Avery
Nang makalagpas na ang mga pulis ay naitulak ko nang bongga iyong lalaki. Jusko! Wala na ang first kiss ko!
I am wincing as I double check if the police were totally gone. Wala na talaga sila. At saka as if makikita ko pa sila sa tumpok ng mga tao? Ang liliit kaya ng legs nila. Parang mga penguin.
"Uh . . . What was that for?" Came by a baritone deep voice of a man. Doon ko lang napagtanto na nasa harap ko pa pala iyong lalaki!
"God . . ." Lumunok ako at huminga nang malalim. Nakakahiya talaga ang mga choices ko sa buhay. "I am really sor--" natigilan ako nang mapatingin ako sa kanyang mukha.
Shit.
Is he even real?
Napapakurap, nanatili lang ang aking mga labi sa pag-awang habang pinagmamasdan ang kanyang mukha.
Bakit sobrang gwapo ng lalaking 'to?
Bakit pang-grand finals iyong kagwapuhan niya?
Jusko, pwedeng taym pers muna? Check ko lang kung nakasuot pa sa akin ang panty ko-- I mentally slap myself.
Ano ba, Avery?!
Jusko! Kabilin-bilinan ni Sister Anne na magpaka-dalagang Pilipina ka! Pero kasi naman . . . makalaglag panty naman talaga ang mukha ng lalaking ito!
"Are you actually-- uhm, still okay?" He waved a hand infront of my face.
Kumurap uli ako at nagpatango-tango. Tinignan niya lang naman ako ng tingin na para bang isa akong siraulo. "Okay, but what was that," he motioned his hands in between of his lips and mine, "for?"
"That was..." I wince. Nademonyuka, ang hirap mag-english. "That was because you are handsome . . ." Ngumiti ako nang alanganin. My words seemed like a question rather than a reason. By the look of his face, it is certain that he didn't buy it.
"Baliw ang babaeng ito." He chuckled and smiled for a moment. Nakakaloka namang ngumiti ang lalaking ito, one second lang tapos balik na ulit sa seryoso?!
"Pinoy ka?!" I covered my mouth.
He widened his eyes. "Oh, Pinoy ka rin pala."
"Nademonyuka, pinahirapan mo pa akong mag-english!" Hahampasin ko na sana siya kaso nekekeheye.
Umalon ang adam's apple niya. "So you are an OFW too?" I nod. "Anong trabaho mo? At bakit parang may tinatakbuhan ka? Are you some sort of a culprit?"
"Ay, hot seat pala ito? Hindi uso ang pa-isa-isang tanong?"
He shrugged. "Curious lang." He looked at me straight from my eyes the way my fragile heart can't handle.
"Let's just say . . ." Nag-isip ako ng magandang dahilan. Pero ang turo sa akin nina Sister Anne ay masama ang magsinungaling. Ngayon ay nakikipaglaban ako sa aking dilemma. At nananalo siya palagi.
Ano ba kasing dapat kong sabihin? Na na-terminate ako kaya gumawa ako ng iligal? At ngayon, hinahabol ako ng mga pulis? At ginamit ko siya para makatakas sa kanila?
No.
"Basta." Ang tangi kong nasambit. Ayokong magsinungaling, oy. Gusto kong makita si Lord kapag namatay ako.
Tumawa na lang ako nang wirdo. Alam kong mukha na akong siraulo sa kanya pero siraulo naman na talaga ako kaya okay lang 'yon.
Umigting ang kanyang panga. Ang mga mata niya ay naningkit. He is examining me and I just want to run away from him.
There is something in his eyes.
Parang may iniisip siya tungkol sa akin at alam kong hindi ko iyon magugustuhan.
Jusko.
Gwapo naman siya.
Hindi naman siguro siya gan'on?
"Uhm," I fake a cough, "aalis na ako, ha?" Nagkamot ako ng ulo. "Alam mo na? Work work work na, ehehe." Lumakad ako nang patalikod, iniisip kung magpapasalamat ba ako sa halik o hindi. I chose the latter kasi ang weird nung first, naku po!
But I was taken aback when he grabbed me on my arms. "Samahan mo muna ako." Hindi ko pa rin talaga makayanan ang kanyang t**i-- titig! "Kailangan ko ng makakausap ngayon."
Umubo ako, iyong totoo na. Para bang nabilaukan ako sa sarili kong laway.
Aha! Sabi na, eh.
Alam ko na 'to.
Naku, alam na alam ko na itong eksenang 'to.
Ito ang galawan ng mga Pilipino dito, eh.
Iyong mag-uusap lang daw pero saan ka? Sa motel ang tagpuan? Ano iyon? Anong klaseng pag-uusap ang gagawin nila? Iyong may pag-ungol?
I tried to pull my arms from his tight but careful grip. "Hoy . . ." Patuloy lang ako sa pag-ubo. "Virgin pa ako!"
Napabitaw siya sa akin. Napakurap siya nang ilang beses. Halatang pinag-iisipan niya ang sinabi ko. I know, he gave up thinking when he said, "At bakit mo naman sinasabi iyan sa akin?" Still blinking innocently, he continued, "Was that an invitation or what?"
Napasapo ako sa aking ulo.
Okay, nag-assume lang pala ako?!
Mas lalong lumalala ang ubo ko. "What I mean was," nagkamot ako sa aking ulo, naghahanap ng magandang palusot kahit na alam ko namang hindi ko na mailulusot pa ang kagagahan kong ito, "magandang kausap ang mga virgin kasi alam mo na? Para ano-- para sa mga ano, eh-- gan'on, basta-- oo, basta!" naiirita sa sarili, tinakpan ko na lang ang namumula kong mukha.
I heard him chuckle. "Just so you know, I am not up for s*x. s*x was not meant to satisfy someone's lust. It was actually meant to indulge a couple's body by using s*x as their medium to be united."
Minsan talaga, nakakainis na kapag matatalino, eh. Ang hirap intindihin. Tumango na lang ako kahit hindi ko naman talaga siya naintindihan.
He winced. "Which on our case, that's an impossible thing for us to do because first, we are not a couple and second," he raised his two fingers, I hate my mind for thinking something dirty on it, "you are a virgin. The last thing I want is you freaking out in bed."
Namula ang mukha ko dahil sa narinig. Letcheng lalaking 'to! Walang preno ang nguso!
"We will just talk."
At naramdaman ko na lang na may bumalot sa aking katawan. It covered my bear shoulders. Nawala ang panlalamig na kanina ko pang nararamdaman dahil nakasuot lang ako ng lecheng sando all this time.
Oh . . .
He put his jacket on me.
I darted a gaze on him. His face was still on his permanent stoic expression. But it was still freaking god-like and perfect. "Let's go?"
Lumunok ako at sana ay hindi ko pagsisihang pumayag ako sa kanya.
***
"So, your employer terminated you?"
I nod sadly. Facing the bay area, I let the salted wind to crash unto my face.
Dito niya ako dinala sa bay area. True to his words, kailangan niya nga talaga ng makakausap. Kanina ay napag-usapan namin ang tungkol sa lovelife niya. Well, hindi talaga lovelife kasi technically, he is single. Namomroblema siya tungkol sa kanyang, as per him, Mommy. He is being pressured to marry a girl who is happened to be his friend. Ang problema ay hindi pa siya handa sa kahit na anong pakikipagrelasyon.
Iba talaga kapag mayaman. Parang ang bigat ng problema? Mas mabigat pa sa akin? Pwede namang humindi na lang? Wala naman kasing magagawa ang kanyang ina kung ayaw niya talaga? Jusko, sana all talaga, mayaman. Kung pwedeng magpalit na lang kami ng pinoproblema, gagawin ko talaga agad-agad.
"Eh, ba't ayaw mong bumalik na muna sa Pilipinas habang naghahanap ng panibagong employer?"
"Pilipinas?" Humarap ako sa kanya nang may malulungkot na mga mata. "Kapag bumalik ako doon, ano? Mauubos na naman lahat ng pinag-ipunan ko kasi panibagong apply na naman. Swerte na lang kung makahanap agad ako ng panibagong employer. Eh paano kung hindi? Maghihirap na naman ako nang dalawang taon sa lecheng bansang ito?"
I took a deep sigh. "Ayoko nang magsimulang uli sa umpisa. Naghirap na ako ng dalawang taon, eh. Okay na, eh. Kaunti na lang, makakapag-nurse na ako sa Canada."
I sigh again, "Gusto ko nang matapos lahat ng paghihirap ko dito sa Hong Kong. Ayoko nang magtagal pa dito."
"So, you will resort yourself with doing something illegal? Paano kung mahuli ka? Mas malaking problema iyon."
I pout. "Akong bahala sa sarili ko." Trying to flash a cheerful smile, I rewarded him a painful curve on my lips. "Kayang-kaya ko 'to."
He stared at me for a moment—no, for a long moment. Gusto ko na sanang itanong kung may mali ba sa mukha ko or what kasi seryoso, kanina pa siya titig nang titig sa akin? May kulangot ba ako? O muta? Baka tinga? Jusko, nakaka-concsious na!
"I have an idea." He said with a mysterious enthusiasm on his voice.
"Anong ideya naman 'yan?"
"Work for me."
"Work?"
Tumango siya. "Yes, work."
"Anong work naman 'yan? Nademonyuka, hindi ako pokpok o baby maker, ah?"
"Seriously?" He smiled for one second then goes back to his usual cold facial expression. "Why do you always end your mind with me sleeping with you?"
"Ganito kasi ang karamihan dito sa Hong Kong, right? Mahiya mo mga asong darang na darang kumasta. Mga hayok na hayok sa sex." I hug myself and continued staring at the water of the bay area. "Malalayo sa mga jowa at asawa kaya malayang magloko ang mga nademonyu. Ang sarap nilang pagsampalin nang pasala-sala hanggang sa mamatay sa kakailag."
I rolled my eyes playfully. "Pero anong work nga?"
"Basta," I really can't decipher his face.
"Ano nga?" Nagkamot ako sa aking ulo. "Hindi ako papayag hangga't hindi ko pa nalalaman kung anong trabaho 'yan."
He tilted his head. He looked like he is weighing the payment of his decision if he chose to spill it. But to my suprise, he actually did spill it.
"Be my fake girlfriend."
I blink.
Huh?
Nasa w*****d ba ako?
O nasa cliché na pelikula para sa mga teenager?
Luh?
Ang ganda ko?!