BUNNY POV NARINIG niya ang malakas na pagbalya ng pinto. Hindi siya makalingon dahil namanhid na ang buong mukha niya. "W-What the hell is this!?" Gusto niyang umiiyak ng todo nang marinig ang boses ng Mommy Bea niya. Hanggang sa naramdaman niya ang paghawak nito sa mukha niya. "Oh, Jesus Christ! What have you done to Bunny?!! Wala sa usapan natin ang saktan si Bunny!!" Hiyaw ni Mommy niya kay Uncle Rey. Isang nakakademonyong tawa ang narinig niya mula kay Uncle Rey. "So, Nanay ka ni Bunny ngayon? Iyon ang drama mo?" Nang uuyam na salita ni Uncle Rey. "Bakit? Don't tell me kakalabanin mo rin ako?" Nakita niya ang marahan na paglapit nito kay Mommy Bea. "Ang usapan natin gagamitin natin si Bunny para makuha ang pera ng mga Sandoval, hindi para babuyin at saktan mo ng ganito!" Nan

