Chapter 9

3098 Words
“Hoy sinong bwisit?” Dinig ko ang boses ni Cleo sa labas ng banyo. Halatang-halata sa tono nito ang pagtataka sa tono at ikinilos ko kanina lang. Ipinagsa-walang kibo ko na lamang iyon at saka nagpatuloy sa paglilinis ng katawan. Sandali lang ako natapos sa paliligo. Tinungo ko agad ang kusina at inabutan ko roon si Ivy. Marahil ay kararating niya lang din dahil hindi pa siya nakakapag palit ng uniporme. Maya-maya pa ay napansin niya siguro ang presensya ko sa lugar kaya malambing niya akong binati. “Wow naman, fresh na si Chen,” aniya habang inilalabas yung kung ano man yung nasa loob ng plastic. May tatak pa iyon ng convenience store kaya naisip ko naman na baka namili siya ng pagkain bago umuwi. Tatanungin ko sana kung ano ang mga iyon ngunit nauna nang nagsalita si Cleo. “Uyy, luncheon meat. Sinong nakatokang magluluto ngayon?” “Oo nga pala. Ako na ang susunod ngayong gabi. Akin na para makapag dinner tayo ng maaga,” baling ko at saka inabot ang hawak ni Cleo. Sumunod naman si Cleo at nagsaing na rin. Tatlong gatang lang sana ang ilalagay niya sa kaldero. Mabuti na lang at napuna siya agad ni Ivy at pinaalalahanang may bago kaming kasama. Dahil dito ay hindi naiwasan ni Ivy na mapatanong sa bagong makakasama. Tulad ko ay naku-curious ako kung sino nga ba siya. Kasabay ng pagtataka ko ay napasilip na rin ako sa orasan. Mag-a-alas-syete na ng gabi. Sa isip-isip ko, may isa’t-kalahating oras na lamang siya bago pa maabutan ng curfew sa labas. Maya-maya pa’y natigilan ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pintuan namin. Sandali kaming natigil sa kanya-kanyang ginagawa at nagka-titigan pa. Lahat kaming tatlo ay napaayos ng postura sa biglaang katok na iyon. I don’t know but I am expecting someone behind the door. Siya na kaya iyon? “Girls? May kukuha ng basura bukas. Makibaba na yung mga garbage bag niyo,” bungad ni Tita Tess sa amin. Hindi pa man kami nakakaimik ay nagdire-diretso na siya rito sa kusina. Malapad ang ngiti niya. Ilang sandali pa ay sinilip niya ‘yong binubuksan kong de lata. Tumango-tango pa siya nang mapagtantong iyon na nga ang ulam namin ngayong gabi. “Tita wala pa yung bagong boardmate namin, mag se-seven na po. Baka pagsarhan mo ng Gate nako Tita bad yun!” ani Cleo out of nowhere. “Kaya nga Tita! Bahala ka di namin ilalabas yung basura namin pag sinaraduhan mo,” gatong naman ni Ivy. Hinayaan ko na sila sa topic na iyon. Binalik ko ulit ang atensyon ko sa lata. Nang tuluyang mabukas iyon ay hiniwa-hiwa ko agad sa katamtamang laki. Inihanda ko na rin ang kawali’ng gagamitin ko pati na rin ang mantika. “Oo nga pala, nagpaalam siya kanina sa akin na uuwi muna at may kukunin pa raw na gamit. Hindi ka ba sinabihan Cleo?” nagtatakang tanong ni Tita. Bigla namang ilang na tumawa si Cleo sa sinabi ng nakakatanda. Aniya, “Baka sinabi niya Tita pero hindi ko narinig. Bumubulong kasi siya mula kanina. Hindi ko rin nalaman pangalan niya.” Dahil sa sinabi ni Cleo ay natawa na lang din si Tita. Dugtong niya, “Pansin ko nga mahina ang boses. Pero para alam niyo na rin, Aliyah ang pangalan.” May kung ano naman sa pangalan na iyon na animo’y pamilyar sa pandinig ko. I know I heard it somewhere. Wala lang akong ideya kung saan. “Aliyah po?” bigla kong natanong. “Oo baka pamilyar sa iyo nak ko. STEM din siya,” baling ni Tita sa akin. Her eyes look hopeful as she stared in me. Sinubukan ko naman’g alalahanin kung saan ko nga ba narinig ngunit nang matagalan ay umiling na lang ako bilang tugon. Gosh, hindi ko alam kung bakit ba hindi ako matandain ng pangalan. Siguro kung sa itsura medyo makakaalala ako, or no? Ay ewan. Muntik ko naman makalimutan na nagluluto nga pala ako. Sakto naman at umuusok na ang kawali. Alalay ang paglagay ko ng karne sa loob. Habang abala sa pagbabantay ay nagpaalam na rin si Tita sa amin. Ilang kwarto pa kasi ang aabisuhan niya para sa koksyon bukas. Right after cooking, we prepared the table for our dinner. Gaya ng nakagawian ay sabay-sabay kaming kumain at nagkwentuhan. Sandali lang at natapos na rin kami dahil may mga assignment na tatapusin ang dalawa. Dalawang oras na rin ang lumipas matapos ang hapunan. Nakaupo ako ngayon sa harapan ng kompyuter ko at kalmadong nakikinig ng music. Nagbbrowse lang ako sa ibat-ibang sites. Somehow, I feel like I’m waiting for something ngunit hindi naman dumadating. Or maybe I am waiting for an update? I don’t know. Alas-nueve na ng gabi at wala akong maisip na gawin. Gusto ko man humiga ay naiinip naman ako at hindi pa rin naman ako inaantok sa mga oras na to. Noon ko naisip na bisitahin ang site kung saan nagsusulat ang paborito kong writer. Sa wari ko ay liliban siya ngayong gabi. Wrong timing dahil kung sakaling nagpost siya ngayon, at least may mapagkakaabalaan ako. I was left with no choice but to sleep early. Bago magtungo sa higaan, ni-set ko muna ang alarm ko ng 6am dahil medyo maaga ang pasok ko kinabukasan. Inayos ko rin ‘yong night lamp sa gilid ng higaan ko at nagpasyang magpahinga na. Kinabukasan, matapos maglinis ng sarili ay nagpunta agad ako sa kusina. It’s my turn to prepare our breakfast since ako naman ang maaga ang pasok ngayon. Ganon na kasi ang naging usapan namin ng mga kasama. Kung sino ang maagang papasok, siya ang magpe-prepare para hindi magastos sa Gas. It was actually Ivy’s idea. Hindi raw kasi ideal ang patingi-tinging bukas ng stove dahil magastos sa gas at baka madali kaming maubusan. Well for me, it’s not a big deal since may sumasagot naman ng mga expenses ko at sa tingin ko ay ganon din naman sila. But still, I think it’s good to have someone who knows a lot about saving stuffs and others. Afford man namin, it’s kind of eco-friendly lang I guess? Lalo na’t these days, we really need to conserve energy and resources. Inilabas ko sa fridge ang ham at bacon. Hinayaan ko muna’ng lumambot yon bago isinalang sa kawali. It didn’t take long until I finished preparing, I even cooked rice for the three of us. After that, I went straight to the bathroom. Maghahanda na ako para pagkagising nila ay makakain kami at papasok na lang ako. Nasa kalagitnaan ako ng pagsa-shower nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto ng kwarto. Hindi kaya sila Cleo iyon? Baka gising na sila since kanina pa ako naghahanda. Alas-siyete na siguro? Makaraan ang ilang minuto, narinig ko muli ang pagtunog ng pinto. This time, pasara na ito. Lumabas ako sa banyo ng nakatapis. Sinipat ko pa ‘yong uniporme kong naka-hanger sa handle ng closet. Mabuti na lang at by batch ako kung magplantsa kundi, baka maabutan ako ng mga kasama ko at masilip ako sa pinto na ganito lamang ang suot. Although it’s not that big deal, I’ve seen them rolled in towel but I just don’t feel right when it’s me who does the same thing. Parang hindi ko bagay pero pag sa iba ko nakikita ayos lang. Maya-maya pa’y natigil ako sa iniisip dahil sa tinig ng kasama. It was Cleo. “Sexy naman ng turon na yan!” “Nag tapis din ako pero di ako ganyan ka-hot,” dagdag ni Ivy na may bungisngis pa sa pagitan ng mga salita nito. Napa rolyo na lang ako ng mata dahil sa maagang bungad ng dalawa. Sinundan nila iyon ng tawa. I wasn’t even dressed at the moment. Parang sinasabi ko pa lang kanina tapos eto ako ngayon. Jokes on me huh? “Oh? May bag dito? Sayo to?” saad ni Cleo habang tinuturo ‘yong bag nga na nakapatong sa study table. “W-wait? Hindi sa akin yan. Does it mean...” “Ahh baka yung bago? A-Aliyah ba?” ani Cleo na halata ang pagtataka sa tono. “Na-meet mo na? Nasaan siya? Nasa banyo?” sunod-sunod na tanong ni Ivy. “Kalalabas ko lang ng banyo. Wala ba kayong inabutan sa sala?” tugon ko pabalik imbis na sagutin ang mga tanong niya. Sabay naman umiling ang dalawa. “Baka pumasok na? Pero grabe naman hindi muna nagpakita sa atin,” mahinhing baling ni Ivy at saka dumantay sa gilid ng pinto. Narinig ko na lang din ang mahinang tugon ni Cleo ng “Baka”. Noon din marahan akong tumalikod papunta sa kabilang side ng mga cabinet para kumuha ng undergarments. Kasunod noon, binalikan ko ang uniporme ko na naudlot kong kunin kanina. Nagpaalam na rin sila at sinabi kong susunod ako sa kusina matapos ko’ng magbihis. Hindi nagtagal at nasa kusina na rin ako. Sabay-sabay kaming nag agahan at may malimit din na kwentuhan sa hapag. It took me 20 minutes before I finished my meal. I went to the sink to brush my teeth. Afterwards, I bid goodbye to them. Mabilis na dumaan ang oras at lunchbreak na namin. Kasama ko ngayon sina Jeneselle at Britney at nasa Food Court kami. Marami-rami rin ang namimili kaya hindi kami makasingit. Mabuti na lang at alas-dos pa lang ang sunod na klase namin. May dalawang oras pa kami para makapag recharge ng katawan. “Akin na ang pera mo, ako na ang bibili. Humanap na kayo ng mauupuan,” ani Jeneselle. Sa itsura niya ay parang handa na itong sumabak sa matinding tulakan. Hindi kalakihan si Jen kaya sa isip ko naman ay madali siyang makakasingit. “Ako na bibili ng mga inumin, ikaw na maghanap ng uupuan. Gamitin mo charm mo para pagbigyan ka ng upuan nung mga lalaki roon sa bandang sulok,” direkta naman ni Britney. Hindi pa man ako nakakatango ay umalis na agad ang dalaga. Mabilis ang lakad niya papunta sa direskyon ng vending machines. Ilang sandali lang ay hindi ko na matanaw ang parehong babae kaya naman tulad ng instruction ay naghanap na nga ako ng mauupuan namin. Di pa ako nakakalayo, laking gulat ko ng may makabanggaan. Nakarinig din ako ng malakas na reaksiyon sa paligid. The next thing I knew, I’m soaking wet and everything feels sticky. “Oops, I’m so sorry!” tinig noong babae. Naiwan akong tulala sa pwesto ko. Dama ko na rin ang tinginan ng mga tao sa paligid namin. Nagbu-bulungan na rin ang iba. “I’m really sorry. I didn’t mean to...” hindi ko na narinig ang ibang sinabi niya. Her voice is kinda familiar though. “De’ okay lang. Malapit lang naman ako sa apartment...” Maya-maya pa, nakaramdam ako ng ilang mga kamay at tela na sumasagi sa magkabilang braso ko. I don’t know these people but they kindly dried me up. Noon lang din ako nag-taas ng tingin at bumungad na nga sa akin ang itsura ng babaeng kahapon ko lang nakita. “Samahan na kita sa apartment, I’ll fix your face,” her tone sounds like a mock to me. I can confirm it because she’s smiling at me. No, it’s kind of a smirk actually. Sinong normal ang ngingiti habang nagso-sorry? Just by the looks on her, she doesn’t seem to be normal. Ilang sandali lang ay lumapit siya at saka bumulong. Aniya, “Sorry talaga, you’re wet and sticky now. Nabura ko ata make up mo. Maganda ka pa rin naman, just don’t look around, maraming nakatingin sayo... Chen.” I assume, she really mean to say my name in a way that as if she really knows me. Instantly, I felt a sudden rush inside. Hindi ko ma-explain ang pagkulo ng dugo ko. I know that the anger wasn’t there a few minutes ago. To be honest, okay lang sana dahil pwede naman ako umuwi ng boarding at magpalit. But the moment I saw this person. Parang lahat ng gagawin niya, kesyo mabuti ay hindi kanais-nais para sa akin. Before I could even react furiously, thank goodness I managed to calm down. Walang magandang idudulot ang inis ko sa sitwasyon. Nagbilang ako hanggang sampu bago nagsalita. Iisipin ko na lang kangkong to kahit ininsulto niya ako. “Don’t Chen me. We’re not even that close,” I said blankly before walking away from the scene. My head’s up, not even bothered by the fact that I’m soaking wet and sticky. Juice lang to, ako si Christienne. May mga iilang studyante ang nag-alok ng panyo sa akin ngunit nginitian ko na lang sila. In-expect ko naman na huhupa na ang bilang ng mga estudaynte. Hindi ko akalain na ganoon karami ang atensyon na naagaw namin. Sakto naman at sinalubong ako ng dalawa ko pang kaibigan. Hawak-hawak nila yung mga pinamili nila. Sunod-sunod na tanong ang natanggap ko sa kanila pero hindi ko na iyon pinansin. Ilang sandali pa, hindi ko napansin na narito na rin pala si Ivy sa kinatatayuan namin. Wala akong ideya kung pano siyang nandito pero lunch break nga pala at normal lang na nasa food court siya para kumain. Ang hina ko naman. Sabay nang nagtanong yung tatlo kung ayos lang ba ako. Sinabi ko na lang na uuwi ako ng boarding para magpalit at kung gusto nilang sumama sa akin ay pwede naman. Sumang-ayon naman sila. Bago pa kami makalabas ng foodcourt, narinig namin ang sigaw noong Faye. Hindi lang ako, ngunit halos lahat ay nakuha ang atensyong hinihingi niya. Aniya, “Ganyan pala ugali mo Ms. Dancing Machine. You think cool ka? Think again!” Napataas ako ng kilay sa drama ng babaeng to. Really? She’s gone nuts over this? Drama queen? “You don’t own the title na “campus babe”!” Not to all of us! Look I already apologized. Hindi ko naman sinasadyang tapunan ka.” I don’t know but I felt the need to laugh at the sound of her accusation. “Look! Now she’s laughing?” “Okay ka lang?” I said between laughs. I continued, “You mocked me first and now you’re accusing me? Insikyora ka? Naabala mo na nga ako and yet you’re the one to be cocky pa?” Umismid lang siya sa akin. Tatalikod na sana ako sa pag-aakalang hindi na siya sasagot ngunit nagkamali ako. Baling niya, “Angelic face pero arogante naman pala.” “Oh well sorry to burst your bubbles. This angelic face tricked you...” I was stopped halfway when someone intervened. “We’re very sorry for the inconvenience. May problema lang kaibigan ko. Maybe that’s why she acted like that. Mauuna na kami,” Her voice was gentle, yet authoritative in her own way. May kung ano naman sa senaryong iyon at nakaramdam ako ng kakaiba sa babaeng nagsalita. She kinda looks familiar... she even sounds familiar. Hindi lang ako sigurado kung saan? Maya-maya pa narinig kong magsalita si Britney. Nawala sa isip ko na may kasama pa nga pala ako. Pinanood kong maglakad palayo ‘yong babae kasama noong Faye. Naiwan naman akong nakatayo sa pwesto ko. The juice of who knows what flavor it was is still dripping off me. “Hindi ba siya rin yung nasa Bar?” “Hindi kaya siya yung hinihintay ni Faye sa boarding kahapon?” singit ni Ivy na ikinaluwa naman ng mata ko. “May bago kayong ka-boarding? Hindi ata nabanggit ni Chen sa amin yan,” Hindi nga kaya siya ang bago naming ka-boarding? Pero pwede rin naman’g hindi? Who the hell knows how many friends does that Faye have? All I know really is the fact that she’s a b*tch. Nagdaan ang lunch break. Nakapagpalit na rin ako ng damit. Swerte na ring nakakain pa at saktong nakarating sa room bago pa mauna ang teacher namin. Naging usap-usapan din sa buong department ang alitan kanina. May iilang mga estudyante ang sinasamaan ako ng tingin. Ano naman kung hindi ko na-reach ang ideal “Chen” nila? I stood up for myself. I felt the need because I couldn’t take that bi*tch’s insult. Sa kabilang banda, may mga estudyante rin namang kinantyawan ako dahil sa earlier scene. Animo’y napaka-wholesome na bagay noon. Huling subject na namin. Ilang minuto na lang at matatapos na rin ang klase. Nilalabanan ko ang antok na kanina pa nakikipag one-on-one sa akin. Kung bakit ba naman kasi napakatamlay ng boses ng teacher namin. Nakuha kong ilibot ang mga mata ko at tulad ng inaasahan, karamihan sa mga kaklase ko ay natutulog na. I secretly peeked on my phone to see how much more time will it take before this subject ends. Thankfully, may sampung minuto pa. Hindi pa man pumapatak sa ala-singko, nagpaalam na ang teacher namin na naging dahilan naman ng pagpalakpak ng mga tenga ko. Mabilis akong tumayo sa upuan at hindi na nagawang magpaalam sa natutulog kong mga kaibigan. As soon as I reached the door, nakaramdam ako muli ng malakas ng impact mula sa kung ano o sino man iyon. Natagpuan ko na lang sarili ko sa lapag. Ganoon din yung babae. Nang mahagip ng tingin, napansin ko ang paulit-ulit na paghagod nito sa noo niya habang nakapikit ang isang mata. Goodness! Ano bang meron sa araw na ito at panay akong nabubunggo? O ako ang nangbu-bunggo? Ay Ewan! Sinubukan kong mag-ayos ng sarili. Marahan akong lumuhod at saka nilapitan ‘yong babae na nakayuko at tila may hinahanap. “Sorry, hindi ko napansin yung dumadaan...” ani ko. Aktong iaabot ko pa lang sana ang kamay ko ngunit muli akong ginulat ng panibagong impact sa gawing kanan ng mukha ko. Our heads bumped again for the second time. This time, dalawa na kaming nangangamot ng mukha. Nang maka-recover, marahang nagtaas ng ulo ang babae sa harapan ko. The moment I saw her face, my jaw dropped at the sight of her. “You really like trouble no?” aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD