Chapter 40

1369 Words

DIEGO ISANG malakas na buntong hininga ang kumawala sa bibig niya habang nakatayo sila ni Kiko sa isang food stall malapit sa town plaza. "Grabe, Diego, pati paghinga mo tunog at amoy mayaman na," pagbibiro ni Kiko habang kumakain ng fishballs. Napatawa siya. "Mouth wash 'yan! Mag toothbrush ka kasi!" Bumunghalit ng tawa si Kiko at siya man ay natawa rin nang malakas. Pag sila dalawa ang magkasama puro katatawanan ang nasa isip nila. "Pero no joke, Diego. Ibang iba ka na ngayon," may halong mangha ang boses ni Kiko saka pinasadahan siya nang tingin mula ulo hanggang paa. "Dati sabi ko, sana yumaman ka, 'di ko talaga akalain magkakatotoo 'yon." Umingos siya sabay iling. "Kalma, ako pa rin 'to hoy!" "Nga pala, salamat, Diego ah." Sumeryoso ang mukha ni Kiko kaya nalukot ang noo niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD