DIEGO NANLILISIK ang mga mata ni Bunny habang lumalakad ito papalapit sa kaniya. Napalunok siya ng laway, pakiwari'y pinagpapawisan siya nang malamig. Inay ko po! "O-Ouch!" Malakas napaigik si Jenny nang hilahin ni Bunny ang pink na buhok nito. Naging dahilan naman iyon para makawala sa pagkakayapos si Jenny sa kaniya. "Bu--Bunny." Mahinang bigkas niya. Lumingon si Jenny kay Bunny. "How dare you?!" Singhal nito sabay hawak sa nasaktan buhok. "May lahi ka bang unggoy? Kung makayapos ka sa asawa ko daig mo pa unggoy na first time makakita ng tao!" Nangangalit na sabi ni Bunny kay Jenny. Akma siya aawat pero inusog siya ni Bunny at matalim ang matang tinignan siya. Bigla siya nahindik at tinikom na lang ang bibig. "What? Kapal mo! 'wag mo kasi iniiwan pakalat kalat ang asawa mo. Sige k

