Lanie's Pov: Sinilip ko sa side mirror ng truck ang mag-asawang hanggang ngayon ay kumakaway pa din sa amin. Bakas sa mukha nila ang kasiyahan at pagiging simple ng pananaw nila sa buhay. Hindi ko tinanggal ang mga mata ko hanggang sa tuluyan silang mawala sa paningin ko. Ilang oras ko lang silang nakasama pero ramdam ko ang pagiging kuntento nila sa buhay na mayroon sila. Wala silang anak pero hindi iyon naging dahilan para maramdaman nilang may kulang sa kanila. Naging sapat ang isa't-isa at naging dahilan pa iyon para mas lumalim ang pagtitinginang mayroon sila. Ayoko man ay nakaramdam ako ng inggit sa simpleng buhay na mayroon sina Mang Gusting at Aling Nena. Napakasimple ng buhay nila pero napakahirap niyong abutin. "Are you okay?" Yshmael asked. Hinawakan n'ya ang kamay ko. Tum

