DIEGO "YES! Amoy pabango ng babae." Pumalatak si Bunny saka tinignan siya ng masama. "God, iyan ba ang importanteng nilakad mo sa Manila?And don't deny it, amoy babae ka talaga!" Pinagsiklop niya ang mga braso at matiin na tinignan si Bunny. Namumungay ang mga mata nito at namumula ang mukha. Obvious na maraming nainom na alak ang dalaga. Napabuga siya ng hangin sabay nagpamulsa. "I admit, may tumabi sa'kin--" "Maganda?" tanong agad ni Bunny nang nakatikwas ang isang kilay. "Ahm, maganda at sexy." Kibit balikat niyang sagot. "Siguro nang kumandong sa'kin 'yon babae nadikit sa damit ko 'yon amoy niya. Tsk! halos nakadikit na kasi ang dibdib no'n sa akin," pagkukuwento niya. "What? Kumandong sa'yo? At dinikit pa 'yon dibdib?" Naniningkit ang mga mata ng dalaga tumingin sa kaniya. Tum

