Lanie's Pov: "Are you alright?" Napatingin ako kay Jackques na hindi ko na namalayang naka-akyat na pala. "Bakit parang galit na galit yata si Yshmael?" Dagdag n'ya. "Hindi ba dapat ay matuwa s'ya dahil maaaring buhay pa si Invader?" Nanlalambot na napaupo ako sa hagdan. "Hindi ko alam... Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko." "Mi Amor..." Nahihirapang tiningala ko ang kaibigan. "Noong natanggap ko ang mensahemg iniisip kong galing kay Primo ay natakot at nagulat ako. Nagulat dahil alam kong wala na s'ya. Takot dahil baka umasa na naman ako sa imposible." Naupo din si Jackques sa baitang na nasa ibaba ko. "Pwede nating kumpirmahin ang hinala natin. Wala namang masama kung gustuhin nating makasigurado." Umiking ako at inilapat ang baba sa mga tuhod. "Alam mo ba kung bakit hindi

