Episode 6

1534 Words
Avery "Huh?" Natitigalgalan kong bulalas. "Be my fake girlfriend, that's the job I am offering you." "Bakit naman?!" He looked away. "Wala lang, trip ko lang." Napapakurap, gusto kong malaman kung mahal ba siya ng pamilya niya para maging ganito ang trip niya. Jusko, pambihira! Pero aarte pa ba ako? Madali lang iyong trabahong ibinibigay niya sa akin. At saka maganda ba ako para mag-inarte? Kasi huy, ang gwapo nitong lalaking 'to! Jackpot na nga ito kung tutuusin, eh. "But it's fine if you are against it--" Mabilis pa sa alas-kwatro ang giinawa kong pagpigil sa kanya para bawiin ang kanyang inaalok. "Wala akong sinasabi!" I smiled sweetly at him-- okay, no. My smile is not sweet, it's a warning smile that I will beat the hell out of him if he chose to take back his offer. "Okay, but you don't have to shout because," he grimaced, "I am practically, sitting just beside you." Napakamot ako sa aking ulo at tumawa nang awkward. "Sorry na," nilapag ko ang aking kamay sa dibdib ko, "aken, aken, aken." Ang awkward kong tawa ay mas lalong lumala, "Nadala lang ng emosyon." His lips curved a smile for a second, "Crazy." Heto na ba 'yung part na sasabihin kong "For you?" tapos dadalhin niya ako sa tinutuluyan niya. Tapos doon kami maglalampungan. Tapos mabubuntis ako-- I mentally beat myself. Ano ba, Avery?! Jusko, nakakagawa ang utak ko ng kasalanan dahil sa lalaking ito. "Shall we go to my place first?" Nanlaki ang mga mata ko. Ha?! Ano?! Depunggal! Magkakatotoo na ba iyong naiisip ko?! Hoy! H'wag! Hindi pa ako ready na isuko ang bataan ko! "Bakit naman?" Namumula kong tanong. My voice is as soft as my trembling knees. "Kasi doon ko idi-discuss ang details ng trabahong inaalok ko sa 'yo?" By the look of his face, he must thought I am a real pervert. "Okay lang ba? Kanina pa kasi ako nilalamig dito." Tumango na lang ako at hindi na pinili pang buksan ang bibig. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko. Hinayupak! *** If you are to ask me what's the inside of his house looks like, it was a total mess. No, a total mess was an understatement. It was a freaking hell of a mess. Kung may impyerno mang maituturing ang mga basura, natatakot akong ito na 'yon. Pagkabukas na pagkabukas pa lang kasi niya ng pintuan, ang masangsang na amoy agad ng basura ang nag-welcome sa akin. Swear, mahihiya ang amoy ng bundok ng mga basura sa Payatas dahil dito! Noong makapasok na kami. Binuksan niya ang ilaw. Napangiwi na lang ako sa bumungad sa mga mata ko. Although, inaasahan ko na ito, hindi ko pa rin mapigilan ang mapanganga sa hindi makapaniwalang dahilan. Ang sala ay puno ng mga basura. May mga nagkalat na boxes ng pizza. Ganoon na rin ang mga bote ng energy drinks at mga balat ng potato chips. May mga maduduming damit din at pantalon ang nakalapag lang sa sahig. Sa pagtingin pa lang sa sala niya, mukhang gusto ko nang umuwi. Alam kong hindi ko na kakayanin pang makita ang sitwasyon ng kanyang kusina, kwarto at banyo. "Wow," pinigilan kong takpan ang ilong ko. "Mahilig kang maglinis, ano?" "Yes, thank you." He smiled for a second. My jaw almost hit the floor. Muntik ko na siyang mabatukan. Ano?! Mahilig pa siyang maglinis nito, ah? Paano na lang kaya kung tinatamad na siya?! Anbelibabol. Tumawa ako nang awkward, "Hindi uso ang basurahan dito, ano?" He laughed for a second then goes back to his usual stoic facial expression. "I know what you are thinking. Don't be too sarcastic on me. Ako na ang employer mo. You need to, like, respect me." Jusko, ang gwapo gwapo niya tapos ganito siya sa bahay niya? Totoo ngang you can't have it all. Walangya, tapos may gana pa siyang mag-demand ng respeto galing sa akin? Bakit kaya hindi niya muna unahing maglinis bago mag-demand? Linis bago demand, ganern. Bakit hindi kaya ganoon muna? I prevent myself from rolling my eyes. This is a torture for me. For an obsessive-compulsive person like me, this is indeed torture. Mukhang hindi ako makakatagal nang ilang segundo dito nang hindi ko ito nililinis. Lumakad siya papunta sa sofa na puno ng mga balat ng potato chips. Hinawi niya lahat ng kalat doon na para bang tubig at saka siya umupo. He tapped the space beside him, motioning me to sit beside him. I did what I'm told by my employer. Noong makaupo na ako ay lalo akong napangiwi nang maramdaman kong may naupuan akong potato chips. Lumala na rin ang masangsang na amoy ng panis na mga pagkain. Anytime, masusuka na talaga ako. "About your job," he started, "all you have to do is to stop my Mom with her plans. As my fake girlfriend, you have to put a halt on my incoming arranged wedding with the girl she wanted me to end up with." Tumango ako kahit ang totoo, ang utak ko ay lumilipad pa rin sa mga basura niya. Jusko! Gusto ko nang maglinis! "Okay lang ba sa 'yo iyon?" That piques my attention. "Yes," I smiled genuinely. Totoo naman kasi, ang dali lang ng pinapagawa niya. "A piece of cake." I wink at him and showed him an okay hand sign. "Kayang kaya ko 'yan." "By the way, may matutuluyan ka ba ngayon?" "Bakit? Patitirahin mo ako dito?" "Can you just answer a question like a normal person? Like, when someone threw a question on you, you will not answer them with another question?" Napakamot ako sa aking ulo at tumawa nang bahagya. Oo nga, 'no? Ehe. "May matutuluyan ako ngayon pero mas okay kung patitirahin mo ako dito kasi," para maging uso sa bahay na ito ang ideya ng paglilinis, "magaling akong maglinis. Masarap din akong magluto, saan ka pa?" "So, you are suggesting to make yourself as my domestic helper as well?" I nod and planned to beg for his approval if ever he is against it. Mas okay naman kasi kung dito niya ako patitirahin! Wala na akong gastos kapag gan'on ang nangyari. Mabait siya, bakit hindi ko pa abusuhin? Charot! "Okay, sure. Your job will be extended to being my domestic helper." I heave my most relieve sigh. Dito ko lang napagtanto na kanina ko pa pala pinipigilan ang aking hininga. "But, one more thing." He mumbled, still darting me an intimidating yet innocent gaze, "You can never fall inlove with me." I blink. Huh? Luh? Taas confidence? Ang gwapong bagyo naman nito? Teka nga, bakit pa-cliché nang pa-cliché itong kwento ng buhay ko?! Anong sunod nito? Mafo-fall kami sa isa't isa tapos dito kami maglalampungan nang bongga-- sinampal ko ang sarili ko sa aking utak. Jusko, Avery! Bakit ba laging lampungan na lang ang ending ng utak mong nademonyuka? "It's for the reason I have a philophobia. That's the fear of falling inlove. Takot akong ma-inlove. Takot akong mag-commit. Takot akong pumasok sa isang relasyon. The moment na na-inlove ka sa akin, it might radiate on me. I might end up terminating you because I am preventing myself to feel that damn thing called love one more time." He leaned his back on the back rest, "Just warning you, the last thing I want is to deal with a crying lady again." Hinampas ko siya sa kanyang braso nang bahagya. No, hindi pala iyon bahagya dahil napakamot siya sa kanyang braso. Sa kanyang pag-ngiwi ay alam kong napalakas ako. "Ano ka ba?! Hindi mangyayari iyon!" On my mind, I sounded indennial, "At saka, may iba akong gusto, noh!" I lied. "Huy," Sinundot ko siya sa tagiliran kaya't napaigtad siya, "hindi ako magiging problema. Promise." Tinaas ko ang aking kanang kamay na para bang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas. "Hindi ako marupok. Hindi ako madaling ma-fall. Hinding hindi ako aasa." My smile grew abstractly. "Pangako iyan. Mamatay ka man ngayon, Sir." "Great." Ngumiti siya nang isang segundo bago inilahad ang kamay sa akin. "I am Diyes, by the way." Tumango ako at hinawakan din ang kanyang kamay. I didn't focus myself on the jolt of electricity I felt the moment our hands connected. I gave him the realest smile that I can muster at the moment. "And I am Avery, Sir." "I am expecting great from you--" Hindi ko na siya pinatapos pa dahil kanina pa talaga ako hindi mapakali sa mga basura niya! "Pwede na ba akong maglinis, Sir?" He blinked for a moment then innocently stroll his eyes around his messy house. Parang doon niya lang sa puntong iyon napansin ang mga kalat. He nodded slowly with an appalled expression on his face. "My house is almost handful," he coughed, ngayon niya nga lang talaga napansin itong mga kalat na ginawa niya! "you may start now. Clean the whole area. Make sure na paglabas ko uli sa kwarto ko, wala na akong makikita ni alikabok. Alright?" Tinakpan niya ang kanyang ilong. Hindi na niya ako hinintay pang sumagot. Nagmadali na siyang pumasok sa kanyang kwarto na para bang nakakamatay ang mag-stay dito sa kanyang sala. Napailing na lang ako. Naku po. Kung hindi ka lang gwapo, kanina ko pa nasungalngal sa iyo ang walis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD