Lanie's Pov: "Ipinapatawag lang kami ni General Levi," si Rev. "Manatili muna kayong lahat para sa final briefing ng misyon natin para bukas." Pasimpleng ino-obserbahan ko ang paligid, kanina ko pa tinitingnan ang kilos ng bawat isa pero wala akong nakikitang kahina-hinala o bagay na pwede ko man lang kuhanan ng kahit katiting na clue para malaman kung ano ang nangyayari Muling bumalik ang mga mata ko sa ilang papel na hawak ko. Nasa limang pahina lang yata ang mga papel at hindi na nga nailagay sa folder. Nasa conference room ang team namin kasama ang isa pang team at kakatapos lang kaming i-orient sa bago naming misyon. At ang mga papel na hawak ko ay may kinalaman doon. Hindi ko alam kung ano at bakit may misyon kami na wala sa plano katulad ngayon. Madaming nakalinyang misyon ang

