46

1346 Words

BUNNY POV NANG magising siya, sumilay ang matamis na ngiti niya sa labi nang makita si Diego sa tabi niya na mahimbing pa rin ang tulog. Napailing siya saka hinaplos ang pisngi nito. "Marunong ka rin pala mapagod," pabulong na sambit niya. Hindi niya kasi mabilang kung ilan beses siya nito pinaligaya. Kaya naman, pagkatayo niya ay napaigik siya sa sakit. Sumakit ang gitnang bahagi ng mga hita niya at nanginginig pa rin ang mga binti niya. Gusto niya matawa. At least, alam na niya ngayon ang feeling ng 'wasak'. Napapailing na lang siya habang nakangiti at saka sinubukan uli tumayo para magtungo sa banyo. Nang makaligo, hinayaan muna niya matulog at magpahinga ng mahaba si Diego. Bumaba siya at nasalubong naman niya si Mommy Angela. "Oh, you're awake already? Gigisingin sana kita."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD