Chapter Four: I Need You

2907 Words
"Hmmm, hi?" Nagtawanan ang mga tao sa panimula ko. "I actually don't know what to say. I didn't even prepare a speech for this so I'm sorry if my speech is out of nowhere..." muli silang nagtawanan sa sinabi ko. It's true. I didn't prepare a speech. Maybe because na focus ako sa pag-iisip kung ano ang magiging reaction sana ni Daddy the moment na marinig niyang ako ang class valedictorian but I didn't expect na hindi siya darating. My heart is pounding so hard and I want to cry. Not because of my award but because of the fact that my dad seems to not care about what I do, just like Anika's dad. I thought I'm lucky thinking my Daddy loves me. I even pitied Anika without realising we're just the same. "I know everyone knows me and my family so well. Baka nga pati ang pinakasimpleng pangyayari sa buhay ko-namin ay alam ng karamihan sa inyo. The tragedy that happened to my mom a year ago taught me so many things in life..." Kung buhay pa kaya si Mommy, nandito kaya siya ngayon? Will she watch me march and get my diploma? Will she smile and cry listening to my graduation speech? Will she congratulate me and hug me tight? "Maybe all of you thought that I will lose my path... I mean, yeah, I almost lost my path and even give up my own life but then, I realised that it is still not the end. I still have my dad, my friends..." even though I don't have a friend. "Everyone who loves me for who I am and not for what I have. I used that tragedy to continue life... to make it the most out of it. That's why I focused on my studies, I exerted so much effort to get what I have today. Hindi ko alam kung nandito ba ako ngayon sa harapan ninyong lahat ngayon kung hindi nangyari ang trahedyang iyon..." I saw how Manang wipe her tears. Si Kuya Phillip ay nakatingin lang sa gilid ngunit kitang-kita ko kung paanong gumalaw ang mga balikat niya. Clark is staring at me while smiling. Ano ba ang nagawa ko sa past life ko para makilala, makasama, at makatanggap ako ng walang hanggang pagmamahal galing sa mga taong hindi ko naman kaano-ano? Ano ba ang nagawa ko sa past life ko para maging ganito ang trato ni Daddy sa akin? Ayaw ko man ay hindi ko mapigilang hindi mainis sa kaniya. Natapos ang graduation program ay hindi siya nagpakita. Kahit nga anino lang o 'di kaya ay isang hibla ng buhok niya ay hindi ko nasilayan. Tulala ako sa sasakyan habang nasa gilid ko ang regalong ibinigay ni Daddy. Inabot iyon kanina nang secretary niya at sinabing nasa isang mahalagang meeting si Daddy kasama nag ibang opisyal kaya hindi nakadalo ngunit bakit 'yung ibang politiko na nakikita ko sa tv ay nakakadalo naman sa mga importanteng lakad ng pamilya nila? Kahit nga yata mga presidente ng bawat bansa ay nakakadalo sa family gatherings kaya bakit si Daddy ay hindi iyon magawa? Halos ipagpalit na niya ako sa trabaho niya. "Nasa bahay na ba si daddy, Manang?" Nilingon ako ni Manang na siyang nakaupo sa passenger seat. "Hindi ko sigurado, Justina. Hindi ba siya tumawag sa iyo o nag iwan man lang ng mensahe?" Umiling lang ako at tumingin na lang ulit sa labas. Guess daddy really doesn't care about me na, huh? Pagdating sa bahay ay sinalubong kami ng mga kasambahay. Tinulungan nila ako sa pagbubuhat ng mga regalo at bulaklak na nakuha ko galing sa mga kaklase, mga family friends, at iba ay galing pa sa mga guro namin. "Maayos na po, Manang." Sinundan ni Manang ang isa sa mga kasambahay patungong kusina. Inilapag ko ang regalong galing kay daddy sa sala at nakita ang iba pang mga regalong natanggap. Marahil ay may mga nagpadala rin dito sa bahay kaya halos mapuno ang mahabang sofa namin. "Justina, may nagpadala raw ng cake dito galing kay Mike. Kilala mo?" Pinuntahan ko si Manang sa kusina at doon ay nakita ang mahabang mesa namin na puno ng pagkain. "Nasa ref daw." Tinanguan ko si Manang at nagtungo sa ref. Isang kulay pink na box ang nandoon at may malaking ribbon sa itaas. Sa gilid ng ribbon ay may pink na card na ang disenyo ay cherry bloosom. Kinuha ko iyon at binuksan. "Hi, Justina. Congratulations! Love, Mike..." I'm not sure pero I only know one person who's name is Mike and he's a general manager sa favorite cake shop ko.  "Kilala mo?" Nagkibit balikat lang ako kay Manang. "Sabagay, kilala ang pamilya ninyo kaya hindi malayo na may mga magpadala sa inyo nang hindi niyo kilala..." "Hindi ba uuwi si Daddy, Manang?" One last. Baka sakaling umuwi at maki-celebrate rito sa amin, hindi ba? Maybe hindi pa tapos ang meeting niya. "Hindi pa ba tumatawag si sir sa iyo?" Inilingan ko si Kuya Phillip na kapapasok lang. May dala siyang dalawang box ng cake na siyang iniabot niya sa isang kasambahay. "Padala galing sa pamilya Generoso." Generoso? I don't know someone from that family but I guess their just living up with their name, Generoso kaya generous sila. "Ang alam ko ay nagbabalak tumakbo ang padre de pamilya nila. Kaya rin siguro pinadalhan ka, akala eh malapit ka sa tatay mo tapos gagamitin ka nila para mapalapit sila sa daddy mo and then gagamitin nila ang daddy mo para manalo sa posisyong hinahabol..." Napakurap-kurap ako sa haba ng sinabi ni Kuya Phillip. Ngayon ko lang siya narinig na nagsalita ng ganito kahaba at kabilis. "Ay sorry." Aniya nang mapansin siguro ang mukha ko. "That's fine, Kuya. Anyway, hindi pa rin tumawag si daddy sa akin. Guess he's still in a meeting or something work related. Kain na lang po tayo..." Tumango lang sila at noong una ay nag-aalinlangan pang sabayan ako sa pagkain. Kung hindi ko sinabing nakakalungkot kumain ng mag-isa and ang daming food na nakahapag, ipipilit pa siguro nilang mauna na akong kumain. Mabuti na rin at sinegundahan ako ni Manang kaya naman marami kami sa hapag. Kasama ang mga kasambahay namin at ang mga drivers ay masaya kaming sabay-sabay na kumain. Nagkuwento pa sila patungkol sa kung ano-anong bagay na siyang dahilan kung bakit nakalimutan ko panandalian ang pagkawala ni Daddy sa araw na ito. "Noong unang dating ko nga rito," panimula ni Manang sa kaniyang kuwento. "Si Justina ay napakaliit pa at napakakulit. Hindi ko makakalimutan nang isang araw ay tinawag niya ako dahil daw may palaka sa swimming pool tapos paglapit ko eh itinulak ba naman ako kaya naligo ako nang wala sa oras!" Malakas na tawanan ang namutawi sa buong hapag. "Hala! Hindi ko po maalala iyon, Manang! Mabait po kaya ako bata pa lang!" Pagdedepensa ko sa sarili. "Anong mabait? Pilya ka. Naalala ko eh, pinarusahan ka ng daddy mo dahil sa ginawa mo. Isang linggong bahay-school ka lang at bawal din makipagkita sa mga kaibigan. Kamuntikan ka pa ngang palayuin sa mga iyon dahil tingin ng daddy mo eh bad influence sila sa iyo..." Good old days... I can remember nga na madalas akong ma-grounded noon dahil sa kung ano-anong kalokohan ang ginagawa ko but I didn't know that daddy blamed my friends back then. Ang alam ko lang, madalas akong maparusahan dahil sa mga bagay na ginagawa kong akala ko noon ay tama. And then mommy will side with me. Siya palagi ang kakampi ko noon at minsan ay isinasama pa niya ako sa mga lakad niya just so I can go out of our house. Kung hindi niya kasi gagawin iyon, baka mamatay ako sa sobrang inip sa bahay. "Noong ako naman ang dumating dito, takot na takot ako kay Ms." Nilingon ko si Marya nang magsalita siya. May hawak pa siyang isang slice ng friend chicken na hindi niya maisubo dahil sa pagku-kwento. "Oh? Ako rin!" Sunod-sunod na usal ng mga ibang kasambahay. Halos mabali na nga ang leeg nila sa walang tigil na pagtango. "You're scared? Why? Do I look like a monster when you first came here?" Hindi makapaniwalang tanong ko. I can't believe na ganito ang mga naramdaman nila noong unang nakita nila ako. "Noong una lang naman, Ms...." ani Marya. "Tapos kalaunan, um-okay na. Makulit ka nga po, eh at may pagkamadaldal. Ang kaso nawala iyon simula noong namatay si Doc. Yuna..." Napaiwas ako ng tingin. Memories of that night flashed on my mind again. Akala ko, ayos na. Akala ko ay naka-move on na ako pero ngayong nabanggit ulit ang tungkol kay Mommy, bumabalik 'yung sakit. 'Yung sakit na naramdaman ko noong unang beses kong nakita si Mommy na duguan. 'Yung sakit na naramdaman ko noong ilang gabi akong mag-isang naglulukha, wala si Daddy, lalo na si Mommy para kalmahin at aluin ako. Sobra rin kaming nalungkot noon kasi hindi na namin nakikita 'yung maganda mong ngiti. Tapos 'yung tawa mong malakas pero maganda pakinggan, hindi na rin namin narinig. Minsan ngumingiti ka pero iba 'yung ngiti mo noong buhay pa si Mo-" "Excuse me..." tumayo ako at mabilis na tumakbo paakyat sa kwarto ko. Walang tigil ang mga luha ko. Ayoko na. How I pray so hard everyday just to never feel this pain anymore. I'd do everything just to not cry in pain anymore and just live my life laughing all day with daddy. I want to remember every bits of my memory with my mom without crying. Memories with my mom are happy memories but why am I crying this hard remembering those good old days with her? My does my heart always breaks into tiny pieces whenever they mention mommy? Whenever I remember her? Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon inilabas ang lahat. Again, I'm crying alone here in my huge room with only pillows and blankets comforting me. I wonder what it feels like if daddy is here, hugging me tightly, comforting me, saying that's its okay to cry, it's okay to miss mommy, it's okay and we will get that d*mn justice for her. I want to feel daddy's warm hug, hear comforting words from him. I want to share my sadness and pain with him. I want him to be by my side whenever I'm having a breakdown. I want to have a heart to heart talk with him. Nakatulog ako na ganoon ang estado at nagising na lang dahil sa isang haplos sa pisnge ko. Hirap pa akong imulat ang mga mata ko na pakiramdam ko ay mugtong-mugto dahil sa sobrang pag-iyak kanina. "Hi, baby... oh, you're not a baby anymore..." Wala sa sarili akong umupo at hinarap si daddy na pinagmamasdan lang ang ginagawa ko. "You're here?" Kinusot ko ang mata ko habang tumatayo. Hinila ko ang towel na nakasampay sa likod ng upuan ko. "Yeah... just got home. Sorry, baby..." Tumango ako at humikab. "It's alright, dad. I understand." No, I don't. But I won't say it. I want him to realize it all by himself. "I'll just take a shower. Please lock the door po paglabas mo. Thanks." Pabagsak kong naisara ang pintuan ng banyo ko nang hindi sinasadya. Marahil ay dahil sa sakit ng ulo ko, sa sakit ng puso ko or both. Matapos maligo ay isinuot ko ang pantulog ni mommy. Kinuha ko ito sa damitan niya noon at miminsang sinusoot lalo na sa tuwing ganitong nami-miss ko siya. Kinuha ko ang phone ko mula sa study table at lumabas. Tahimik ang buong bahay. Alas otso pa lang at siguradong hindi pa tulog sina Manang. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng paborito kong chocolate drink at dumiretso sa pintuang magdadala sa akin sa pool. Pagbukas pa lang ng pintuan ay sinalubong na ako ng malamig na simoy ng hangin. Tanging ang ilaw galing sa pool at sa kubo ang nagbibigay liwanag sa lugar. Dumiretso ako sa kubo at doon umupo, pinagmamasdan ang langit na walang bituin. Sabi nila, kapag gantong walang makitang bituin ay senyales ng pag-ulan. Siguro nga senyales ng pag-iyak ang pagkawala ng liwanag. Parang langit tuwing wala ang mga bituin na nagbibigay liwanag ay senyales ng pag-ulan. Sa tao ay ngiti at saya ang liwanag at sa tuwing nawawala iyon, madalas ay malungkot at nakakaramdam ng pighati ang isang tao. Tiningala ko ang kwarto ni daddy. Bukas ang ilaw niya kaya alam kong hindi pa siya tulog. Hindi ko alam kung kumain na ba siya ngunit pakiramdam ko, masusumbatan ko siya oras na kausapin ko siya kaya naman gusto kong kalmahin muna ang sarili. "Gusto mo ba ng makakain?" Biglang sumulpot si Manang galing sa kung saan. "Nandoon kami sa hardin at nakita kong nagtungo ka dito. Hindi ka ba nagugutom? Hindi ka pa naghahapunan, Justina." Umiling lamang ako. Hindi ko sila napansin doon kanina. "Hay nako. Nagkita na kayo ng daddy mo?" Tumango ako. "Hindi pa rin siya kumakain ng hapunan at ang sabi ay sabay raw kayo. Halika na at ipaghahain ko kayong mag-ama." "Hindi na po, Manang. Busog po ako." Masamang tingin ang ipinukol ni Manang sa akin. "Anong busog? Hindi ka pa nga kumakain ng dinner at ang huling kain mo ay kaninang tanghali pa. Anong oras na. Halika na!" Wala akong nagawa kundi ang tumayo at sumunod sa kaniya. "Kayong mag-ama, dalawa na lang kayong naiwan kaya naman sana ay maging bukas kayo sa isa't-isa. Hindi 'yung ganito. Sa tingin niyo ba ay magiging masaya si Yuna sa ginagawa ninyo?" Lintaya ni Manang habang naglalakad kami. Inihagis ko sa nadaanang basurahan ang pinaginuman ko. "Kung ano mang problema mo sa ama mo, Justina, matuto kang magsabi sa kaniya. Hindi manghuhula ang Ama mo kaya huwag mong asahan na malalaman niya kung anong nararamdaman mo kahit na hindi mo ito sinasabi. At isa pa, intindihin mo na lang siya dahil ang trabaho niya ay natural na nang-uubos ng oras..." Tahimik akong umupo sa hapag. "Pakitawag si Ramon para sa hapunan..." nagsimula na akong kumuha ng kanin na nakahapag na sa mesa. "Alam kong mahalaga sa iyo ang araw na ito at oo, nakakalungkot na hindi man lang umabot ang Ama mo sa selebrasyon pero hindi naman ibig sabihin na hindi na kayo pwedeng magdiwang sa ibang araw, hindi ba?" Pinanood ko ang paglalapag ni Manang sa adobo. "May problema ho ba, Manang?"sabay kaming napalingon ni Manang kay daddy na nakatitig sa akin. Tumikhim ako at nag iwas ng tingin. "Narinig kong sinasabihan mo si Justina. Ano na namang kalokohan ang ginawa mo?" Gulat akong napatingin dahil sa sinabi niya. "What? I didn't do anything! Palibhasa palagi kang wala kaya wala ka ring alam patungkol sa akin" syempre, ibinulong ko lang 'yung huli. Baka mamaya eh hindi lang ako maga-grounded kapag sinabi ko iyon. Baka ipatapon pa ako nito sa ibang bansa. Syempre mahirap na baka ang lumabas sa headlines ng mga news bukas is 'Aldevares Princess turns out to be evil'. Pagnagkataon, ikasisira iyon ni daddy. "Ah, hindi. Sinasabi ko lang na kayong dalawa na lang ang magkasama kaya kailangan ay maging bukas kayo sa isa't-isa..." at inulit na nga ni Manang ang lahat ng sinabi niya kanina. "Kaya ikaw, Ramon, hangga't maaari ay dumalo ka sa mga importanteng okasyon para rito sa anak mo. Ikaw rin ang mahihirapan kung mag rebelde iyang batang iyan." Tahimik lang ako sa pagkain habang pinakikinggan ang mga lintaya ni Manang habang dinadama ang titig ni Daddy sa akin. "I don't think Justina is capable of rebellion, Manang. Lumaking mabuti si Justina. Makulit nga lang...dati." Gusto ko nang matapos ang gabing ito. Gusto ko ng magkulong sa kwarto. "Anyway, We'll stay in Bora for a week so pack your things tonight dahil bukas ng morning ang flight. Five forty-five to be exact. Manang, kayo rin pi kasama and si Phillip. Pakisabi na lang..." "Ayoko po. I have a schedule tomorrow." "Cancell it. Minsan lang tayo mag outing and yet, ayaw mo pa?" Halos pabagsak kong naibaba ang kubyertos. Tumaas ang kilay ni daddy sa naging reaction ko. "It's not like you're not doing the same, dad. Ni hindi mo nga po ma-cancel ang meetings mo para mag-attend ng graduation ko. I bet hindi ka rin po aware na I'm the class valedictorian?" Kitang-kita ko kung paanong sumama ang tingin niya sa akin. "What did you say? Of course I now that your the class valedictorian! My secretary told me!" "F*cking secretary! Mabuti pa siya nakakapunta sa mga important events ko not like you who always chooses work over me, your daughter!" Hindi ko na napigilan ang pag-sigaw. Pakiramdam ko ay ito lang ang paraan para maitatak ko kay daddy na nasasaktan ako sa ginagawa niya. "Watch your word! Hindi kita pinalaking ganyan! And here I am thinking that you understand me and my work! People need me, Justina." Sigaw niya pabalik. Napangisi ako. Ramdam ko ang init sa mga mata ko at ang bukol sa lalamunan ko. "But I need you too, Dad..." hindi ko napigilan ang pagpiyok. "I'm sorry..." pinalis ko ang mga luha sa mata ko at naglakad paalis doon. "What happened to that young lady, Manang? I thought she's not capable of rebellion..." D*mn! I thought after saying those words to him, after opening up to him just like what Manang said, after begging for his attention he'd finally understand me and my feelings. But I was wrong. He's not the same daddy I grew up with. I don't know him anymore...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD