Tatlong araw na ang nakalipas simula ng makarating si Aliyah sa apartment. Iyon din ang huling gabi’ng nakausap ko siya ng maayos. Sa loob din ng nakalipas na araw ay nakapag-padala na rin si Tita Tess ng bagong higaan tulad ng ni-request ko. Biyernes ng hapon ngayon at pauwi ako sa apartment upang kunin ang mga inayos kong gamit na iuuwi ko sa bahay. It is the time of the week again, babalik na naman ako sa normal at boring na mundo sa bahay namin. Pagdating sa kwarto’y inabutan ko roon si Aliyah. Nasa study table siya at ilang mga gamit ang maayos na nakapatong-patong sa harapan niya. Marahil ay gumagawa ng assignments. Hindi ko napigilang mapatitig sa kanya. She’s been this busy person ever since. Napansin ko sa kanya, hindi siya nawawalan ng ginagawa. It also became impossible for

