Lanie's Pov: "Saan tayo pupunta?" Binuksan ko ang pintuan ng silid at sinilip si Yshmael ngunit hindi ko s'ya nakita sa sala. "Maghahanap tayo ng makakain!" Mula sa kusina ay sigaw ng lalaki. "Bakit pa?" pasigaw na tanong ko. "Ang dami namang gulay at prutas sa bakuran. Madami tayong pagkain!" Mula sa kusina ay sumilip ang ulo ng lalaki. "Pwede naman sana kung hindi ka lang malakas kumain." Mabilis na tumalim ang pagkakatingin ko sa kanya. "Baka mamaya o bukas ay umuwi na ang mag-asawang may-ari ng kubong ito. Ayoko naman na ang una nilang makikita pagkauwi nila ay ang kalbo na nilang bakuran kaya hahanap tayo ng pagkain para sa araw na ito." Malakas na pagkakasara ng pinto ang naging sagot ko sa lalaki. Narinig ko pa ang buhay na buhay n'yang halakhak mula sa kusina. Ilang beses

