Is it true na kapag mamamatay ka na raw ay magfa-flashback ang buhay mo? I think it's not. Kasi if totoo iyon, why am I still alive up to this day?
"Justina!" Malaki pa ang ngisi sa labi ko nang lingunin ang kaklase ko. "What?" I raised a brow while smirking.
"Sino ang kasama mong aattend ng graduation?"
"Ofcourse ang daddy niya! Sino pa ba, hindi ba?" Singit ng isa pa naming kaklase
Graduation day is just around the corner, dahilan kung bakit wala kaming ginagawa ngayon. Paulit-ulit na practice mag martsa, kumuha ng diploma, and other performances na pakulo ng school. Kabisado ko na ang lahat at tinatamad na akong umattend ng graduation practice but mas maiinip lamang ako kung sa bahay ako mag istay.
"Ano, Just? Ang daddy mo nga ang pupunta?"
"Of course. Anong gusto mo, ang mommy ko ang pununta?" I joked. It's been a year since mom died. It was the hardest battle we fought. I really thought that I wouldn't survive without her but then I realized I still have my dad, kuya Phillip and Manang, and the other people who loves me. I realized I shouldn't end my life that easily hanggat hindi nakukuha ni mommy ang justice.
Ever since that day, I think I'm only forcing my smile. I'm only forcing myself to stand up. I'm only forcing my self to wake up every morning, forcing my self to do all the things I have to do everyday, forcing myself to eat, forcing myself to stay alive for my mom.
I want justice. I want to find the gunman but one year has already pass but even a tiny evidence, wala silang mahanap. Funny right? My dad is the chief of Police but he couldn't do anything to find the killer.
I have hunches but I wont point my finger without enough evidences. "Hindi ba busy ang daddy mo?" Ani Anika, isa sa mga kaklase ko. I don't have friends. I only talk to them like we are friends but we're not.
"He is. But sino ba namang ama ang palalagpasin ang graduation ng anak niya, hindi ba?"
"My dad. He's out of town right now" nagulat ako sa sinabi niya. Her dad is a famous businessman. Hindi ko alam kung anong business nila pero ang alam ko ay may kinalaman iyon sa construction or something.
"How about your mom, Nika? Or your siblings?" Said Tyron, her boyfriend na kaklase rin namin.
"My siblings doesn't care about me naman eh. And mommy is busy with her amigas. Aalis din yata sila papuntang Korea. I don't know"
I realized I'm still lucky na nandito pa ang daddy ko. Even though he's busy, he makes sure na nafe- feel ko ang love niya. Aside from daddy, our housemaids are always at my side, treating me like their own little sister.
I don't know what will happen to me kung sa akin mangyari ang kalagayan ni Anika. Sure, her mom and dad are still alive pero hindi naman niya ramdam ang pagmamahal ng mga ito. Her siblings doesn't care about them, according to her and I'm lucky na kahit mag-isa lang ako at walang kapatid, nandiyan naman ang mga kasambahay namin.
Nakatulala ako ngayon dito sa tabing bintana ng gymnasium. Nagsasalita ang isang teacher na nasa may stage at minamanduhan ang practice. Mauuna ang mga grade seven up to nine bago kaming mga grade twelve. Other students are cheering sa tuwing tinatawag ang mga kaibigan nila.
"Anong kukunin mong kurso?" Nilingon ko ang mga kaklase ko na nasa likuran ko. Kanina pa sila nag uusap-usap patungkol sa mga balak nila pagkatapos ng graduation.
"Hindi ko pa alam. Ikaw, Henry? Business?" Anang isa.
"Wala naman akong choice. Si daddy ang mag papaaral sa akin kaya siya ang bahala kung anong kurso ko"
I don't understand what Henry just said. He gave the power of choosing his future to his dad just because his the one who will provide all his needs? What the hell? It shouldn't be like that. Kahit na pinapakain mo pa ang isang tao, you don't have a say sa buhay na pipiliin niya. You can give advices but never ever dominate his or her decisions. It's their life, anyway.
I'm glad daddy gave me a freedom. I can choose what I want to take. I have freedom and I'm happy for that. I don't think I can survive studying a course that I didn't want. It'll feel like hell, for sure.
It's already late but our graduation practice is not yet over. Sinasagad na nila dahil ilang araw nalang ay graduation na. Mukhang hindi pa perfect ng mga lower grade ang kani-kanilang performances kaya naman sobra-sobra ang pagsasanay nila.
Hindi ko alam kung anong pakulo ng section namin. Ganoon sa school namin, sa tuwing graduation o kahit anong event ay may pakulo ang bawat section or bawat year level. Dipende iyon sa desisyon ng mga nanunugkulan sa event. Ngayon ay per section ang magpeperform kaya siguradong mahaba ang magiging graduation program.
I almost feel asleep sa kahihintay. Mabuti na lang ay bigla kong narinig ang pagtawag sa mga pamilyar na pangalan ng mga kaklase ko. Kahit antok pa ay mabilis akong tumayo at nakipila sa mga kaklase kong babae na vinevideohan pala ako habang tumatawa sila.
Sinimangutan ko sila habang sinusuklay ang mahaba kong buhok gamit ang mga kamay ko. "Bad. 'Di man lang ako tinawag"
"Sorry we thought you're tired eh. Anyway, maganda ka pa rin naman kahit bagong gising" ani Anna na siyang kasunod ko sa pila.
"Kahit yata hindi na mag make up sa graduation day iyang si Justina eh maganda pa rin siyang tignan!" They started to tease me.
Finally, after how many hours, natapos na rin ang practice. Hindi na ako nakipag usap sa mga kaklase ko at agad nalang na tinawagan si kuya Phillip upang magpasundo.
"Kuya, daan po muna tayo sa mall, okay lang?" I'm planning to buy some cake for my dad. We both love chocolate cake and we have a favorite cake shop sa mall sa bayan. It's out of the way papunta sa bahay kaya siguradong mas lalo akong malalate umuwi pero ayos lang dahil late rin namang umuwi si daddy.
This cake shop is one of the cutest shop I've ever seen. It's pink exterior and interior design following the theme of a famous cartoon cat. The ambiance is so cool yet relaxing and cute. The staffs are accommodating and because of that, we became close.
"Birthday ba ni chief?" Mike, the head manager approached me the moment he saw me. Ang alam ko ay kaibigan ito ng stylist namin na si Clark. Kumpara kay Clark, mas petite itong si Mike at kung titignan ay aakalain mong lalaki ngunit hindi.
"Hindi po. Graduation ko na po kasi sa friday and he didn't know na I have an award kaya gusto ko po sana siyang isurprise"
"Oh?" He covered his mouth as if kagulat-gulat talaga ang sinabi ko. "Congrats! Huwag mo ng bayaran ang cake. Regalo ko na sa iyo!"
"Hala! Huwag na po!" I halfheartedly said.
"Ano ka ba! Huwag na mahiya!" Humarap siya sa mga staff at sinabihan na huwag kukuhanin ang ibabayad ko. "Manang mana ka talaga sa mommy mo. Matalino rin iyon eh kaya siya naging inspiration ko para magsikap pa upang makapag ipon ako ng pang aral"
I smiled. I didn't know na may ganitong impact si mommy sa mga tao. She's loved by so many and they adore her so much. "Ano po ba ang gusto ninyong aralin sana?"
"Doctor. Simula nang makita at makilala ko ang mommy mo, hindi na mawala sa aking isipan ang pagiging doctor. Gusto kong magawa ang nagawa ng mommy mo noon, ang makapag gamot ng mga tao"
I stayed there for a while dahil sa dami ng kuwento niya sa kung paano siya na inspire ni mommy na maging doctor. I thought ako lang ang nangarap ng propesyong iyon dahil kay mommy but I was wrong. She inspired other people too, just like me.
I couldn't stop thinking about Mike. What if he didn't met mommy? Ano kaya ang pangarap niya sana? After a year, I felt again the same pain that I felt the day mommy died.
Pagkapark ng sasakyan ay nagpasalamat ako kay kuya Phillip at inanyayahan silang sakuhan kami ni daddy mamaya. I'm not sure if nanditl na si daddy. Inilagay ko sa ref ang cake bago umakyat upang makaligo at makapagbihis na.
Pagkatapos gawin ang mga routine ko tuwing gabi, naglakad ako papunta sa kwarto ni daddy. Everytime I walk here, palagi kong naaalala iyong gabing nakita ko si mommy. It always flashbacks on my mind vividly and as if kahapon lang nangyari kahit na isang taon na ang lumipas.
Agad akong kumatok pagkarating sa tapat ng kwarto nila. Walang sumasagot kaya naman nagsisimula na akong kabahan. Kumatok pa ako ng tatlong beses, "daddy?"
Bumibilis na ang t***k ng puso ko. Gusto kong buksan ang pinto ngunit natatakot ako. Paano kung gaya ni mommy, makita ko rin si daddy ng duguan? Paano kung gaya ni momny, iiwan na rin ako ni daddy?
"Justina?" Literal na napatalon ako nang marinig si daddy. Nakatayo siya sa tapat ng hagdanan, senyales na kaaakyat lamang niya. Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko ay may tinik na biglang nabunot sa lalamunan ko at nakahinga ako ng maluwag nang makita siyang nakatayo sa harapan ko ngayon.
"What are you doing?"
"Ah, tatawagin ko lang po sana kayo for dinner. Akala nandoon po kayo sa loob"
"Kauuwi ko lang, anak. Maliligo muna ako. Mauna ka na at marami pa akong gagawin" he's about to pass by me pero agad kong hinawakan ang kamay niya. He looked at me as if I'm wasting his precious time.
"Pero dad, nag pa handa po ako ng dinner para sa ating dalawa" I hate how I beg for his time. It isn't supposed to be like this. It hurts.
"Sige na, Justina. Marami pa akong gagawin" he then kissed my forehead saka siya tumalikod at dumiretso na sa kaniyang kwarto. Bagsak ang balikat ko habang bumababa sa hagdanan. Bakit ba napakahaba ng hagdan namin? Ang tagal ko tuloy bago nakababa ng tuluyan.
Pag pasok sa kusina ay dnatnan ko roon sina kuya Phillip kasama sina manang at iba pa naming kasambahay. lahat sila ay malalaki ang ngiti at may dala pa nga silang lobo. Pinilit kong ngumiti kahit nanalulungkot. Nakakahiya na ang saya-saya nilang tignan habang ako ay tila nalulunod na sa mga luhang kanina ko pa pinipiilang lumabas.
I understand daddy. Maybe his works are overloaded and he need to make time for that. HIndi lang din naman kasi isang tao lang ang kailangan niyang intindihin. He need to take care sa lahat ng tao riito sa byan namin dahil siya ang chief of police. HE need to make sure na safe lahat and to do that, does that mean na kailangan niyang balewalain ang anak niya?
I don't know what to feel. Tingin ko ay pampalubag loob ko nalang ang pag iisip na kailangan ng mga tao si daddy. Pakiramdam ko ay kahit sa sarili ko, kayang-kaya ko magsinungaling para lang maatay ang umuusbong na pagtatampo.
"Nasaan si chief?" Their smiles slowly faded. Napalitan ng pagtataka ang emosyon sa mukha nila nang hanapn ni manang si daddy. "Abala nanaman ba sa kaniyang trabaho?"
Tumango ako at pilit na ngumiti. I don't want to ruin their hapiness na para naman sa akin. "Ayos lang po iyon, manang. Naiintindihan ko naman po si daddy. Saka nandito naman po kayo kasama ko para mag celebrate."
We ate everything that's on the table. Maraming inihadang pagkain sina manang na aakalain mong kagabi ang graduation celebration ko. Nagawa pa naming umikot sa plaza para ipamigay ang ibang pagkain dahil masisira lamang daw kung hindi ipamimigay ani manang.
Nakaupo ako ngayon dito sa aming sala dahil hinihintay ko si Clark. GRaduation day na at hindi ko alam kung nasaan si daddy. kanina pagkagising ko ay agad akong dumiretso sa kwarto nila para sana ipaalala ang okasyon ngayon kaso ay hindi ko na siya dinatnan.
Mukhang maaga siyang umalis kaya naman minessage ko nalng at sinabi kung anong oras ang event. I feel like I'm in a cloud. I feel so light. hindi ko alam kung masaya ako o malungkot. Wala akong maramdaman.
mabilis akong tumayo nang matanaw ang pagpasok ng isang pamilyar na katawan. "Hey!" Hinalikan niya ako sa pisngi. "Long time no see. How are you?"
I don't know how to answer that question. no one asked me how am i since mommy died. I guess na inassume na lang nila na I'm fine since they can see me laughing my ass out.
"I'm fine, Clark. THe last time I saw you is noong libing ni mommy, right?"
Pumasok kami sa kwarto ko dahil dito niya ako aayusan. Ang puting toga ko ay nakasabit sa tabi ng bintana at mukhang na plantsana ni Manang dahil tuwid na tuwid ito at walang gusot. Ang cap ay nakapatong sa kama kasama ng ibang gamit na dadalhin ko. Nandoon ding ang aking polariod camera na balak kong gamitin mamaya.
"Oo. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si madam. Nahuli na ba ang pumatay?"
Umiling na lamang ako at hindi na nagsalita. According to Daddy, they are still conducting investigation and nahihirapan daw sila dahil malinis ang pgkakagawa ng crime. All of the CCTV are down that night and we don't know why and how. Wala tuloy nakuhanang footage na pwede sanang magamit para umusad ang investigation.
I really love Clark's work. He does not overdo my make up and hairstyle. Ngayon ay kinulot niya sa ibaba ang buhok ko at naka braid na tila isang korona at nilagyan pa niya ng maliliit na flowers at kaunting buhok na tila mga nahulog mula sa pagkakaipit.
"Susunod ako sa school mo to take pictures and watch you. Ang sabi ni Mike may award ka raw?"
"Yeah. Thank you, Clark" I hugged him. He tapped my back and whispered, "Call me when you need someone to lean on, okay?
I forced a laughed and faked a cough. "Oh, Clarky, don't make me cry, please"
The gymnasium is full of laughter and congratulations. Everyon looks so happy and proud. Nasa tabi ko si manang at kuya Phillip na parehong malalaki ang ngiti. Si manang ay may dala ng toga ko habang ako sa cap.
Panay naman ang kuha ni kuya Phillip ng litrato dahil natutuwa raw iya at ngayon lang nakahawak ng ganoong camera. Mabuti nalang at hindi automatic ang pag print ng pictures kung hindi ay baka sa bahay palang, ubos na ang film.
"Dito po kayo, ma'am" sabay-sabay kaming napalingon sa isang student assistant na nag mamando ng mga seats ng mga dumarating. Iginiya niya si Manang at kuya Phillip. Kinuha ko ang toga kay Manang at nagpaalam na pupunta na ako sa upuan ko.
They didn't know kung anong award ang nakuha ko. I want to surprise them that is why I only told them na may award ako but hindi ko sinabi kung ano.
My classmates pulled me for some pictures. Nakaimutan ko panandalian ang mga naiisip dahil sa kaliwa't kanang pag pipicture. We took sme serious shots, wacky, jump shot, and we even copied some superhro pose.
We are all laughing and enjoying the momment kaya naman hindi ko napansin na limang minuto nalang bago magsimula ang program. Nilingon ko sina manang at napangiti nang makita si Clark na winawagayway ang isang puting paperbag na may malaking tatak ng isang sikat na jewelry brand.
I mouthed my thanks and sana naintindihan niya ang sinasabi ko. Luminga ako sa paligid. Nagkalat ang mga bodyguards dahil marami sa mga nandito ay mga malalaki at sikat na tao.
Sa dagat ng mga bodyguard ay wala akong nakitang pamilyar na mukha. Wala ang mga bodyguards ni daddy. Nagsisimula na ang program at minabuti kong imessage na rin siya at tanungin kung nasaan na siya.
Ilang grade levels na ang natawag ay hindi pa rin dumarating si daddy. I'm worried. Tinignan ko s manang at nakitang nakatitig siya sa akin habang may ibinubulong sa kaniya si kuya Phillip. Clark is busy watching the lower years na isa-isang kumukuha ng mga diploma nila.
Halos mapatalon ako nang makita ang pagpasok ng isang pamilyar na mukha. It's daddy's secretary! Hinintay ko ang mga susunod pang papasok ngunit nangawit nalang ako ay wala pa ring daddy ang nagpakita.
Inaanunsiyo na ngayon ang mga may award sa batch namin at alam kong ilang segundo lang ay tatawagin na ako. Umaasa pa rin ako na magpapakita si daddy but then, for the second time, he made me feel so lonely again.
"Let's all give around of applause to Aldevares, Justina Morta, the class valedictorian!"
Tumayo ako at humarap sa mga taong masiglang pumapalakpak ngayon at nakngiti sa akin. Tila ba ako ang anak nila at may naawa akong isang bagay na sobrang nakaka proud para sa kanila. Todo kuha ng litrato si kuya Phillip habang malakas at masiglang pumapalakpak si manang sa tabi niya.
I don't know what to feel with the fact na ang mga taong hindi ko kaano-ano ay nandito ngayon para samahan ako sa isa sa mga pinakamasayang event sa buhay ko kagaya ng kung paano nila ako sinamahan at dinamayan noong pinagddaanan ko ang isa sa mga pinakamalungkot na pangyayari sa buhay ko.
Lumakad ako at umakyat sa stage dahil kailangan kong magsalita at kuhanin ang aking diploma at mga medalya. Sinalubong ako ng ngiti at yakap ng mga guro na nag aabot ng mga awards. Nagpasalamat ako at dumiretso na sa gilid kung nasan ang mike at ang kopya ng mga speech.
Sinulyapan ko ang secretary ni daddy na nakatayo sa gilid at napansin ko ang hawak niyang isang maliit na paperbag. I guess daddy sent him para iabot ang regalo niya. For the nth time, he missed one of the most important event in my life again.