Lanie's Pov: Kinuha ko pa ang isang tuwalya para ipantuyo sa basang buhok. Kakalabas ko lang ng banyo at kakatapos ko lang maligo pero parang gusto ko na namang magbabad sa malamig na tubig. That way, makakalma ako. Dalawang araw na mula nang mangyari ang mga bagay na hindi namin inaasahan at kahit minsan ay hindi napaghandaan ng Prime Crime. Dalawang araw na mula nang makilala namin ang apat na miyembro ng Night Owl. Dalawang araw pa din lang ang lumipas mula ng araw na iyon pero sunod-sunod na ang naging pagpatay ng mga Night Owl sa bawat agent ng Prime Crime. At hindi lang basta pagpatay ang ginagawa nila dahil hinahanap talaga nila ang bawat agent at saka pinapatay. Noong araw ding iyon ay bumalik ng lungsod si General Levi para makipag-usap sa iba pang heneral. Nakataas na din

