DIEGO POV NASA loob sila ng sasakyan kasama si Twix. Nalaman agad nito ang location kung nasaan sila Bunny at Mommy Angela dahil sa pag-track sa cellphone ni Bunny. Luminga linga siya sa paligid, isang luma at abandonadong pabrika iyon. Huminga siya nang malalim. "yyy kating-kati na siya bumaba ng kotse para tumakbo sa loob at iligtas si Bunny at ang Mommy niya. "Oh, he's here," kapagkuwa'y sabi ni Twix. Isang big bike ang pumarada 'di kalayuan sa kanila. Naka-leather jacket ang lalaki at naka all black ang pormahan nito. Nang alisin nito ang helmet saka niya napagtanto na kapatid ito ni Twix. "That's Marshall..." mahinang sambit ni Twix. Naglakad si Marshall palapit sa kanila at sumenyas lang kay Twix. 'Okay' sign naman si Twix. Nangunot ang noo niya ba't parang wala siya ma-gets

