Agad din akong iniwan ng dalawa matapos iyon. Tulad ng paalam, sinimulan ko ng pakinggan yung mga natitirang music sa playlist na binigay ni Keith. Karamihan sa kanila upbeat. Nagno-note naman ako sa journal sa tuwing nakakaisip ng idea na pwedeng i-accompany sa kanta. Hindi ko alam kung normal lang yung tipong pati music at dancing nire-review pa. Well, different ways, different kinds of people hindi nga ba?
Hindi nagtagal at natapos ko na rin lahat. Niligpit ko muna yung iilang mga gamit sa mesa ko. Nang mayari, aktong tatayo na sana ako ng marinig ko naman ang cellphone ko dahil may nag notif. Pinasadahan ko ng tingin iyon. Bibitawan ko na sana yung device kaso nahagip ng mata ko yung una't huling letter sa notification bar. Nakalagay doon na nag-update pala yung favorite writer ko.
Sa excitement ko, nasagi ko yung ibang mga gamit nang subukan kong imekaniko yung computer ko papunta sa isang website. Nakuha ko pang mapukpok ang knuckles ko sa drawer dahil sa pag a-up and down niya. I tend to get too clumsy whenever Uthceare posts something. Parang automatic na nag re-react ang katawan ko para makakuha ng words galing sa kanya. Hays! Kung bakit ba naman kasi napaka galing nung Uthceare na yun? Kung bakit ba kasi may ganoong koneksyon akong nararamdaman sa mga gawa niya? Kapag talaga nalaman ko kung sino siya, kahit picture lang ng anino niya goods na goods na'ko. Hindi naman halatang adik ako no?
Ilang sandali pa, bumalandra sa harapan ko ang tula ng nasabing writer. Kasabay noon ang animo'y pagbilis ng t***k ng puso ko na siyang madalas na epekto ng tula niya. Hindi pa man ako nagsisimula, pakiramdam ko nagtataasan na ang bawat dulo ng mga balahibo ko. Sa sandaling simulan ko ang pagbabasa, animo'y unti-unti akong hinigop sa kawalan. Tanging presensya ng aparato sa harapan ko ang nagpapaalala sa akin na may natitirang liwanag sa lugar.
I prayed last night
not to wake up this morning;
Underneath the fur not peeking
-My eyes were eternal
A summer storm
I prayed in search of peace
Big as I seem;
small I appear'
I'm fine
But I hate it here
-Uthceare
"So you're sad tonight huh?" bigkas ko sa sarili. It is a short piece from her but I felt every bit of emotion there. Kusa namang gumalaw ang kamay ko para abutin ang lapis sa lagayan ko. I jot down some thoughts I created after reading those words. I know, there's no way I can conversate with Uthceare but for me, it is a simple reminder for me that we have a small interaction. Even if it means na sa sariling mundo ko lang counted ang thought na iyon.
Napaayos naman ako sa kinauupuan nang muli kong marinig ang tinig ng ka-boardmate ko. Muntik ko nang nakalimutang susunod nga pala ako. Guess whose fault is this?
"Sis di baleng manlamig ang jowa wag lang lumalamig ang pagkain," Cleo said partly annoyed.
Marahan akong tumayo sa pwesto ko at dali-daling sinundan si Cleo papunta sa kusina. Nang makarating kami sa hapag ay inabutan ko roon ang ilang putahe ng pagkain na inihanda ni Cleo. Maya-maya’y animo’y may sinisipat pang iba ang mga mata ko at doon na nga sumalubong ang nagyeyelo pang alak. Hindi nga nagbibiro ang kasama ko tungkol sa inuming sinabi niya kanina.
“Dali na! Napakabagal mo naman kasi, mabuti na lang ininit ulit ni Ivy yung sabaw!” ani Cleo na ngayon ay nakaupo na sa tapat ng hapag.
“Hayaan mo na, mukhang importante talaga ‘yong ginagawa ni Chen kanina. Osiya na, pray tayo,” baling ni Ivy.
“Ano nga bang ginagawa mo Chen?” dugtong ni Cleo.
“Wala yun, yung favorite kong writer. May bago kasi siyang update, ayun binasa ko,” interesado kong tugon. Mabilis na sinundan iyon ng tanong ni Cleo. Sambit niya, “Oh? Yung ‘Uth-care’ ba yun? Yung nakukwento mo nung minsan? Ano nga kasing genre?”
“Uthceare... hmm mga proses ganyan pero madalas mga tula,” saad ko sa kanya na sinuklian naman niya ng kumbinsidong tango.
Matapos noon ay nabalot ng katahimikan ang buong kusina. Pinangunahan ni Ivy ang dasal at tahimik naming dinaluhan iyon.
Sa tuwing nag-aalay ng panalangin sai Ivy, hindi ko maiwasang makaramdam ng goosebumps. Sa tingin ko ay dahil iyon sa way ng pagde-deliver niya. I get that a lot when these type of prayers comes from those who can deeply deliver it. Yung bang tipong may pinaghuhugutan at taos-pusong sensiridad. Ah basta, meron kasing mga tipo ng tao na nagpe-pray na animo’y nagtutula para sa compliance. If you get what I mean? Basta ganon.
Hindi naman nagtagal at narinig namin ang pangwakas na bati ng kasama at noon din ay nagsimula na kami sa pagkain.
“Medyo nahiya ako sa part na may alak sa harap ko tapos ang taimtim ng dasal mo Ivy,” wika ni Cleo na matawa-tawa pa sa sitwasyon.
“Nalito ka siguro kung sino’ng sinasamba mo kanina no?” pang aasar ko na mabilis namang sinuway ni Ivy. Sinundan iyon ng malakas na tawa ni Cleo.
“Oy! Tama na yan, kumain na tayo. Hindi ako nag iinit ng pangat ha?” wika ni Ivy na siyang umani ng panibagong tawa kay Cleo. Ilang sandali pa ay nahawa rin si Ivy sa tawa ng isa pa naming kasama. Inalmahan ko ng tanong ang dalawa. Ani ko, “Anong pangat?”
Ngayon naman nagtinginan yung dalawa at saka nahinto sa pagsasaya dahil sa kawalan ko ng malay sa salitang nabanggit kanina. Napataas tuloy ako ng kilay dahil sa dalawa.
“Oo nga pala rich kid ka girl!” sambit ni Cleo habang tumatawa pa rin sa pagitan ng mga salita. Natigil lamang siya nang muli kong itanong ang tungkol doon. Aniyang muli, “Pangat! Minsan gulay, minsan pangat!”
“Ginugulo mo lang lalo utak niya Cleo! Pangat Chen as in pangatlong init!” pagka-klaripika ni Ivy kaya’t napatango naman ako sa bagong terminong natutunan ko.
Nagpatuloy kami sa pagkain ng hapunan. Ilang mga topics din ang napagkwentuhan namin. Halos kalahati ng usapan, si Cleo ang bumangka at nag ambag para ma-entertain kami habang kumakain. Nang makayari kami ay itinuloy namin ang bonding at inuman sa sala ngunit bago iyon, niligpit muna namin ang pinagkainan.
Kanya-kanyang toka kami ng gawain. Inunahan ko na ang pag huhugas ng pinggan habang ang dalawa naman ay nagtulong sa pagpupunas ng lamesa at pag lilipat ng mga baso sa sala. Kaunti lang naman ang hinugasan ko kaya hindi nagtagal ay nakasunod ako kung nasaan sila.
“Anong gusto niyo panoorin na movie?” sambit ni Ivy na ngayon ay minemekaniko ‘yong tv.
Tinungo ko ang upuan sa tabi ni Cleo at agad siyang sinaluhan doon. Hawak niya ngayon ang cellphone at tila may tinitipa roon. Habang busy yung dalawa ay agad kong sinerbisyuhan ang sarili ko ng inumin mula roon sa pitsel.
“Gusto niyo ba ng romance movie? O Horror?” dagdag ni Ivy na nasa harapan namin.
“Duhh! Horror syempre. Pang bata lang yung romance no!’” tugon ni Cleo na halata ang pandidiri sa ideya ng romance stories.
Ganon na lang at mabilis na idinerekta ni Ivy ang Panoorin. Maya-maya pa ay dumiretso siya sa tabi ng pinto at saka pinatay ang ilaw sa buong sala. Para tuloy kaming nanonood ng sine dahil sa awra ng paligid. Idagdag mo pa ang malamig na hampas ng hangin galing doon sa dalawang blower.
Ilang sandali ang lumipas at gaya ng nakagawian, sabay sa tawanan ang paglangot namin sa mga pagkaing nasa harapan. Abala naman si Cleo sa paglalagay ng inumin sa mga baso namin. Medyo nauubos na ang laman noon ngunit hindi namin alintana ang epekto nito. Baka dahil ladies drink iyong nabili ni Cleo?
Sa kalagitnaan ng palabas, naagaw ang aming pansin sa tinig ni Ivy. Aniya, “Nakalimutan kong sabihin kanina, pinapasabi nga pala ni Tita Tess na may bago tayong room-mate.”
“Oh? Mabuti yun para nadadagdagan ang family natin dito sa loob!” tugon naman ni Cleo bago tunggain ang baso’ng hawak nito. Sunod niyang nilagyan ang baso ko at pati na rin ang kaniya.
“Kaya nga, at saka magkakaroon kana ng kasama sa kwarto Chen,” aning muli ni Ivy.
Hindi ko alam ngunit sa sinabing iyon ni Ivy ay tila umilaw ang bumbilya sa ibabaw ng ulo ko. Isang magandang ideya iyon dahil sa wakas ay magkakaroon na ako ng kasama sa kwarto gaya nitong dalawa na nagse-share sa kabilang room nitong apartment. Napag isip-isip ko tuloy na maglinis ng kwarto kahit kaunti mamaya bago humiga para hindi ganong nakakahiya sa bagong boardmate namin.
“Ano raw ang pangalan? Senior High din ba?” kuryoso kong tanong. Matapos ii-straight ang baso ay sumagot itong si Ivy. Aniya, “Walang sinabi si Tita, pero bukas yata ang dating niya? Not sure.”
Tumango na lang ako roon bilang tugon. Nagpatuloy kami sa panonood at pagkukwentuhan. Wala akong ideya kung gano katagal na kami sa kinauupuan ngunit ang tanging alam ko na lang ay malapit nang maubos ang alak sa harap namin. As soon as the program ended, we decided to clean up before heading inside our rooms.
Hindi kami nagtagal sa paglilinis dahil tatlong baso lang naman ang nakahain. Iilang bag ng chips lang din ang nakonsumo namin kaya wala pang sampung minuto ay nagpaalam na kami sa isat-isa upang pumasok sa kwarto.
Gaya ng plano, sinimulan ko ang paglilinis sa study table ko. Nang mayari sa pagtatanggal ng mga hindi importanteng bagay ay sinunod ko ‘yong closet na nasa kabilang direksyon ng kinatatayuan ko. Wala akong sinayang na oras sa pagtutupi ng mga damit mula sa klosetang inokyupa ko. It’s time to use my own space since may gagamit na ng sobrang closet na iyon.
Sa pag aayos ko ng mga gamit, doon ko napagtanto kung gaano karaming damit ang meron ako na hindi pa nasusuot. Hindi ko tuloy alam kung saan ko ilalagay ang mga sobra lalo na’t kababalik ko pa lang dito galing sa bahay. Maybe I should give Ate a call tomorrow so she could pick these up for me. It wouldn’t be nice to leave the place messy especially my room-mate will be moving over tomorrow. Ayoko namang maging first impression sa akin ay dugyot at salahula. Nobody wants that.
Right after I finished working on my closet and other stuffs, I went straight to the bathroom to brush my teeth. Nang mayari ay tinungo kong muli ang kwarto at saka nag prepare na para magpahinga. Lumingon pa ako sandali sa orasan at noon ko napansing mag-aalas-onse na pala. Lumalalim ang gabi at kinakailangan ko ng magpahinga. Ganon na nga lang at hindi ko na namalayan ang pagpikit ng mga mata ko.
Kinaumagahan, sa pagmulat ko ng mata ay unang una kong inabot ang cellphone ko para tignan ang schedule ko sa araw na ito. Alas-nueve ng umaga ang unang klase ko. Tuloy-tuloy hanggang lunch break sa subject ng adviser namin. Wala pa man ay sumasakit na ang ulo ko dahil kauma-umaga'y pipigain ako. Niyugyog ko na lang ang ulo ko sa pag asang makalaya sa stress na dulot ng sched ko.
Alas-syete pa lang naman kaya may oras pa akong tumanga sa higaan. Tama, iyon nga ang mas magandang gawin bago ang lahat.
Di nagtagal at nakarinig ako ng sigaw mula sa labas. Si Cleo iyon. Masiglang sigaw niya, “Good morning mga sismars, nagluto akong scrambled egg. Kayo na bahala, papasok na ako. Have a very nice day!”
Sinundan iyon ng bati ni Ivy. Sisigaw pa sana ako para ibalik ang bati ngunit huli na dahil narinig ko ang pagsara ng pintuan mula sa labas. Dahil dito, nagpasya akong tumayo na sa higaan at saluhan si Ivy kung maaabutan ko pa siya roon.
As soon as I reached the door, Ivy greeted me. Ibinalik ko sa kanya ang tugon na sinuklian niya naman ng malapad na ngiti. After that, she invited me in the kitchen to eat our breakfast.
Nagpaalam ako na susunod agad. Aasikasuhin ko muan ang sarili sa banyo bago ang lahat.
Ganoon na nga ang nangyari, pagkapasok ko pa lang ay iniabot ko na agad ang toothbrush at saka sinimulan ang morning routine ko.
Pagkayari, nagtungo agad ako sa direskyon kung nasaan ang naiwan kong kasama. Matapos sipatin ay tumuloy ako kung saan naroroon ang cupboard.
Kumuha ako ng dalawang tasa at saka hinanda ang mga sangkap para magtimpla ng kape. Mabuti na lang at may nakahanda ng mainit na tubig sa heater. Sakto naman na nag lalabas ng bread pan at jam si Ivy. Nang mayari sa tinitimplang kape ay agad kong dinala iyon sa mesa namin. Kaliwaan ang alok namin ni Ivy sa kanya-kanyang dala.
Noon pa man ay ganito na ang nakagawian naming tatlo sa tuwing may pagkakataon kaming magkasabay-sabay sa pagkain. It’s like we’ve already made a bond of a family inside. I don’t know if this only works for me but at least, I feel that even these two girls knows the same bond I feel towards then. Para sa akin nga, mas pamilya pa sila kaysa sa totoong pamilyang inuuwian ko. Who knows why? I don’t wanna talk about it, that’s another story.
“Anong oras ang pasok mo today?” panimula ni Ivy.
“Alas-Nueve, ikaw ba?” maikling tugon ko.
Kinagatan ko yung tinapay matapos kong sumagot sa kasama. Hindi ko rin naiwasang mapaungol sa satisfaction na bigay noong sandwich. OA na kung pakinggan pero sarap na sarap talaga ako sa scrambled at kecthup na palaman. Pwede na ipantapat sa eggdesal ng fastfood chain.
Sunod akong sumimsim sa kape bilang panulak sa naunang putaheng natikman ko. Kamuntikan pa akong mapaso. Mabuti na lang hindi umiral ang pagkashunga kung hindi ay malamang wala na naman akong panlasa hanggang tanghali.
“Ala-una pa ako. Balak kong maglinis bago pumasok lalo na meron tayong bagong kasama. Sana maka-close natin siya,” wika ni Ivy.
Nalipat naman ang atensyon ko ng marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Sinilip ko ‘yong notification bar at nakita ko roon ang message mula sa GC ng section namin.
“Hmm... mukhang sabay tayo papasok Vy. Kakachat lang ng adviser namin. Tulungan na kitang maglinis,” saad ko rito.
Tumango naman siya bilang tugon bago sumimsim sa tasa niya.
May ilang minuto rin ang tinagal namin sa pag aagahan ngunit sa sandaling matapos ay nagsimula agad kaming magplano kung saan at alin ang tokang lilinisin. Nagkasundo kaming magsisimula sa mga kwarto, palabas ng kusina at sala.
Isang oras humigit ang lumipas bago ako nayari sa pag aayos ng natitirang kalat sa kwarto. Naabisuhan ko na rin si Ate para kolektahin ‘yong mga sobrang gamit ko rito sa apartment. Sinabihan niya naman akong susunduin ang mga iyon bago mag tanghali.
Nang mayari sa loob, lumabas ako upang simulan ang pag aayos sa kusina. I decided to remove all our stocks inside the cabinets. Masinsin kong sinipat ang bawat sulok para linisin at alisin ang mga natatagong dumi roon. Medyo nabilib pa ako sa kasipagan ko dahil kung sa bahay lang, wala akong balak gawin ang mga ginagawa ko ngayon dito. Maybe the sense of “pakikisama“ is in my head but I guess, it’s just that I find it comfortable living with this ladies kaya naman ginagawa ko pang mas komportable ang lugar.
“Ang bilis mo yata nayari sa kwarto Chen?” wika ni Ivy na ikinagulat ko.
Minsan yung pagiging tahimik ni Ivy ikisasakit ng puso ko lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Hindi ko namamalayan yung biglaan niyang mga entrada sa space kung nasaan ako. Para siyang multo o kung hindi naman, parang pusa. Napakatahimik ng mga galaw.
Hindi naman nalalayo kay Cleo, nakaka-bombard yung loudness niya as a person. Mabuti na lang wala akong sakit sa puso, o baka magkakaroon pa lang?
“Nakakagulat ka naman Ivy. Oo mabilis lang ako kasi naglinis na ko ng desk pati ng cabinet kagabi bago natulog,” tugon ko habang nakahawak pa rin sa dibdib.
Naputol naman ang usapan namin nang biglang may kumatok sa pintuan. Nagkatinginan pa kami ng kasama ko.
“Ako na ang sasagot,” saad ni Ivy. Sinundan ko naman siya.
Pagpihit niya pa lang ng doorknob, ine-expect ko na na ang bagong makakasama namin ang bubungad sa pinto. As Ivy fully opened the door swing, my eyes oppositely locked into this stranger’s eyes.
“Good Morning,” mataman na bati ng babae.
“Hi! Good morning din. Ikaw ba yung bagong boardmate namin?” tanong ni Ivy.