Episode 7

1984 Words
Avery Noong magising ako dahil sa alarm clock ko, halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko dahil sa sobrang sakit. Ikaw ba naman ang maglinis ng bahay ng mga basura! Nag-iinat akong tumayo at dumiretso sa kusina para mag-luto. Ngayon ay four thirty pa lang ng umaga. This is the usual wake up time call ng mga domestic helper dito sa Hong Kong. Kailangan naming gumising nang maaga para magluto at maglinis. Ayaw ng mga chinese ang patamad-tamad at pabagal-bagal. Kaya't kung gusto mong mag-tagal sa trabahong ito, mag-tiis ka. Pinili mo 'to, eh. Pinili mo ang mabilisang pera keysa sa sarap ng buhay. Kaya 'wag mo nang indahin ang pagkawala ng beauty mo dahil sa bonggang mga eyebags mo. Nag-simula na akong mag-luto. Puro mga processed food ang laman ng refrigerator ni Sir kaya't itlog, hotdog at bacon lang ang niluto ko. Sinamahan ko na lang ito ng toasted bread. Noong natapos na ako ay sakto namang labas ni Sir mula sa kanyang kwarto. The moment I landed my gaze on him, I swallowed. Hard. How-- what the? Jusko! May favorite nga talaga si Lord! Bakit ang gwapo gwapo niya pa rin kahit parang dinaanan ng malalang bagyo ang buhok niya? Bakit ang sarap niya pa ring tignan kahit nakasuot lang siya ng plain white t-shirt at mickey mouse printed pajama?! Most especially, bakit nag-iinit ang mukha ko?! Dahil ba 'to sa... nademonyuka, Avery! Inalis ko ang aking tingin doon sa ibabang bahagi ng katawan ni Sir. Nanlalaki ang mga mata, pinaypayan ko ang aking sarili habang humihinga nang malalim. Jusko! Mukhang araw-araw akong mag-kakasala sa bahay na ito! "Good morning." Came by Sir's husky morning voice. He looked around with his sleepy eyes. Sa sobrang singkit niya ay parang nakapikit siya. "You did great. Ang linis na ng bahay ko." He mumbled. Still smiling, he walked towards me then sat to the table. "Thank you." Bumalik muli sa parang walang emosyon ang kanyang mukha. I fake a cough, the memory of his toot toot was still burning on my pervert mind. "S-Sabi ko naman sa 'yo, Sir, eh. Magaling akong maglinis. Akong bahala sa bahay mo." I flashed him an okay hand sign and he just nodded while smiling for a second. Kumuha na siya ng pagkain. He started digging on it like a kid. I prevented myself from smiling. Ang cute niya kasi, mukha siyang bata. Iyong tipong mabait at masunuring bata na hindi na kailangan pang pilitin ng magulang para kumain. If you are to ask me what's the best words to describe him, it would probably be baby boy and pretty boy. Baby boy kasi jusko, mukha siyang inosente. Iyong walang alam sa mundo. Iyong uto-uto. Iyong tipong ang sarap pisilin ng pisngi. Iyong kapag inasar mo, hindi lalaban. Iyong parang walang kakayahang magalit. At pretty boy naman kasi walangya, pagkagwapo-gwapo naman kasi niya. Swear, magandang lalaki siya. Iyong tipong kapag nilagyan mo siya ng wig, makakalimutan mo ang beauty ni Liza Soberano! Dahil sa mukha niya, curious tuloy ako kung bakit nagkaroon siya ng-- ano nga uli iyon? Plopophobia? Pilinaphobia? Pilosophobia? Depunggal! Basta phobia na ma-inlove uli. Pero bakit kaya? Sobrang gwapo niya para masaktan sa love. Pero pagdating naman kasi sa love, walang gwapo-gwapo. Kung masasaktan ka, masasaktan ka. Walang exempted sa heartache. Baka first love niya 'yon? Pero ang lala naman ng nangyari sa kanya ngayon. May nalalaman pa siyang phobia. Gusto ko tuloy makita iyong babaeng naging dahilan kung bakit naging ganito siya ngayon. He darted a questioning gaze on me. "Ayaw mong kumain?" I blinked, "Po, Sir?" "Oh," he nodded as if he realized something. "Dito nga pala sa Hong Kong ay hindi kayo sumasabay sa pagkain ng amo niyo. Kung ano lang ang itira sa inyo, iyon lang ang kakainin niyo." He motioned me to sit, "Ibahin mo ako. Sabayan mo akong kumain. Ang awkward kayang kumain mag-isa knowing na may kasama ka sa bahay na nagugutom din." Dahil sa sinabi niya ay mabilis pa sa alas-kwatro akong umupo sa upuan. Kanina pa kasi kumakalam ang sikmura ko! I started digging into my food. Dahil patay gutom ako ay sa loob ng three minutes, naubos ko lahat ng pagkain. Sir was looking at me with his eyes dancing in amusement descreetly. Hindi pa rin siya tapos kumain. Mukha tuloy siyang batang ngumunguya habang pinapanood ang siraulo niyang kalaro. Naubo tuloy ako sa hiya! "S-Sir," I started, "want some coffee?" Trying to navigate the situation, I pray for his approval. He nodded while still munching like an innocent kid. He was still eyeing me as if I grew another head. Nagsimula na akong magtimpla ng kape habang hindi niya pa rin inaalis sa akin ang nakaka-intimidate niyang tingin. Ganito ba talaga siya?! Kasi kung ganito nga talaga siya, natatakot akong baka ma-fall talaga sa kanya ang mga babaeng titignan niya sa ganitong paraan! I placed the cup of coffee infront of him. Luckily, hindi na siya nakatingin sa akin. Naubos na rin niya ang kanyang pagkain. "Ilang taon ka na nga pala uli?" He said before he sipped to his coffee. "Twenty six years old po, Sir." I collected our plates. "Magkasing-edad lang po tayo, ano?" "No." He sat the cup of coffee above the table. "Ah, mas matanda po ako?" "Uh-uh." He shook his head like a kid. Pinaningkitan ko siya ng mata. "Ilang taon ka na ba?" I said before I sip on my coffee. "Thirty one." Naibuga ko sa kanya ang kape. Walangya! With widened innocent eyes, he raked his eyes on my face as if I am a mad lady. Jusko! Ang tanga-tanga mo talaga, Avery! Agad akong napatayo. Kinuha ko ang malinis na basahan na nakasabit sa handle ng refrigerator. I started to wipe the coffee off of his face and shirt. Tumawa lang naman siya habang sinasabing okay lang siya. Pero hindi ako nagpatinag, nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko! Bakit naman kasi siya nanggugulat? Totoo ba iyong sinabi niya? Siya? Thirthy-one-year-old? Ha? Hindi siya mukhang Tito! Pinaglololoko ba ako ng lalaking ito?! "Sir naman kasi, bakit ka nagbibiro ng ganoon." Napapangiwi kong sambit. "I am not joking." He sipped on his coffee again. "Thirty one years old na ako. At saka saan ka nakakita ng Doctor na hindi above thirty?" He chuckled for a moment. Nagpapasalamat akong hindi siya galit! "Do I have to present my birth certificate to you?" "Ay, hindi na po. Naniniwala na ako!" Nagkamot ako sa aking ulo. "Bakit kasi mukha kang bata?!" "Bakit parang kasalanan ko pa?" His laugh grew boyishly. This is the first time I heard his laugh. Nagpatuloy na lang ako sa pag-ngiwi at pagkamot sa ulo hanggang sa magpaalam na siya sa akin. Dumiretso siya sa banyo para maligo. Nanlalagkit na siguro doon sa kapeng naibuga ko sa mukha niya. Habang nagliligpit ng pinggan, pinagsasampal ko ang sarili ko. Ang tanga-tanga ko talaga kahit kailan! A few minutes later, true to his words, Doctor nga siya. With him wearing a sky blue long sleeves and khaki fitted pants, he showed me his white Doctor's coat. Nakalagay ang pangalan niya doon sa kanang bahagi. He told me that he is a neurosurgeon. I smiled, that was actually my plan before. Gusto kong maging neurosurgeon pero dahil kapos sa pera, nilimitahan ko ang pangarap ko sa pagiging nurse noong makatungtong na ako sa kolehiyo. Ganoon naman kasi sa buhay, hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo. Minsan talaga, kailangan mo lang buksan ang isipan mo sa mga bagay na hindi mo kayang abutin. Para sa huli, hindi masakit-- hindi ka magsisisi kasi una pa lang, natanggap mo na. ***  Napatalon kami ni Trista sa gulat nang biglang tumili nang pagkalakas-lakas ang baklang si Ynez. Na-ikwento ko kasi sa kanila ang mga nangyari sa akin noong gabing habulin ako ng mga pulis na mukhang penguin. Siyempre, sans the part where I kissed Sir and my job as his fake girlfriend. Ayokong magmukhang cheap, 'no! Ngayon, ang dahilan kung bakit tumitili itong baklang ito ay dahil sa bumungad na picture ni Sir Diyes sa kanyang i********:. "Ang gwapo naman nito, bakla! Ang sherep!"  Noong nag-scroll siya ay mas lalong lumakas ang kanyang pagtili. Gusto ko nang ipalunok sa kanya iyong cell phone para matigil na siya sa walang hiyang pagtili niya! "Bakla! Jackpot ka, ah!" Akmang hahampasin niya ako pero mabilis akong nakailag. "Ito talaga ang Sana All ng taon, jusko! Bongga ka dito bakla," hinila niya nang pabiro ang buhok ko, "magpalit na tayo ng amo!" Trista being Trista, she pulled Ynez's hair with all her force. "Ang hilig niyo sa gwapo. Puta, kung ako sa inyo, itigil niyo na 'yang kahibangang 'yan. Iiwan at lolokohin lang kayo ng ganiyang mga mukha." Bitter ang loka. Noong umuwi kasi siya sa Pinas last year ay nalaman niyang may ibang binabahay iyong gwapo niyang asawa. Kaya heto ngayon, bitter-bitteran ang lola niyo. "Panira ka talaga ng momentum." Inayos ni Ynez ang kanyang buhok. Mabilis pa sa alas-kwatro ang ginawa niyang pag-recover sa pagsabunot sa kanya ni Trista. Tumingin siyang muli sa kanyang cell phone. This time, halatang halata na ang pagnanasa sa kanyang depunggal na mga mata. "Pero seryoso ba bakla, thirty one na 'to?" She tilted her head. "Jusko, mukhang siyang tinedyer! Hindi siya mukha daddeh!" I chuckle. "I told you. Hindi nga rin ako makapaniwala noong una, eh." Ngayon ay nandito kami sa central. Katatapos lang naming bumili ng panghapunan ng kanya-kanya naming amo. Ito ang minsan naming ginagawa araw-araw. Sabay-sabay kaming bumibili ng panghapunan. Ang baklang si Ynez ay single na mayamang negosyante ang amo. Ang amo naman ni Trista ay mahaderang balo na may isang spoiled brat na anak. Napakamaldita noong alaga niya. Mana sa nanay. Mabuti na nga lang at laging nasa school iyon kung hindi ay namatay na sa sama ng loob si Trista. Bago pa mag-gabi ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Dahil malapit lang iyong bahay na tinutuluyan ni Sir Diyes sa central, wala pang ilang minuto ay nakauwi na ako. Agad na akong nagluto. Baka kasi dumating na si Sir. Gusto kong magpasigla sa kanya para taasan niya ang sahod ko! Simple lang ang niluto ko. Dahil Pinoy naman si Sir ay Filipino food ang inabala kong lutuin. Adobo at lumpiang gulay. As I put our plates on the table, I made a mental note to ask him about his preferred food when he came home. Naupo na ako sa sofa para maghintay. Nanghintay lang ako nang naghintay. 6:43 PM Nang naghintay. 7: 52 PM Nang naghintay pa rin. 8: 49 PM Hintay lang nang hintay. 9:26 PM Nang naghintay uli. 10:15 PM Hintay lang hanggang sa mamatay. 11:28 PM Leche! Naghihintay pa rin ako! Inugat na ako dito, hinayupak! 12:06 PM Uuwi pa ba si Sir? Pero naghintay pa rin ako... 1:36 PM Hanggang sa bumigat na ang talukap ng mga mata ko. Namalayan ko na lang na nahihimbing na ako sa pagtulog. *** Nagising ako nang marinig ang malakas na pagbukas ng pinto. Umuwi na ba si Sir? Jusko, anong oras na ba?! Kinuha ko ang aking cell phone at nakitang alas-kwatro na pala ng umaga! Saan ba nagpupunta 'to si Sir at late na kung umuwi? Jusko! Tumayo ako para maglakad patungo sa front door. "Sir?" With bare foot, I felt the coldness of the white tiles. Walang sumagot. Walang tunog akong narinig ni isa. "Luh? Minumulto ba ako?" Mabilis na lang akong nagtungo sa pintuan. Madilim ang paligid kaya't ang inuna ko ay ang buksan ang ilaw ng front door. Right after the lights came out, natigilan ako sa bumungad sa akin. It was Sir Diyes. He was lying with his tummy facing the cold floor. Jusko! Patay na ba siya? I mentally slap myself. Patay agad? Hindi pwedeng nahimatay lang?! "Sir!" Napatili ako. Agad akong napatakbo patungo sa kanya na ngayon ay wala pa ring malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD