Lanie's Pov: "Hindi nga ganyan." Narinig ko na naman ang pagtawa ni Yshmael. Inis na tiningnan ko ang lalaki. Agad na itinikom n'ya ang bibig at nagkunwaring naghahanap ng butiki sa dingding. Inismiran ko lang ang reaksyon n'ya at nagpatuloy sa paghihiwa ng kalabasa. Inignora ko ang presensya n'ya kahit pa napakahirap niyong gawin. Ilang oras na mula nang makauwi kami mula sa paliligo sa talon at paghahanap ng pagkain. Literal na food hunting talaga ang nangyari. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang maalala ang nangyari sa talon. Pakiramdam ko ay nasa mga labi ko pa din ang labi ni Yshmael. Ayoko mang aminin ay masaya ako sa nangyari. Matapos ang mahabang panahon ay tila nakaramdam ulit ako ng paglipad ng mga paru-paro sa sikmura ko. Nawala ang panlalamig na nasa puso ko at n

