Lunes ng umaga at nagmamadali akong bumaba ng kwarto. Malamang sa mga oras na to, inip na inip na si Ate na naghihintay sa kotse niya. Di ko na nagawang mag agahan dahil late na akong nagising. Habang pababa ng hagdan, nakasalubong ko pa si Kuya Fritz na nag re-ready na rin papasok ng trabaho. Paglampas ko ng sala, nandoon naman si mama hawak hawak yung parang lunchbox at aktong inaabot sa akin.
"Kainin mo karating sa room o kaya habang nag ba-byahe. Bakit kasi katagal-tagal matulog ayan tuloy matagal din nagising?" sermon ni mama na hindi ko na pinansin.
"Good morning din Ma. Papasok na po kami, next week mo na lang ako sermunan," sagot ko rito.
Sa loob ng isang linggo ko rito sa bahay, pakiramdam ko ang bigat-bigat ng katawan ko. Walang oras na hindi cellphone at laptop ang hawak ko dahil ano bang magagawa ko kung daig ko pa si Rapunzel na nakakulong sa tore no? Ang advantage ko lang naman yung internet at aircon. Pakiramdam ko tuloy napag iiwanan ako ng mga ka-edad ko dahil all this time, puro mga gala at outing ang inasikaso nila. Ni isang beses hindi man lang ako nakalabas dahil hindi rin naman ako pinapayagan ng mga kasama ko sa bahay. Bukod pa sa pagdudutdot ng cellphone at gadgets, isa pang na-busy eh yung bibig ko kakangata sa sobrang boring. Isang linggo lang ang lumipas pero ramdam ko yung namumuong bilbil sa tiyan ko. Kung meron man akong muscle na na-develop, malamang yung sa panga at daliri na iyon. Hindi ko tuloy sigurado kung pagbalik sa school eh makakasayaw pa ako nito.
"Osya mag iingat kayo. Love you nak," ani Mama. Nakalimutan ko namang may tao nga pala sa paligid ko. Pumihit ako ng bagya pakaliwa sabay tango matapos marinig yung huling mga salita sa sinabi ni mama. Erm.. okay?
"Thank you..." tugon ko sabay ilang na sumaludo kay Mama. Napangisi naman si Kuya Francis ng makita ang kinilos ko. Agad akong pumasok sa kotse habang nasa loob na si Ate. Nang tuluyang na akong makaupo, kinuha ko iyong seatbelt at saka kinabit sa gilid ko. Sabay noon ang pag andar ng kotse palabas ng gate. Huli ko nang napansin na si Kuya Christianne pala ang nagbukas ng gate para sa amin. Nakita ko namang kumakaway sila sa amin pero hinayaan ko lamang sila. It's just that I don't feel the need to wave back to them. May next week pa naman at magkikita-kita rin naman kami ulit noon.
Nagulat naman ako nang biglaang magsalita si Ate. Well to be honest, it is the first time she initiated a conversation with me this whole week. Halata namang may kasalanan ako pero hindi na kailangang i-elaborate.
"Chen. Please, be responsible," rinig ko ang malamig na tono ni Ate Franchette sa akin. Di katulad ng nakasanayan, tila galit ang ekspresyon ng mukha nito. O mas fit yung word na "disappointed"?
"Responsable ako Ate."
"You can't even explain your hickey last Saturday. Yun ba yung responsable sayo Chen?" her voice is more concerning now. Pinigilan kong makaramdam ng takot dito. I know and I understand why she's upset at hindi ko naman siya masisisi. As much as how upset she feels ganoon din ako. Swerte lang na wala akong right magreklamo sa pagtataas niya ng boses dahil totoo namang napaka iresponsable ng nagawa ko, which is a bad news dahil wala akong maalala.
"I'm sorry. I promise, that will be the last," mahinang sabi ko.
"Hays. Concern lang ako. Ako at sila mama. Concern kami sayo Chen," mabagal ang pagkakasabi ni Ate. Halata sa boses nito na pinipigilan niyang mautal. Nag iwas ako ng tingin dahil parang alam ko naman na kung saan papunta ang kwento. Maya-maya pa, naramdaman ko na nakahawak na si Ate sa tuhod ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at napansin ko namang nagpilit ito ng ngiti.
"Ever since nawala si Papa, you became distant to us. Padalos-dalos ka na rin kumilos," mahina ngunit siguradong saad ng kasama ko. Nagulat naman ako roon. All this time, I'm too focused on myself to the point na takot akong magkamali. Takot ako na baka may mawala ulit sakin. Hell yeah, I don't know the exact reason but it is what it is. Hays. What's the point of all of this talk? Alam ko lang, hindi pa ako ready na pag usapan lahat ng ito. Binalik ko ulit ang tuon sa diresyon ni Ate. Mas focus siya ngayon sa daan kaysa kanina. Nagsalita siya ulit, "Hindi naman kami nawala sayo. Nandito pa kami nila Mama. We're protecting you now more than ever."
"Hindi niyo ko kailangang protektahan Ate. Kaya ko sarili ko. Okay ako," iritadong sabi ko. Gusto ko na lang tuloy bumaba ng sasakyan at saka mag commute papasok.
"Okay. Okay. Chill"
Natahimik kami sa loob ng kotse. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa marating namin ang tapat ng University. Nagmamadali naman akong bumaba sa kotse. Nang makalabas ay agad kong tinungo yung daan papasok sa gate at hindi na hinintay na magsalita pa si Ate.
Habang papasok, nakaramdam naman ako ng magaan na tapik sa balikat ko. Nilingon ko iyon at bumungad sa akin ang nakangiting si Rendell. Bumati pa ito at siya namang sinuklian ko ng simpleng ngiti. Dumiretso kami sa loob ng room namin at tulad ng inaasahan ay marami-rami na rin ang tao sa loob noon. Pinuntahan ko agad yung pwesto ko at sakto namang nakaupo na sa tabi noon sina Britney at Jeneselle. Nagtaasan lang kami ng kilay bilang bati sa isat-isa. Kasunod noon ang pagpasok ng adviser namin.
"Good Morning 12-Stem A. Take your seats mag i-start na tayo," pangunguna ni Ma'am Pau sa klase. Matapos noon, sabay-sabay kaming tumayo para bumati pabalik sa kanya. Tulad ng inaasahan, nagsimula ang discussion. Major subject daw ang hahawakan niya at pinagpaalam niya pa sa amin na kailangan niya ng matinding attention namin. Kung usapang attention seeker lang eh si Ma'am Pau na nga siguro talaga ang aako nun para lang sa subject na ito. Well, okay lang naman sa amin. Ang hindi aprubado eh yung tipong strict kung strict talaga siya kung kailangang magpaka strikto.
Nagdi-discuss siya ngayon tungkol sa Pre-Calculus kinemerut. Alam ng lahat ng santo kung gaano ko kinamumuhian ang math. Kaya naman tulad ng lahat ng mapagpanggap na taong kilala ako, ito rin ako't kunwari'ng tumatango-tango kapag naririnig yung "Do you understand" ni Ma'am. Sa loob ng ilang oras na iyon, tyinaga kong makinig kahit na sa totoo lang ay hindi ko na alam papano mag i-stay na dilat ang mata. Nagawa ko na ring kurutin ang sarili ko pero wa-epektus talaga.
Sa kalagitnaan ng pagtuturo ni Ma'am Pau, nakuha ko nang dumukdok sandali para lang ilabas lahat ng hikab na meron ako sa katawan. Tulad nga ng sabi ko, hindi kasi papasa sa teacher na to yung mga tipikal na excuses. Ultimo yung CR technique para makatakas sa subject niya ay hindi uubra. Kaya ayun, tiis lang talaga ang sandata.
Dalawang oras ang lumipas at sawakas ay nakahinga ako ng maluwag. Nauna ng lumabas yung adviser namin. Maya-maya narinig ko si Britney na nagsalita sa gilid ko. Aniya, "Kailangan ko ng matutong matulog ng dilat ang mata sis." Dinugtungan naman ni Jeneselle, "Bui, Pre-Cal to. Kailangan nating seryosohin kasi major to." Napakunot naman ako ng noo sa sinabi ng kasama ko pero hindi ko na ginatungan. Sumandal na lang ako sa upuan ko at saka tumingala. Napansin ko namang ginaya ako ng dalawa.
"Tahimik mo ah? May problema ka ba sis?" walang emosyong tanong ni Britney na ginagaya pa rin ang posisyon ko.
"Wala naman. Bakit?" sagot ko bago nilingon ang katabi.
"Very good. Tara kain sa food court?" pag iimbita niya. Sandali pa akong nag isip ngunit aktong papayag na ako, bigla namang may nagtawag sa akin. Si Veronica, isa sa mga kaklase namin. Otoritadong sabi niya, "Christienne! Sa Audutorium tayo. Ngayon na." Noon din, marahan akong bumalik sa maayos na pagkakaupo. Magtatanong pa sana ako kung para saan pero nang salubungin ko ang tingin niya, agad kong nakuha na urgent iyon. Bago sumunod sa direksyon ni Vero, nilingon ko muna yung dalawa kong kaibigan at naintindihan naman nila kung ano ibig sabihin ng tingin na yun. Sinabi ko rin sa kanila na hintayin na lang ako sa food court hanggang mag lunch. Pumayag naman sila kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Takbo-lakad ang ginawa ko para masundan si Vero. Ilang sandali pa, bumagal ang lakad nito at aktong hinihintay din ako. Nang maabutan, tahimik akong sumunod sa tabi nya.
"Good morning Miss Dancing Machine! Kamusta Sembreak?" masiglang tanong ni Vero. Lumiko kami sa maliit na eskenita sa pagitan ng dalawang building. Mas malapit kasi kung dito kami dadaan.
"Rapunzel mode dude. Walang galaw, eh. Ikaw ba?" wika ko rito. Mahina siyang tumawa. Maybe because it is unusaul for her to hear na natengga ako sa bahay.
"Tengga rin pero productive naman. May nagawa akong beat, wanna hear it sometime?" sagot niya at napansin ko namang medyo iba ang tingin niya sa akin. What was that? Is she tryna' flirt with me? Napailing na lang ako at hinayaang maiwan sa ere ang pag iimbita niya. Nakuha naman niya siguro ang ibig kong sabihin nang mapansin kong biglaan itong yumuko. Ilang akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at saka tinuon ang atensyon sa dinadaanan namin.
Matapos ang ilang minutong paglalakad, narating namin ang loob ng auditorium. May iilan nang mga tao sa loob at lahat ng mga mukha ay pamilyar sa akin. Kabilang na rito sina Amiel, Vero at Xedrick. Nakita ko sila sa gilid ng stage pero ang pinagtataka ko naman ay todo iwas sila. Doon ko lang naalala yung nangyari sa bar nung medyo nasa katinuan pa ako. Since Grade 11, parte na ko ng crew at marami sa kasamahan namin eh naka-close ko na. From here, tuwing nagkakatamaan kami ng mga mata ng ilan sa mga miyembro ng dance group, simpleng tanguan at ngitian lang ang binabato namin sa isat-isa. May maliliit na catch-up at minimal na tawanan rin ang nangyayari. Maya-maya pa, narinig naming lahat ang palakpak mula sa entrance ng auditorium. Doon namin nakita ang pinaka leader sa grupo, si Keith.
"What's poppin guys! Wala nang paligoy-ligoy pa, magpe-perform tayo next week," ani Keith. Sabay-sabay naman naghiyawan ang mga tao sa loob ng audi. Obvious naman na uhaw na sila sa performance hindi ba?
"Kinausap ako ni Sir Don kung okay lang na magpe-perform tayo sa SHS week. Asahan niyo na na may practice at male-late ng uwi guys. Okay lang naman sainyo diba?" dagdag ni Keith. Samu't-saring reaksiyon naman ang nakuha niya sa members. Iisa lang naman ang sagot ng karamihan at syempre payag talaga sila.
"Tinatanong pa ba yan Kuya Keith? Syempre naman okay lang. Basta ba makakasayaw kami!" ani Sofia. Kung tama ang pagkakaalala ko Grade 11 Gas tong batang to at isa sa pino kung kumilos sa grupo. "Kuya Keith basta ikaw malakas ka samin!" gatong naman ni Reiner na isa pang Grade 11 din. Nagpatuloy sila sa pag-eemehan habang nasa gilid naman ako at pinapanood lang sila. Wala talaga ako sa mood na makipag-socialize sa araw na ito. Siguro eh dahil hindi rin naman maganda ang umpisa ng araw ko. Di bale, may kalahating araw pa naman ako para maka-experience ng sunshine, kung pagbibigyan.
"Yun lang muna for now guys. Balitaan na lang sa GC kapag nakagawa na kami ng choreo ni Chen," ani Keith na siya namang kinabigla ko. Nakita ko naman na natawa lang si Keith sa pwesto niya at sa tingin ko pinagtatawanan niya ko dahil naisahan niya ako sa walang abisong announcement niya. Hindi naman sa ayaw kong mag ambag pero nasa gilid na nga ako para hindi mapansin pero nabigyan pa ko ng task nitong mokong na to? Kokontra pa sana ako kaso nagsipa-cheer na yung iba kaya hinayaan ko na lang. Baka isipin nila papilit pa ako.
Natapos ang meeting at isa-isa nang nagsibalikan sa klase ang ibang mga miyembro. Nagpaiwan naman ako sandali para kausapin si Keith sa balak niya. Tulad ng inaasahan, pinag-usapan namin ni Keith kung papano ang set-up at iba pang plano niya. Sa palagay ko naman hindi kami mahihirapan dahil mabilis naman pa lang nakapag-isip ng concept itong mokong.
"Wag ka mag alala Chen, hindi naman kita papahirapan. Mamaya send ko sayo yung playlist tapos ikaw na bahala," sambit ni Keith. Ngayon ko lang napansin na hindi siya nakasuot ng unifrom. Tumango naman ako sa sinabi niya bago sumagot. "Akala ko unprepared ka na naman. Bubugbugin kita talaga if ever. Nadala na ko sa paghahabol ng requirements." Sinuklian niya ng malakas na tawa iyon bago muling nagsalita. Aniya, "Mas may tiwala naman ako sayo kaysa sa sarili ko. Di ba nga ikaw dapat yung leader?"
"Di mo sure Keith. Hay! Sige na! sige na! Hinihintay ako nila Brit. Una na ko."
Noon din, dumiretso na'ko ng lakad at hinayaang maiwan sa pwesto ang lalaki na tuloy-tuloy pa rin sa pagtawa. Pagliko ko sa exit, laking gulat ko ng makaramdam ako ng malakas na impact na sumalubong sa katawan ko. Mabuti na lang at hindi ako natumba. Naaninag ko naman mula sa gilid ng mata ko na napaatras din yung babaeng nakabanggaan ko. Nakaharang ang buhok niya kaya wala akong ideya kung sino siya.
"S-sorry, hindi ko kasi tinitignan yung dinadaanan ko. Okay ka lang?" ani ko. Sinubukan kong abutin ang kamay niya at saka naman siya humarap sa akin. Sa sandaling makita ko ang mukha niya, napansin ko na parang nagulat pa siya. Ilang segundo lang ang lumipas, nagpalit ang expression niya mula sa gulat, naging kabado at biglaang seryosong awra.
"You really love to be in distress no?" it was her.
Parang may bell na nag ring sa tenga ko sa sandaling marinig ang tinig ng babae. Doon lang rumehistro sa akin na pamilyar ang boses niya. Wait??? Napakunot ako ng noo. Parang pamilyar siya? Nakita ko na ba to noon? Maya-maya pa inabot niya rin ang kamay ko. Nah, or should I say, inapiran niya. Natulala naman ako sa ginawa niya.
"Btw, I'm good. Malayo sa bituka," aniya ulit bago naglakad palayo sa kinatatayuan ko. Sinubukan ko siyang tawagin. Napansin niya naman ang tawag ko kaya huminto siya at saka ulit humarap sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay, yung tipong sinesenyasang magpatuloy.
"Nagkita na ba tayo? Or magkakilala ba tayo?" baling ko. Sinuklian niya iyon ng tipid na ngiti bago nagsalita. "Baka? ...pero baka lasing ka lang." Matapos noon, tumalikod na siya sa akin at nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan ko ng tingin ang bawat lakad niya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Ilang sandali pa, napansin ko na lang na humahakbang na rin ako patungo sa Food Court.
Mabilis na natapos ang araw. Nasa kwarto ako ngayon dito sa boarding house na tinutuluyan ko. Sa tapat ko, tulala ang laptop na ginagamit ko mula pa kanina. Tinitignan ko kasi yung sinend sa akin na music track ni Keith. Napakinggan ko na halos karamihan sa kanila. May iilan na lang na natitira bago ko tuluyang iwan tong desk ko. Nabaling naman ang atensyon ko nang makarinig ng katok sa pintuan ng kwarto ko. It was Cleo. Senior High Student din siya galing sa Humanities Strand.
"Sis, dinner tayo. May baon akong alak, napuslit ko. Dali!" anyaya ni Cleo sa akin. Halata sa boses niya ang pagkapilya. Ilang sandali pa, sumilip ang isa pa naming kasama sa boarding, si Ivy.
"Huy, baka mahuli ulit tayo ni Tita Tess. Mamaya ipamigay na naman sa iba tong unit natin." Alalang tono ni Ivy. Tinawanan lang siya ni Cleo. "Scardy Cat! Kaya ka tinapon ng nanay mo rito sa boarding, eh. Get a life sis! It's okay to break some rules sometime," puna ni Cleo. Balik agad ni Ivy, "Iba yung sometimes sa everyday Cleo!" Doon nako sumali sa tawanan nila.
Unlike Cleo, ABM naman ang Strand ni Ivy. Siya rin yung pinakatahimik at mabait sa aming tatlo dito sa Unit 11. Supposed to be, every room must have two occupants per room. May dalawang room tong unit namin at yun nga, ako lang mag isa sa kwartong to kasi umalis yung dating ka-share ko dapat. Hindi kasi kinaya yung pagka homesick. Kung tatanungin naman ako, masasabi ko na importanteng lugar sa akin tong Unit 11. Kahit tatlo lang kami rito, I already found a family with Ivy and Cleo. It is like a true home and true family to me. Ewan ko ba, dahil siguro iisang sentiments ang pinag she-share namin nitong mga kasama ko. They have family issues like I do. Kaya siguro ganon na lang rin kung protektahan namin tong unit kahit na ilang beses na kaming muntik paghiwa-hiwalayin ng landlady.
Narinig ko ulit si Cleo. Aniya, "Ano na sis? Iinom o iinom?"
"Sunod ako. Tapusin ko lang to."