"Naging kami lang naman noong wala na sila, pero hindi ko alam kung anong nangyari. Kung nagkabalikan ba sila o ano, pero kasi, Tita... nandito 'yung girlfriend niya." "Girl, sana pinaglaban mo 'di ba? Sana sinabunutan mo 'yung babae. Sinampal mo sana at nilunod diyan sa isla," tila nanggagalaiti niyang pahayag dahilan nang pagtawa ko, kasunod nito ay ang muling pagtulo ng luha ko. "Why would I, Tita Ruby? It's Lauren, my f*cking lil sister." "What the f*ck?" Iyon ang naging huling usapan namin ni Tita Ruby dahil tuluyan na akong inanod ng alak. Dalawang beses na akong nagising na masakit ang ulo at ewan ko ba kung bakit nagigising pa ako. Mabuti nga at dala ng kalasingan kagabi ay walang kahirap-hirap na nakatulog ako kaagad. Iyon nga lang ay hindi ko maalala kung paano ako nakarating

