Chapter 84- At the Mountains

2071 Words

Lanie's Pov: Sobrang sakit ng katawan ko. Maging ang ulo ko ay kumikirot at hindi ko alam kung paano matatanggal ang kirot at sakit na nararamdaman ko. Buong sistema ko yata ay sumisigaw ng kagustuhang mawala na ang nararamdaman ko. I opened my eyes. Ang pawid na tila bubong ang una kong nakita. Nangunot pa ang noo ko habang iniisip kung anong nangyari. Iginala ko ang mga mata ko at isang hindi pamilyar na paligid ang nakita ko. Para akong nasa sinaunang bahay o bahay-kubo. Walang kisame at pawid ang bubong. Kahoy ng niyog at plywood ang nagsisilbing pader na bumuo sa silid na kinalalagyan ko. Maging ang hinihigaan ko ay gawa sa kahoy at mga patpat. Nalalatagan lang iyon ng banig at ang unang sumasalo sa ulo ko ang tanging malambot. Dumako ang mga mata ko sa kahoy na lamesa sa gilid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD