't get it dad! I don't care if we're poor and homeless! I don't care about that freedom and fancy cars! All I want is your attention! Your love! Your support and yet your here blaming me and calling me a rebel gayong ikaw naman po ang may fault bakit ganito ako? Mommy already left me and I expect you to be here with me, grieve with me, shower me with fatherly love, make me happy again just like how I felt when mommy's still here with us!" Sigaw ko sa nanginginig na boses. "Justina, Ramon, tama na iyan..." binalingan ko si Manang na banayad na nakatingin sa akin. Bahagya niya akong inilingan. Sorry, Manang but I can't just shut up. "Sa tingin mo ba ako, hindi nalulungkot? Hindi nasasaktan sa pagkawala ng mommy mo? I am also grieving, Justina! But I need to be strong dahil nandiyan ka pa! I need to continue working so that I can give you the best life and anong nakuha ko pabalik? You being a rebel!" "I'm not rebelling! I'm stating facts na hindi mo maintindihan! I don't care if I don't have the best life, daddy. I want to feel that I still have a father. But you calling me a rebel proves that I already lost you, too. Just like how I lost my mom years ago..." inilingan ko siya bago mabilis na nilagpasan. This fight is nonsense! Dire-diretso ang lakad ko hanggang sa makasakay sa kotseng nakaparada sa garahe ng rest house. Minaneho ko iyon papuntang airport. I'm going home. This vacation is f*cking useless. Mas lalo lang akong na-stress. Inayos ko ang ticket pauwi pagkarating sa airport. Hindi ko alam kung nakausnod pa ang mga body guard but I don't care. 'Yung kotse ay iniwan ko sa parking at sure naman akong ipakukuha iyon ni daddy. Nang nasa eroplano na ay nakatanggap ako ng mensahe kay daddy that made me mad again. Daddy: Stop being a rebel, Justina Morta or you'll be grounded. Like I care if ma-grounded ako. I'm not a child anymore. Whatever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD