“Rain? Nandito na sa baba si Sky, anak.” rinig kong sabi ni Papa sa labas ng kwarto namin ni Akisha.
“Opo, pa. Bababa na po ako maya maya.” sagot ko naman habang nagsusuot akong medyas.
First day namin ngayon ni Sky. Bestfriend ko. Sa isang tinitingalaang unibersidad dito sa lugar namin ang Maverdle Town.
Isa lang naman kaming iskolar sa Maverdle University. Hindi kami mayaman, hindi kami mahirap. Sakto lang ang pamumuhay namin.
Isinakbit ko naman kaagad yung gagamitin kong bag. Last year pa ‘tong bag na ‘to. May konting sira lang sa zipper pero pwede pa naman gamitin kaya eto na muna gagamitin ko.
“Kumain na muna kayo. Maaga pa naman.” nakangiting sabi ni Papa pagbaba ko. Ngumiti at humalik naman ako sa pisngi niya.
“Nasaan po si Mama?” magalang kong tanong bago umupo sa tabi ni Sky na kumakain ng hotdog.
“Hinatid si Akisha sa paaralan. May meeting daw yung mga SSG eh.” sagot naman ni Papa.
“Ah, kumain kana po ba?” tanong ko.
“Hindi anak. Sige na, kumain na kayo baka mahuli pa kayo sa klase.” nakangiting sabi nito.
“Sige po. Titirhan ko nalang po kayo para makakain kayo mamayang magugutom kayo.” nakangiti kong sabi. Tinanguan naman ako ni Papa.
“Alam mona kung anong section tayo?” tanong ni Sky na kumakain ng itlog at hotdog sa gilid ko.
“Mamaya natin malalaman. Sana magkaklase tayo ‘no ikaw lang naman yung bestfriend ko.” sagot ko bago kumuha ng isang hotdog. May lima pa na nakalutong hotdog at apat na itlog.
“Sana nga, dalian mong kumain maglalakad pa tayo papasok 'oy. Medyo malayo pa naman yung paaralan dito.” ani nito.
Wow, makasabing dalian kong kumain eh siya nga kumakain pa. Hayst. Kumain nalang akong konting kanin, isang hotdog at isang itlog. Yung mga natira para kina Papa nalang mamayang kakain sila.
Halos kinse minuto pa ang tinagal namin sa bahay bago namin naisipang umalis na. Medyo malayo kasi talaga yung unibersidad dito sa bahay namin.
Sa bayan pa kasi yung Maverdle University. Maglalakad kami ni Sky sa may paradahan sa jeep papuntang Maverdle Town.
“Excited na akong makita yung paaralan, sana walang umaway sa‘yo ‘no.” natatawang sabi ni Sky habang naglalakad kami papuntang paradahan.
“Wala naman siguro? Sa pagkakaalam ko mababait yung mga nag aaral sa Maverdle eh. Sana walang umaway sa akin porket hindi kami mayaman.” ani ko.
“Kahit may umaway sa‘yo, pag tatanggol kita. Kaibigan kita, eh.” ani Sky bago ginulo ang buhok ko.
Napatingin ako sa kabilang kalsada may isang lalaking nakatingin sa akin. Malayo siya sa amin pero sa akin talaga siya nakatingin. Malungkot ang tingin niya sa akin pero bigla din siyang nawala. Oh my gosh, multo ba yung nakita ko? Kung ganon, ang gwapo namang multo.
Hindi masyadong mahaba ang pila sa paradahan papuntang Maverdle Town dahil maaga pa namang konti kaya nakasakay na kami kaagad ni Sky at sa harapan nalang kami ng jeep sumakay.
“Manong, eto po yung bayad namin.” ani Sky sa Manong driver na kasasakay lang.
“Maverdle University? Doon din ang anak ko, anong year na kayo?" tanong ni Manong driver sa amin pagkuha niya sa bayad namin.
“Ah, senior na po kami. Anong year na po yung anak niyo?” sagot ko naman.
“Senior na din, sana maging kaibigan niyo siya. Iskolar lamang ang anak ko kaya walang may gustong nakikipag kaibigan sakanya.” malungkot na sabi ni Manong.
Bakit ganun? Porket hindi mayaman yung isang tao hindi na kinakaibigan ng iba? Kaya ba nakikipag kaibigan yung iba sa mayayaman kasi may kaya sila, kaya silang ilibre sa mamahaling resto at iba pa. Sa pera na ba ang basehan ng pakikipag kaibigan?
“Ano pong pangalan niya?” tanong ko.
“Madison ang kaniyang pangalan.” sagot ni Manong.
“Makakaasa po kayo, kakaibiganin po namin siya.” nakangiting sabi ni Sky.
Nagpasalamat naman yung Manong driver sa amin, hindi masyadong malayo yung Maverdle kapag nakajeep ka. Kinse minuto lamang ang byahe kumpara kapag naglakad ka aabutin ka talagang isang oras at kalahating minuto sa paglalakad.
Inihinto naman ni Manong sa gilid yung jeep para makababa kaming mga mag aaral sa Maverdle University.
“Salamat po sa ligtas na paghatid sa amin, mag iingat po kayo sa pagmamaneho.” magalang kong sabi pagkababa namin ni Sky sa jeep.
“Maraming salamat hija, pagbutihan niyo ang pag aaral niyo.” nakangiting sabi ni Manong.
Bago kami makapasok ni Sky sa gate hinarang muna kami nung isang gwardya. Akala ko kung anong sasabihin sa amin nung gwardya pero binigyan lang niya kami nung gate id dito sa Maverdle university.
“Ang dami namang id sa paaralan na ‘to. Baka mawala ko ‘tong wala sa oras.” reklamo ko kay Sky habang naglalakad kami papasok sa building.
“Kung may makakawala man sa atin ng id nating dalawa, ako ang mauuna.” sagot ni Sky. Inirapan ko nalang siya bilang sagot.
Sabay kaming pumunta ni Sky sa may malaking Bulletin Board may iilang mga tao ang tumitingin sa Bulletin Board, kokonti palang ang mga estudyanteng andito kasi maaga pa naman.
“Excuse me po, padaan po sandali.”magalang kong pakiusap sa babaeng nasa harapan ko.
Hindi naman kasi ako masyadong matangkad, ang tangkad tangkad nitong nasa harapan ko. 5'3 lang yung height ko pero yung height nitong nasa harapan ko mukhang 5'6.
“Ay! Sorry po hehe.” nahihiyang sabi nito bago yumuko. Hala, ang ganda niya!
Maputi siya, maganda, matangos ang ilong, mahabang buhok na kulay blonde, magandang labi at may sky blue eyes siya. Para na siyang isang modela sa sobrang ganda niya.
“Okay lang po. Ang ganda niyo po, ate.” nakangiti kong sabi. Totoo naman kasing maganda siya, sobra sobra yung ganda niya.
“Hala, salamat po Ate.” nakangiting sabi nito. Ngumiti naman ako bilang sagot. Hindi ako sanay magsabi sa isang tao na, “Welcome” kaya ngumiti nalang ako.
“Mauuna na po ako, Ate. Hahanapin ko pa kasi yung Classroom na papasukan ko.” paalam nito.
“Sige po. Ingat kayo, at sana makita ko kayo ulit.” nakangiti ko namang sagot. Ngumiti siya bago tumalikod sa akin para maglakad palayo.
Lumapit naman ako kay Sky na nasa harapan na busy sa pag tingin sa magiging section namin. Nakakunot noo pa ang best friend ko, habang nagtitingin sa mga sections na nakapaskil sa bulletin board.
“Mag kaklase tayo, bro.” rinig kong sabi nito. Nanlaki naman ang mata ko, magkaklase kami? Omg!
“Omg? Seryoso!?” tumili ako sa sobrang saya. Kaklase ko na naman si Sky! Naging kaklase ko si Sky nung day care palang ako. Simula yata nung isinilang ako, sandikit na kami ni Sky.
Tinuro naman niya yung naka sulat sa Bulletin na nasa gilid niya kaya lumapit akong kaunti para tignan yung nakasulat.
12th Grade
A- De la Paz
BOYS:
Ace Androver
Aeron Anderson
Andro Crúz
Andrew Heiskanen
Alpha Jakobsson
Blaze Lundberg
Caelum Sky
Clyde Magnusson
Hunter Martensson
Jinx Nortin
Nicholas Nystrom
Phoenix Nordin
Raven Novelo
Russell Novolicha
Tim Zorgo
GIRLS:
Annica Crozaño
Alexa David
Brigtte Escomo
Catherine Falcon
Dianna Guevarra
Entice Guibaño
Inie Lozano
Irish Lacorte
Janna Lopez
Kath Mendez
Madison Sunny
Princess Sonire
Quette Salsad
Rose Tie
Rain Zerphoie
Zera Zoe
Hindi ko ineexpect na magiging section A kami. Sobrang sarap at sobrang saya sa pakiramdam.
“Oh my gosh! Magkaklase nga tayo!” malakas kong tili. Tumili muna kami sa harapan ng Bulletin Board bago namin napagpasyahang hanapin na yung magiging Classroom namin.
Sobrang laki nitong Maverdle University, bawat year level iba iba yung building kaya if ever mauutusan man kami sobrang layo.
“Wala ka bang map na dala, Rain?” tanong ni Sky sa akin habang naglalakad kami dito sa isang building. Kanina pa namin hinahanap yung 12th Grade A- De la Paz. Nahihilo na ako kakaikot ikot, tama nga si Papa mabuti nalang umaga kami pumasok ni Sky kundi male-late kami sa sobrang tagal namin sa paghahanap sa Classroom namin.
“Ayun, may lalake tara mag tanong tayo.” pag aya ko. Lumapit naman ako sa lalaking umiinom ng Mogu-mogu.
“Uh, hi? Pwede pong mag tanong?” nahihiya kong sabi. Nakakahiya baka akalain niya type ko siya, no way!
“Hindi ako interesado. Humanap ka nalang ng iba Miss.” malamig na tugon nito bago tumalikod.
Akala niya ba type ko siya? Oh my gosh!
“Hoy! Hindi kita type ‘no!” malakas na sigaw ko sapat na marinig niya. Ang kapal! Ako type ko ‘yon? Ew! Okay pa sana kung siya si Cole Sprouse!
“Bwisit na ‘yon, ang kapal!” inis kong sabi kay Sky na humahagalpak sa kakatawa.
May nakita naman akong isang estudyanteng papadaan kaya hinarang kona kaagad.
“Uh, ate? Pwede pong mag tanong?” magalang kong sabi.
“Sige lang, Miss.” ngumiti naman ako. Buti pa ‘to ang bait, yung lalaki kanina ang kapal ng mukha. Ang feeling pa!
“Saan po yung building nung 12 A-De la Paz?” nakayukong tanong ko.
“12-A De la Paz? Sa kabilang building pa ‘yon, sa Fifth Floor tapos lumiko kayo sa kaliwang hallway tapos lumiko ulit kayo sa isa pang kaliwang hallway tapos doon yung 12-A De la Paz.” ani nito.
Ang layo naman, ang dami pang lilikuan. Aish.
“Ahh sige po ate. Maraming salamat po sainyo.” nakangiti kong sabi.
“Salamat, Miss.” tipid na sabi ni Sky.
Tumango naman yung babae sa amin bago naglakad palayo. Tinignan ko naman yung wrist watch ko, 8:57 palang ng umaga at ang simula naman ng klase namin ay 9:30 kaya maaga pa naman kaunti.
“Ang layo ng building. First day na first day naligaw kaagad tayo.” pagrereklamo ko kay Sky.
“Ang sabihin mo pagod kana maglakad, ang liit liit mo kasi.” pang aasar nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Napatigil naman kami sa paglalakad ng tumunog ang cellphone niya. Sinenyasan niya akong sasagutin niya muna ‘yon kaya lumayo akong kaunti.
Pag tingin ko sa may gilid ng hallway, nandoon yung lalaking nakita ko kanina sa daan. Ano ‘to? Multo ba ‘to?
Sa sobrang kuryosidad ko naman, sinundan ko ito kaagad.
“Teka lang! Sino ka?” pagsasalita ko habang hinahabol siya pero ang bilis niyang maglakad. Multo ba ‘to?
“Hoy!” napatili ako ng malakas sa biglang pagtapik ni Sky sa akin. Bwisit na ‘to nanggugulat pa.
“Oh!?” inis kong sabi.
“Sinong hinahabol mo? Nakikipag habulan ka ba sa sarili mo? Kanina pa kita tinatawag.” nakakunot nokng sabi nito.
Hindi niya nakita yung nakita ko? Edi... multo nga ‘yon? Kinilabutan naman ako bigla dahil sa mga pinag iisip ko.
“H-ha? Nag try lang akong tumakbo.” pag sisinungaling ko naman. Ayokong sabihin kay Sky dahil paniguradong tatakutin ako ng bestfriend ko. Baliw pa naman ‘tong Caelum Sky na ‘to.
“Baliw kana talaga, tara na nga.” hinila kaagad ako nito palabas sa building na pinasukan namin.
Ilang minuto kaming naglakad papunta dito sa SHS Building, ilang beses din kaming umakyat sa hagdanan at ang masasabi ko lang, nakakapagod ng sobra. Feeling ko pawis na pawis na ako pero hindi naman dahil Centralized itong buong building. Hindi lang pala ‘tomg building ang Centralized, pati yata yung ibang building centralized din.
“Sky, dapat pala nagdala tayo ng hoodie.” ani ko habang naglalakad kami papuntang Classroom.
“Bakit ka mag dadala? May binibigay silang free hoodie dito lalo na kapag first day.” ani nito.
Free hoodie? Ganoon na ba kayaman yung Maverdle University? May free hoodie na, centralized pa. Oh my gosh.
Sabay kaming pumasok ni Sky sa Classroom, may mga iilan na yung nandito pero konti palang.
Sa dulo kami umupo ni Sky, pang tatluhan kasi ‘tong mga pwesto dito. Walang desk dito dahul upuan lang naman na may foam ganoon, hindi siya monoblock chair pero parang ganoon sa Cinema, ang kaso dikit dikit yung tatlong upuan na ‘yon per line, okay na din naman. Ang ganda dito pero bakit walang desk?
Ang ganda naman dito, noong high school kami ni Sky umuuga pa yung mga upuan sa Classroom namin pero dito ang ganda.
“Hi,” napatingin ako sa nagsalita.
Siya yung babaeng maganda na nakita ko kanina ha? Yung sa may Bulletin Board. Magkaklase ba kami?
“Oh, hi!” nakangiting sabi ko naman.
“Hi, Miss.” ani naman Sky.
“Pwedeng makitabi sainyo?” nahihiyang tanong nito.
“Sure! I‘m Rain,” nakangiting pagpapakilala ko bago binalingan si Sky.
“Sky.” tipid na sabi ni Sky.
“I‘m Madison—”
“MADISON!?” sabay na sabi namin ni Sky. Nagkatitigan pa kaming dalawa bago tumingin ulit kay Madison.
Siya ba yung Madison na sinasabi kanina nung manong sa jeep ma nasakyan namin? Kung siya ‘yon, bakit ang ganda niya?
“Kilala niyo ako?” takang tanong ni Madison.
“Uh, may nasakyan kami kaninang jeep tapos sabi ni Manong driver may anak daw siyang nag aaral dito na senior high student at Madison ang pangalan.” paglilinaw ko naman. Tumango tango naman si Madison.
“Jeepney driver? Si papa?” tanong nito.
“Hindi ako sure kung siya ba ‘yon pero parang ikaw nga yung Madison na sinabi sa amin.” sagot ni Sky.
“Oh. Okay. I‘m Madison Sunny.” nakangiting sabi ni Madison. Ang ganda niya talaga.
“Rain Zerphoie.” nakangiti ko namang sabi.
“Caelum Sky.” tipid na sabi ni Sky. Ngumiti naman siya.
“Friends?” nakangiting tanong ko.
“Best friends!” masayang sabi ni Madison.
At ayun, naging kaibigan namin si Madison ng ganoon kadali, masaya siyang kasama tbh. Sobrang kalog at sobrang daldal niya. Bakit wala siyang kaibigan?
Kung wala man siyang naging kaibigan noon, atleast kaibigan na niya kami ngayon. May Rain at Sky na siyang kaibigan.
Ilang minuto lang ang nakalipas dumating na yung magiging Homeroom Teacher namin. Mukhang bata palang siya pero ang ganda niya.
Since first day of school, nag eexpect na akong may Flag Raising Ceremony (FRC) kami pero wala, ganoon daw talaga dito walang FRC.
“Since first day of school ngayon, hindi na muna tayo magkaklase. Mga baguhan ba kayong lahat? May mga iilan na magkaklase pa rin hindi ba? May mga iilan na dumagdag at nawala kaya magandang magpakilala kayo isa isa.” nakangiting sabi ni Ma‘am.
Napatingin ako sa gilid bago ako magpakilala sa harapan at nanlaki ang mata ko nang makita ko ulit siya.
Bakit nandito ‘to? Sino ‘to? At bakit lagi siyang nagpapakita sa akin?
----