Episode 4

1600 Words
Avery Wala na akong hinintay pang sandali. Kumaripas na rin ako ng takbo papunta sa kusina. Jusko! Natataranta, mabilis kong hinanap si Ynez. Pero laking gulat ko na lang nang wala na siya dito sa kusina. Kabayo talaga ang baklang 'yon! Napakabilis tumakas! Jusko! Nasaan ba ang back door dito? Nanginginig ako sa kaba habang hinahanap ang putragis na pintong iyon. Pero halos maluha ako nang sobra noong biglang tumunog ang door knob ng kusina. Halos lumuwa ang mga mata ko. Paulit-ulit akong nagpalinga-linga para humanap ng paraan. Shit! Wala akong mahanap, anemal! In the end, I resorted with hiding myself under the large table that was sitting at the center. Gusto ko sanang sa malaking ref ako magtago kaso baka lagnatin ako kaya gora na ko dito. Bumukas ang pinto. Iniluwa noon ang dalawang tao na nakasuot ng itim na pantalon. Doon pa lang, alam ko nang sila iyong mga pulis na humahabol sa akin. Nag-paikot-ikot sila sa lamesa na para bang naglalaro ng trip to jerusalem. Mukha silang tanga na umiikot lang nang dahan-dahan. Noong bigla silang tumigil sa paglalakad, doon na ako sobrang kinabahan. Sa puntong iyon, I started my prayer of salvation to all of the saints I knew and even for the ones I just invented. Walangya! Ayokong makulong! Halos mapasigaw ako nang bongga nang ang isa sa kanila ay biglang lumuhod. Nagtagpo ang aming mga mata at gusto ko siyang pagsasampalin dahil mukha siyang nanalo sa lotto noong nakita niya ako. Dahil doon, walang ano-ano akong lumabas mula sa ilalim ng mesa. Tumakbo ako sa kung saan ako dalhin ng aking mga paa. Sa pagtakbo ko ay nakita ko na rin sa wakas ang lecheng back door. Nahihintakutan akong lumabas mula doon. Agad na yumakap sa akin ang malamig na simoy ng pasko. Nakadagdag lang iyon sa kalbaryong dinaranas ko. Nilalamig na kasi ako sa kaba, the last thing I want to deal with right now was this freaking cold temperature! Niyakap ko ang aking sarili habang patuloy sa pagtakbo. Animo akong hinahabol ng mga killer ko. Nang mapatingin ako sa aking likod, lalong namuti ang aking mga paa. Ang mga pulis kasi ay para bang mga ninja. Iyong tipong sa anime mo lang mapapanood. Putragis! Ang liliit ng legs nila pero bakit sobrang bilis naman nilang tumakbo? Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo. Halos madapa-dapa pa nga ako dahil sa madulas ang daan. Leche! Nasa Hunger Games ba ako? Bakit kada-minuto, parami nang parami at pahirap nang pahirap ang mga problema ko?! Nang makakita ako ng eskinita ay doon agad ako pumasok. Naghahanap ng matataguan, mas lalo akong kinabahan. Wala kasi akong mahanap! Animal, ayoko namang magtago sa basurahan! Jusko, ayokong bumaho! Wala akong nagawa kung hindi ang umakyat doon sa baricade noong makita ako ng mga pulis. Mabilis akong nakaakyat doon dahil siguro, isa ako sa mga miyembro ng akyat-bahay gang sa past life ko. Noong makababa na ako ay akmang tatakbo akong muli. Pero natigilan ako noong makita ang mga pulis. Para kasi talaga silang mga ninja sa bilis. Jusko! Kumurap lang naman ako, ah! Bakit nasa itaas agad sila ng baricade? "s**t!" I stepped backwards as I continued trembling. Mabilis na lang akong tumakbo papunta sa tumpok ng mga tao. Noong makakita ako ng isa pang eskinita ay ewan ko ba kung anong nagtulak sa akin para pumasok doon. Noong nandoon na ako ay doon ko lang pinagsisihan lahat ng choices ko sa buhay. Kasi imbes na daan papunta sa kabilang street ang tumambad sa akin, isang malaking pader ang nakita ko. Dead end. I am trapped. Kulong is life. Malala ang pag-taas baba ng dibdib ko. Nagpalinga-linga ako pero wala na talaga akong makitang malalabasan o kahit man lang mapagtataguan. Ang eskinitang ito ay walang laman kung hindi ako at ang puso kong nagrerehumentado dahil sa lecheng mga pulis na 'yan! Feeling ko ay mahihimatay na ako dahil sa kaba! "Stop!" Came by a voice of a man from the direction of my back. I automatically halt myself from facing at him. Blinking, I froze on my spot. Pigil hininga ako habang nagdadasal na sana ay maging invisible na lang ako. Iyong sana ay mawala ako sa paningin ng kung sino man. O hindi naman kaya ay lamunin ako ng lupa at iluwa ako sa Pilipinas. "Raise your hand!" He continued. Napapikit ako. Diyos ko. Hindi ko pa nagagawa lahat ng gusto ko sa buhay, bakit ang bilis ko naman yatang makulong? Pwede bang take two muna? Gagawin ko muna lahat ng gusto ko bago niyo ako dalhin sa rehas?! I'm about to cry when I did what I'm told. Raising my hand, my knees began to turn wobbly. "Sir, I am sorry. I just needed the job," I let out a deep and painful breath, trying to prevent myself from crying. "Sorry, Sir... I won't do it again. I promise." "Sway your hand!" Ha? Ilang segundong nag-loading ang utak ko. Napakurap ako dahil sa pagtataka pero sinunod ko pa rin siya. Ngayon ay para akong tangang winawagayway ang aking mga kamay sa hangin. "Sabayan mo ako!" Halos malaglag ang aking panga sa sahig. Sabayan saan? Pero, teka . . . nag-tatagalog siya?! "Ang iniingat-ingatan ko ay ang kaisa-isang bikini mo na tinatago-tago ko pa," Tumigil ako sa pag-wagayway ng aking mga kamay. Blinking, I really can't fathom what I just heard. "At katabi sa pagtulog ko. Ako'y dumadalangin na kahit manawari," Nalilito, humarap ako sa kanya. Mabilis na umawang ang aking mga labi. It was him. It was that obnoxious bartender. "Huwag sanang sungkitin bikini mong itim na alay mo sa 'kin." He continued as if my situation was just a joke for him. Pero hindi ko na siya hinayaang magpatuloy pa. Malakas na hampas ang iginawad ko sa kanyang alsadong braso. "Nademonyukang animal ka!" Um-aray siya pero wala akong pakialam. Nagpatuloy lang ako sa pagsampal sa kanyang mga braso. "Hayop ka!" Mas malakas na hampas ang ginawa ko. "Depunggal ka!" "Laki ako sa simbahan pero walang hiya kang nademonyuka, mapipilitan akong kalimutan ang mga aral na tinuro sa akin ng mga madre! Papatayin mo ako sa kaba! Kung mamamatay ako ngayon, animal ka, mumultuhin kita hanggang sa mamatay ka rin!" Nagpatuloy lang ako sa paghampas sa kanya. Siya naman ay tawa lang nang tawa habang umaaray. "Aba! Nakukuha mo pang tumawang hayop ka!" Pinagsisipa ko siya sa kanyang binti. Doon na siya um-aray nang totoo. Matapos noon ay tinuhod ko naman siya sa kanyang kaligayahan. Hindi na maipinta ang kanyang mukha dahil sa mga ginawa ko. Nakabusangot akong lumakad papalayo sa kanya. Paika-ika niya akong hinabol. Apologizing and mumbling his unending sorry to me. But I am not on my right mood to forgive. Hindi ko kayang ipasok sa aking utak ang ugaling mapagpatawad na tinuro sa akin nina Sister Anne at Sister Joan sa bahay ampunan. Hindi magandang biro ang ginawa niya! Paano na lang kung namatay ako kanina dahil sa kaba at sama ng loob? Ipapalibing niya ba ako? Siyempre hindi! Ano? Sasabay pa ako sa malaking gastos nina Sister Anne sa bahay ampunan?! Noong hindi niya pa rin ako tinigilan ay napilitan akong tumakbo. Dumako ako doon sa kumpulan ng mga tao sa street food area. Dahil doon ay nawala na ako sa kanyang paningin. After that moment, I thought, I am already saved. I expected that I will go back to my small hotel room, sleep and will woke up tomorrow to find another way of surviving. But, no. Hindi pa pala doon natatapos ang lahat. Noong nasa dulo na ako ng mga tao ay nakita kong nag-aabang doon ang dalawang pulis na humahabol sa akin kanina. Mabilis ang kanilang mga mata. Nakita nila agad ako. Iyon ang puntong para na namang silang ninja na sumugod papalapit sa akin. Iritado akong napatakbong muli. Sinalubong ko ang nagbabahang tao. Naging mahirap para sa akin ang makaabante dahil sa lahat sila ay papunta sa kabaliktaran ng direksyong tinatahak ko. Noong makahanap ako ng space kung saan pwede akong lumusot ay kinuha ko agad ang pagkakataong makapunta doon. Malapit na malapit na kasi sa akin ang mga pulis kaya't wala na talaga akong choice kung hindi ang pumunta doon para makawala sa nagbabahang mga tao. I smiled my worth a million smile when atlast, I was freed from the flooding people. Bumalik na akong muli sa pagtakbo. Hindi ako pwedeng huminto dahil tiyak na sa kulungan ang abot ko kapag nahuli ako ng mga pulis. Noong makakita ako ng eskinita ay mabilis akong pumasok doon. Hindi ko alam kung ano na bang nangyayari sa buhay ko. Doon na naman kasi ako napadako sa eksaktong lugar kung saan ako pinagtripan ng nademunyong bartender kanina. Naiiyak akong lumabas. Mabilis ang aking mga matang hinanap ang mga pulis. And from near me, I saw them. I am trapped. Kahit tumakbo ako, mahahabol at mahahabol nila ako. Their eyes are searching for me. They are positively want me handcupped. Wala akong magawa. Wala akong matatakbuhan. Wala akong mapagtataguan. Hinubad ko na lang ang suot kong uniporme. Itinapon ko iyon sa sahig para hindi ako makilala ng mga pulis. Ngayon, halos manginig pa ako sa lamig dahil nakasando na lang ako. Nang makita kong ilang hakbang na lang sila sa akin ay hinila ko iyong lalaki na lumalakad sa harap ko. Hindi siya pumalag. His cold eyes met mine but I was too nervous to be intimidated by it. Walang ano-ano kong idinampi ang aking labi sa kanya. He is with his wide eyes, but I only gave him an apologetic gaze as I steady ourselves on that awkward situation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD