DIEGO KANINA pa siya panay sulyap sa dalaga subalit halatang umiiwas ito sa kaniya. Napabuga siya ng hangin. Gusto niya mag-sorry dahil sa ginawa niyang kapangahasan marahil ay nabigla niya si Bunny. Hindi naman siya nagpumilit 'di ba? Sa katanuyan pa nga, nagtanong siya sa dalaga kung nais nito o hindi ang ginawa niya, kaya naman nang tumango ito hindi na rin niya napigilan ang kapusukan at pagnanasang bumalot sa buong katawan niya. Pasalamat pa ang nakapagpigil pa siya dahil kung hindi, baka nasa kama na sila ngayon ni Bunny. Maghunus dili ka, Diego. Hipag mo pa rin siya! Kahit wala na si Asher, 'di pa rin mawawala ang katotohanang asawa siya ni Asher. Masaklap na katotohanan. Muli siyang sumulyap sa dalaga na tahimik lang nakaupo sa tabi niya habang nagmamaneho siya. Gustuhin man

