"Mom!" I checked her pulse. Mayroon pa! She's still alive! Mabilis akong lumapit sa side table nila kung saan naroon ang cellphone ni mommy. May password. Imbes na sayangin ang oras sa kakahula ng password, tumakbo ako palabas ng kwarto habang tinatawag ang pangalan ng mga kasambahay namin. Padabog kong binuksan ang kwarto ko at agad na kinuha ang cellphone na naka charge.
Now who should I call first? Dad or ambulance? Wait, I can't believe I'm thinking about calling dad first! I dialed 911 and told them what's happening while running back to mom's. Nakita kong paakyat si kuya Phillip habang kinukusot-kusot pa ang mata.
Of course! Our house is to big at nasa bandang kusina ang maids quarter kaya hindi nila ako agad maririnig! "Kuya si mommy bilis!" I shouted. Tila nagising ang diwa niya sa sigaw ko at automatic na bumilis ang lakad niya. Sabay kaming pumasok sa kwarto at napaatras pa siya nang makita ang kalagayan ni mommy.
"Tawagin mo si manang! Kukunin ko ang sasakyan!" Mabilis akong sumunod sa sinabi niya. They're older than me kaya mas alam nila ang gagawin. I can't believe na nakakaya ko pang huminga ng maayos sa kabila ng mabilis na t***k ng puso ko at ang mabibilis kong galawa. Kinabog ko ang pintuan ng kwarto ni manang.
"Manang! Please, help mommy!"
"Ha? Si Yuna? Anong nangyayari?" Mabilis ang lakad niya habang nakasunod sa akin. Pagdating doon ay nakita naming buhat na ni kuya Phillip si mommy at palabas na ng kwarto. "Anong nangyayari? Bakit duguan si Yuna?" Hindi tumitigil sa kakatanong si manang habang magkakasunod kaming bumababa sa hagdan.
Tumakbo ako palapit sa sasakyan at mabilis na binuksan ang pinto sa backseat para mapasok ni kuya Phillip si mommy roon. Nang maayos na ay mabilis ang mga kilos naming sumakay roon. Nakahiga sa hita ko si mommy. Binaba ko ang bintana at tinignan si manang na ngayon ay kasama na ang ibang kasambahay. "I'll explain later. Please call daddy!" Sigaw ko bago tuluyang umalis ang sasakyan.
"Ano pong nangyari?" Tanong ng isang nurse na unang lumapit sa amin. Kasunod niya ay ang iba oang hospital personnels na may dalang stretcher. Agad na isinakay roon si mommy at dinaluhan naman ng isang doctor. "Gunshot wound, doc." What?
Nilingon ako ng dcotor saglit at agad na nagmando sa mga nurses kung anong gagawin. "Anong nangyari? She's doctor Yuna from AMH?" Tumango ako "we need to perform a surgery. Where's your dad?"
"He's out of town po. I'm here with our driver. Please do your best to save my mom" tumango lamang ang doctor at umalis. May nurse na lumapit sa amin at magpa fill up ng form na kailangan yata for records.
It's been hours since mom entered the OR. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin tumatawag si daddy. Sigurado akong natawagan na siya ni manang at nasabi ang nangyari. "Kain ka muna, Justina" tinitigan ko ang burger at bottled water na iniaabot ni kuya Phillip. "Pasensya na at ito lang ang kinaya ng budget ko. Naiwan ko kasi ang wallet ko sa bahay"
Huminga ako ng malalim bago inabot ang pagkain. "This is fine, kuya. Ikaw?" I almost cry when I saw his smile and his worry face. Pakiramdam ko ay dahil sa itsura niya, ngayon lang nag sink in talaga ang nangyayari. Daddy isn't here yet. Mom is still in the OR and here I am with our driver na hindi naman namin kadugo but he didn't leave me alone.
Mabilis kong nilagok ang tubig nang maramdaman ang pagbara sa lalamunan ko. I shouldn't cry. Mom needs me so I need to be strong. "Justina..." napatingala ako kay kuya Phillip nang bigla siyang tumayo. Sinundan ko ang tingin niya at agad na tumayo nang makitang ang doctor iyon.
"Where's your dad?"
"Wala pa po, doc. How's my mom po?" There's something on his looks that makes me so nervous.
"Uh... I need your dad to be here..." bakas ang pag aalinlangan sa mukha niya.
"I'm with our driver po. And ayos lang na sabihin na ninyo ang sitwasyon ng mom ko. Please, doc" I didn't even realize that my tears are now rolling out of my eyes. I feel so alone. Ni hindi ko alam kung bakit may gunshot wound si mommy gayong wala naman kaming narinig na putok ng baril.
The police arrived kanina noong nag fifill up ako ng forms and they asked us questions. They said they will start the investigation right away. After hearing what the doctor said, everything went black. The next thing I knew is that I am now sitting here in a cold tiled floor, mourning.
Ang mga bulong ng bawat taong dumarating at nakikiramay ay labas pasok lamang sa tainga ko. They are all saying nice things to my mom when in fact, they are not here naman when she's still alive. My relatives from the other side of the world came home to be with me as my father is not yet here.
"Kawawa naman si Yuna, ang agang namatay. Ang bait-bait pa naman niyan" a lady whispered. I looked at her.
Isa pa iyon. Inuna pa ang trabaho kaysa sa burol ng asawa niya. He calls naman every once in a while but does he think na that's enough? I need him here! I need someone who will understand me! Someone who knew the feeling of being lost and broken. I feel like He took everything to me.
"Justina, kumain ka na muna. Kahapon ka pa hindi kumakain" manang caressed my back. Kasunod niya ang isang kasambahay na may dalang pagkain. Inabot ni manang iyon at inilapag sa harapan ko. "Pagkatapos ay matulog ka na muna. Tignan mo ang itsura mo." I'm not hungry. I'm not sleepy, too. I don't feel anything anymore. All I can feel is emptiness.
Mom...where are you? Can you see me? Can you hear me? Why did you leave me alone? Three police officers suddenly entered the funeral home. I almost run when I saw my dad entering the facility right after the three officers.
He spread his arms and walked fast towards me. He hugged me tight that made me cry so hard again. I feel like I finally found my home after walking to the endless dessert for a long time. He's hug made me realize that it is not the end yet. Maybe mom left us earlier, it doesn't me na we'll stop living na rin.
"I'm sorry, baby." He whispered while kissing my head. I can feel his tears falling down my head and his shoulderz shaking. "I'm sorry you have to face this alone the past few days. Daddy is here already... I won't leave you again...promise"
I feel asleep in his arms. I woke up the next day with a puffy eyes and cheeks. My nose is still red from all those crying. My head is also aching and I feel like I didn't slept for a month kahit na kagigising lang.
Napansin kong nandito ako ngayon sa kwarto ko at wala sa funeral home kaya naman dali-dali akong tumayo at nag bihis. Today is the last day of mom's funeral. Tomorrow, we will send her to her last destination and it makes me sad.
"Kuya Phillip, si daddy?" Mabilis na tumayo si kuya phillip mula sa pagkakaupo sa hapag kainan. Tiningala ko ang orasan na nakasabit sa dingding at nakitang alas tres na ng hapon. "Hindi ka pa nag lalunch, kuya?"
Dumiretso ako sa ref at kumuha ng malamig na inumin doon. Dumiretso naman sa lababo si Kuya Phillip at iniligpit na ang kinakain niya na siyang ikinagulat ko. "You can eat more. Hindi naman ako nagmamadali" sabi ko dahil napansin kong mukhang hinihintay lang niya akong magising at tutulak na kami sa burol.
"Ayos lang. Busog na rin naman ako. Handa kana?" Tumango lang ako at sumunod na sa kaniya sa sasakyan. The lively face of kuya Phillip is gone. All I can see on his face is sadness and tiredness. I understand though. He's been with me since the day we found mommy on their room, full of blood.
"You should eat and rest, kuya. From day one up to now, hindi pa kita nakikitang nagpapahinga" I said as we walk down the aisle of the building. "Hindi na, Justina. Huwag mo akong alalahanin at ayos lang ako. Ikaw at ang daddy mo ang dapat na nagpapahinga"
I can feel his care for us more than the care of our relatives. Siya ay hindi niya talaga ako iniwan, kasama ni manang, hanggang sa dumating si daddy. Kahit nga nandito na si daddy ay inaalagaan parin niya ako. Dumiretso kami sa loob at bumungad ang maraming pulis. My heart skipped a beat. Masakit.
Halos lahat sila ay nakaupo sa mga upuang nakahanda. Ang iba ay kumakain, nagkukwentuhan, at ang iba ay kausap ni daddy. I know the three police men na kausap ni daddy. Matataas ang ranggo ng mga ito ngunit hindi ko kabisa. Nilingon ko at tinanguan si kuya Phillip nang magpaalam na pupuntahan at tutulungan niya sina manang sa pagkain.
Dumiretso ako kay daddy at sinalubong naman niya ako ng yakap kahit na abala sa mga kausap. Tumingkayad ako para makahalik sa pisngi niya, pagkatapos ay hinarap ko ang tatlong mga kasamahan niya at saka nagmano. Tumawa ang isa sa kanila habang ginagawa ko iyon. "Ang laki na ng anak mo, Chief"
Tumawa lamang si daddy at hinaplos ang likod ko. "Kumain kana?" He asked with a concern voice. Umiling ako at pilit na ngumiti. "Why? Halika, kumain ka muna" mabilis akong umiling na tila ikinagulat niya.
"I'm fine, dad. Continue what you're doing po. I'll just check on mommy" pilit akong ngumiti. Tumango siya kahit na bakas ang pag aalinlangan at iyon ang hudyat para lumakad ako paharap, palapit sa puting-puting kabaong na napalilibutan ng mga bulaklak.
"Hi, mom..." inalis ko isa-isa ang iilang maliliit na dahon na nalaglag sa salamin ng kabaong niya. She looks so at peace. Her lips are red because of the lipstick, same sa pisnge niya na medyo mamula-mula. Her white dress is the dress I both as a birthday gift last month. Iyon ang napiling ipasuot ni manang sa kaniya dahil hindi pa raw iyon nasusuot ni mommy.
At the top of her casket is our name written on a purple ribbon. Hindi ko alam kung para saan iyon dahil hindi ko na tinanong kay manang. Halos lahat ng mayroon dito ay si manang at kuya Phillip ang nag asikaso kasama ang ibang kasambahay namin. Wala rin naman kasi akong alam sa mga ganito at wala si daddy noon kaya pinaubaya ko na sa kanila ang pag aayos sa burol ni mommy.
"Mom, I'm pretty sure that you're already reached heaven right now. Is it nice? How does it looks like? The angels, mom? Are they really cute like how daddy described them when I was a kid? Are you fine there, mom? Are you happy?" Lumunok ako nang maramdaman ang unti-unting pagbara sa lalamunan ko.
"I'm not happy, mom. I'm hurting... it really hurts seeing you lying here, lifeless.." I almost jumped when a hand held my shoulder! I almost shouted at my dad who's looking at mom right now. "Dad!"
"Did I scare you, baby? I'm sorry" I hugged him. We are booth looking at my mom's cadaver. Now I realize na totoo nga ang sinasabi ng karamihan. My eyes are reflecting hers, alongside with her lips and nose. Kulay lang nga yata ang nakuha ko kay daddy. "I'm sorry if I left you that night" his voice cracked.
I'm tired of crying. Tila ubos na ang mga luha ko na kahit sobra akong nasasaktan ngayon ay wala na akong maiiyak pa. I know he didn't mean tl leave us at ngayon lang ulit bumalik. He got works to do and importante ang mga iyon dahil he's working for the safety of other people. A public servant must serve the public, and the public only. That's what they ought to.
Today, plenty of people are here at a private cemetery of our town to send my mom to her last destination. Tanging mga iyak lamang ng mga tao ang maririnig sa paligid, maliban sa mga sinasabi ng pari na nasa harap. Iilan lang sa mga nandito ang kilala ko at karamihan ay mga simpleng mamamayan lamang na natulungan ni mommy.
It's ironic how they are all crying out loud now and keep on uttering words like how they love my mom, how she helped many people, wethere it is health related or not but they didn't even told her that when she's still alive. Indeed, we will only know the true value of something when it is gone. When we don't have time to take care of it. Like how we will miss the sea water when it droughts.
"Magpahinga na muna kayo, Ramon. Kami na ang bahala rito. Justina" tinanguan ko lamang si manang ngunit hindi sinunod ang gusto niya. I want to go and unwind. I want to be alone for the mean time kaya naman imbes na umakyat sa kwarto ko gaya ng ginawa ni daddy, nagpaalam ako na lalabas saglit.
"Saan ka pupunta?" Daddy, who's standing in the middle of our grand staircase is staring at me. "Hindi ka matutulog?"
"I'm not sleepy, dad. Gusto ko lang po ng sariwang hangin kaya aalis muna ako."
Akala ko ay hindi niya ako papayagan kaya naman laking gulat ko nang tumango siya. "Sama mo si Phillip"
"No need, dad. I want to be alone muna po. I'll be home before dinner" maybe.
Alas kwatro ng hapon ay nasa gitna ako ng highway, tinatahak ang daan pa norte kung saan alam kong marami akong makikitang mga bundok. Malakas na tugtog ang maririnig sa loob ng kotseng minamaneho ko. I can still feel the torn in my heart.
I regret everything. Nagsisisi ako na hindi ko sila inawat nang gabing iyon sa away nila ni daddy. Hindi man ako sigurado kung may kinalaman iyon doon. Nagsisisi ako na hindi ko agad chineck si mommy nang gabing iyon. Nagsisisi ako na ni hindi man lang namin naramdaman na may masamang mangyayari.
I wish daddy will do everything to find the gunman. I couldn't think a reason kung bakit gagawin nila iyon kay mommy when almost all the people in our town are loving her.
Is it because of her work? Of my daddy's work? Is it because of me? I don't know. I want to know everything. Kahit na ang pinakamaliit at walang kwentang rason, gusto kong malaman.
Justice will prevail, I know. But I want justice for my mom as soon as possible.
I inhaled the cold wind. I can see all the city lights from up here. Masaya ako na naabutan ko ang sunset. Iyon ang habol ko kaya rito ako nagdesisyon na pumunta. Ipinark ko ang sasakyan sa gilid at saka bumaba at tinahak ang talahiban. Sa dulo nito ay may isang puno ng narra, doon ako nag tungo at umupo sa duyan na nakasabit dito.
Nalaman ako ang lugar na ito dahil kay Mommy. Rito niya ako dinadala noong bata pa ako sa tuwing abala si daddy sa trabaho. Minsan ay nagpapalipas kami ng oras dito sa tuwing wala siyang trabaho pero habang lumalaki ako, nagiging busy rin si Mommy kaya mag-isa na lamang akong nagpupunta rito.
Ang bangin malalim at sa bandang malayo ay tanaw na tanaw ang mga bubungan ng mga bahay. Kitang-kita rin ang iba't ibang kulay na ibinibigay ng namamahingang araw.
Pumikit ako nang maramdaman ang malakas na ihip ng hangin. Bahagyang umugoy ang duyan na inuupuan ko. Ano kaya ang gagawin nila kung mahulog ako rito? Ilang araw kaya ang gugugulin nila bago nila mahanap ang bangkay ko? O mamamatay ba ako kung mahulog ako rito?
Thinking about the reaction of daddy when he found out about mom's death made me think about how he will react when I died? Will he leave his work right away unlike what he did with mom's? Will he act rushly and turn the tables just for me to get justice? Well, how will I get justice if no one will kill me, right?
Huminga akong malalim at tumingala. I can feel the thorn in my heart. Any minute now, alam ko na ang mga emosiyon ko ay bubuhos. I can still remember vividly how the blood dripped from mom's stomach all the way down to her bed. I even got some of her blood on my arms and clothes that day, eh.
Is it possible na makakita ng patay na? I want to see mom one last time. Can I ask someone to do that for me? Open my third eye? Should I ask a shaman or something?
"Mom, are you up there? Can you see me? Can I see you? I want to see you, mom. I miss you so bad..." I sobbed. "Will He let me see you one last time mom? Can you ask Him for me? If I pray hard to see you, will He listen?"
Everyone says that God can do anything we ask for. They say all we have to do is work hsrd until He sees our effort and give what we want and need, right? If maging mabuting anak ako, ipapakita Niya ba ulit si mommy sa akin? Kung matupad ko lahat ng pangarap ng magulang ko, kung tutulong ako sa ibang tao, pagbibigyan niya ba ako sa kagustuhan kong makita muli si Mommy?
"Mom, answer me please. Let me see you again, please. I can't live without you and you know that. Why did you left so early? Mom, I can't breathe. I want to be with you."
Tinitigan ko ang malalim na bangin sa harapan ko. If I jump from here, there's a big chance na mamatay ko. Hindi ko alam kung gaano kalalim ito pero base sa mga matataas na puno, mukhang malayo pa ang dulo nito.
Kung tatalon ba ako rito, makakasama at makikita ko na ulit si mommy? Suminghap ako habang pinagmamasdang ang bangin. "Mom, I love you" bulong ko bago tumayo at lumakad hanggang sa dulo ng bangin.
I raised my hand as I feel the cold wind blowing against me. My hair is dancing with it, along with the trees and clouds. "Mommy, I love you and I miss you already. I want to be with you. Isama mo na lang po ako, please."
I lift my left foot before closing my eyes. I know any minute now I will feel the gravity pulling me. I'm sorry. I can't live without my mom. I want to see her. Hug her. And tell her how much I love her. I'm sorry.