“Ano? May kapangyarihan ako?” hindi makapaniwalang tanong ko. Nasaan ba ako? Anong lugar ‘to? Pinaprank na naman ba ako ni Sky?
“Ja, du hast Recht. Sie haben Macht und gehören wirklich hierher.” seryosong sabi nung isang lalaking matalim ang tingin sa akin. Sino ba ‘to?
“Madison, Sky, tumigil na kayo kakaprank sa akin.” pagmamakaawa ko.
“Wir kennen Sky nicht, wer ist das?” ani nung isang babaeng sobrang ganda.
Ano daw? Bakit ibang lenggwahe ang ginagamit nila? Nasaan ba ako?
“Ano? Hindi kita maintindihan! Tama na! Pakawalan niyo na ako!” pagmamakaawa ko.
Umiling naman yung isang lalaki na kanina pa nakangiti.
Maglalakad na sana ako palayo sakanila ngunit nakita ko si Sky kasama si Madison na hindi makatingin sa akin.
“S-sky? A-ano ‘to!?” hindi makapaniwalang tanong ko. Ang alam ko may hinahanap kami sa gubat ni Sky hindi ko naman alam na dito kami mapupunta. Anong lugar ba ‘to?
“Pasensya kana, Rain. Hindi kona talaga kayang mabuhay sa mundong kinalakihan natin. Oras na para bumalik tayo sa mundong kinabibilangan natin.” seryosong sabi nito.
“A-ano? Nagbibiro kana naman ba? Sky, hindi na ako natutuwa sa pagbibiro mo.” naguguluhang sabi ko.
“Hindi ako nagbibiro, Rain. Dito tayo sa Charftide nabubuhay. Dito tayo totoong nabibilang. Dito ang ating tirahan, hindi sa mundo ng mga tao.” seryosong sabi nito.
Ano na naman bang klaseng biro ang pinagsasabi ni Sky? Anong hindi mundo ng mga tao? Ano kami? Halimaw?
“Nimm ihn weg, Donner. Er muss die Wahrheit wissen.” rinig kong sabi nung isang babae.
Anong lenggwahe ba ang ginagamit nila?
Nabigla ako ng bigla akong buhatin nung lalaking matalim ang tingin sa akin.
“B-bitawan mo ako! Tulong!” malakas kong sigaw habang nagpupumiglas sa pagkakabuhat niya sa akin. Para akong sako na binuhat niya sa balikat niya.
“Pasensya kana, Rain. Sumama ka sa amin sasabihin kona ang lahat sa‘yo.” ngumiti ng konti si Sky.
Anong sasabihin niya? Anong ibig sabihin niya?
Napahinga ako ng maluwag ng ibaba ako nung lalaking bumuhat sa akin. Napatingin ako sa harapan kung saan sila nakaharap. Isang malaking palasyo. Madilim na palasyo, malawak na lupain.
Tinignan ko naman ang nakasulat sa isang gate. Charftide Maleficis Academy. Pagkabasa ko palang sa nakasulat hindi ko alam pero biglang kumurot ang ulo ko.
At hindi kona kinaya dahil unti unti akong bumagsak sa lupa. Bago tuluyang dumilim ang paningin ko, nakita ko kung paano ako buhatin nung lalaking bumuhat sa akin kanina.
----