DIEGO POV PAGKAGISING niya si Bunny kaagad ang hinanap niya. Wala na kasi ang dalaga sa tabi niya nang magising siya. Pagkababa, naabutan pa niya si Lola Anastacia na kumakain mag-isa sa may garden area. Naupo siya at nagsalin ng fresh milk sa baso. "Apo, hindi 'yan low fat milk," tila nag aalalang sabi ni Lola nang inumin niya ang fresh milk. Low fat? May gano'n ba? "Okay lang, La. Basta gatas ayos lang sa'kin," nakangiting tugon niya. "Napansin niyo po ba si Bunny?" dugtong na tanong niya saka sumubo ng garlic bread. Titig na titig pa rin sa kan'ya si Lola Anastacia. May nasabi ba siya mali? "L-Lola?" pukaw niya rito. Kumurap kurap naman ito at ngumiti na rin sa kan'ya. "Si Bunny? Ahm, wala sila. Umalis sila ng Mommy mo, nag-shopping. Hindi ba nagsabi sa'yo ang asawa mo?" Umil

