Matapos namin kumain ng hapunan, agad na binuksan ni Cleo ang mga bote ng alak na nabili namin kanina. Unlike the last time, Cleo handed each of us a bottle of liquor. Sa ganoong paraan ay magkakaroon kami ng kontrol sa dami ng gusto lamang namin na makonsumo. Bilang sa sampung daliri ko ang pagkakataong nakipag partisipa si Aliyah sa mga topic na inihahain ni Cleo. Sa isip ko naman ay baka dahil na rin sa kawalan nito ng boses. Though, every now and then I see her nod whenever Cleo or Ivy shares something. Alas-dyis na ng gabi nang matapos kami at nagdesisyong bumalik na sa kanya-kanyang mga kwarto. Hindi naman ganon karami ang ininom namin. Mahirap na at baka may magwala sa amin. Hindi ko sinasabing si Cleo iyon ha? Jk. At isa pa, hindi ko naman gustong maulit muli ang huling beses n

