BUNNY BEFORE THE ACCIDENT "WHAT did you just say, My baby?" nakaawang ang mga bibig ng Mommy Bea niya nang puntahan niya ito sa guest room kung saan ito pansamantala natutulog at kumprontahin ito. Matalim ang mga matang tinignan niya ito. "I said, I know that you and Uncle Rey have an affair!" singhal niya. Imbes na mangamba o matakot ang makita niyang reaksyon sa mukha nito ay nakakalokong tumawa lang ito at pailing iling. Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang braso. "Anak--" "I saw you! both of you making out at the library! So, don't you try to denied it, Mom." Bulyaw niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Gusto niyang magalit at the same time gusto niyang unawain ang rason ng Mommy niya. "How long have you been cheating on Dad?" dugtong niya na halong

