Lanie's Pov: "Be ready. Malapit na tayo." Agad na nagmulat ako ng mga mata nang marinig ang boses ni Rev sa ear piece na suot ko. Umayos ako nang upo at sa kaunting pagkilos ko ay nabangga ko ang balikat ni Kathleen na hindi ko alam kung bakit kasama at katabi ko pa talaga dito sa sasakyan. Kathleen looked at me. Dismay was written all over her face. Obviously, hindi ako gusto ng babae at wala akong pakialam doon. Hindi ko din naman s'ya gusto. Hindi ko alam ang dahilan ng galit na nakikita ko sa mga mata n'ya. Wala din akong naaalalang interaksyon namin maliban na lang noong hinamon n'ya ako sa gym. Pinagbigyan ko lang s'ya at masyadong maliit na bagay iyon kung iyon ang dahilan ng masasamang tingin n'ya sa akin. Bahala s'ya d'yan. Lumipat ang mga mata ko sa tanawing nasa labas ng

