DIEGO "AMOY babae ka! I...hate...you." Napakurap kurap siya habang pinagmamasdan si Bunny na nakapikit at himbing na himbing pa rin ang tulog. Kinabahan siya akala niya nagising ang dalaga. Isang malakas na buntong hininga ang ginawa niya. Naihilamos niya ang sariling palad sa mukha saka mabilis na tumayo at lumayo sa natutulog na dalaga. Tang'na! Umayos ka nga Diego! Si Bunny 'yan asawa ng kambal mo! F*ck! Si Bunny nga 'yan kaya ang hirap magpigil. Argh! Umungot si Bunny, bahagya itong gumalaw at tumagilid ng higa. Umangat ng kaunti ang suot nito manipis na lace short. Kitang kita niya ang mapuputi nitong mga hita na muling bumubuhay sa katawan niya. Napalunok siya. Hindi niya maialis ang mga mata sa maputi at makinis nitong binti pataas hanggang sa gitnang bahagi ng hita nito na

