Lanie's Pov: Nagdadalawang-isip na tiningnan ko ang pinto ng clinic ni Doctor Suarez. Sa sobrang dami kong iniisip ay ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na bisitahin si Gyra. Ngunit hanggang ngayon ay nandito pa din ako sa labas at ni hindi ko magawang humakbang palapit sa clinic. Napahinga ako nang malalim bago nagdesisyong saka ko na lang bibisitahin ang babae kapag maayos na din ang takbo ng isipan ko. Baka matulala din lang ako kapag kinausap ko s'ya. Hindi ko din alam kung paano ko s'ya kakausapin at ano ang pwede komg sabihin sa kanya na ikagagaan ng loob n'ya. Pumihit na ako at nagsimulang maglakad palayo. "Lanie?" Napatigil ako at nilingon ang boses na tumawag sa akin. I saw Nonanette, nakaupo pa din s'ya sa wheelchair n'ya at wala s'yang kasama para itulak ang wheelc

