“A-ano?” naguguluhang sabi ko. Para siyang bumulong dahil sa hina ng boses nito. “You really like trouble, sabi ko...” “Pwede paki-ulit?” ani ko at saka inilapit ang sarili sa kanya sa pag-asang maiintidihan siya sa pagkakataong ito. “W-wala. Mauuna nako,” aniya. Hindi ko pa rin naintindihan. Hindi ko alam kung bingi ako pero nahihiya ako dahil hindi ko makuha ang sinasabi niya. Pagka-uwi sa boarding, ang paglilinis ng tainga ang unang-una ko’ng gagawin. Maya-maya’y tumayo na siya kaya ganun na rin ang ginawa ko. Nagpagpag pa ako ng skirt bago muling mag-angat ng tingin sa kanya. To my surprise naglakad na siya palayo. Napaisip naman ako kung nagpaalam ba siya at hindi ko lang narinig dahil sa boses niya. Ilang sandali pa, narinig ko naman ang boses ng dalawa kong kaibigan. Pasan-pas

