Lanie's Pov: Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala masyadong agent ang nasa labas ng silid ng Intelligence Department. Inilabas ko ulit ang cellphone ko para tawagan si Jackques pero ang walanghiyang lalaki ay hindi man lang binabasa ang mga message ko! Mabilis na nag-ring ang linya n'ya pero katulad kanina ay nagri-ring lang iyon. Ni hindi n'ya sinasagot! Nag-iinit ang ulong tiningnan ko ang screen ng cellphone ko bago pinatay. Nakailang tawag na ako sa kanya mula pa kanina pero ni kahit isa sa mga iyon ay hindi n'ya sinagot. Pasimpleng nagtago ako sa may balustre nang may mga agent na lumabas mula sa silid ng Intelligence Department. Naiiling na lang ako habang sinusundan ng tingin ang mga agent. Kung hindi lang nakialam si Yshmael at kung hindi n'ya ako pina-ban dito sa

