Lanie's Pov: Hawak-hawak ko ang baba ko habang nagpapabalik-balik dito sa labas ng operating room. Kanina pa ako palakad-lakad at nauubusan na talaga ako ng pasensya. Alam ko namang wala akong dapat ikatakot pero hindi ko maiwasang hindi kabahan. Hindi mawala-wala ang negatibong emosyong nasa dibdib ko. Pakiramdam ko nga ay bumabalik na ako sa dating ako dahil madalas na akong makaramdam ng takot sa mga nangyayari. Unti-unting lumalambot ang puso ko at ilang beses ko nang naranasan na pinangunahan na naman ako ng emosyon. And this is not good. Babalik ako sa pagiging mahina kapag pinairal ko ang emosyon ko. Ayoko na maulit ang mga nangyari noon. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit ngayon pa ako lumalambot at madaling panghinaan ng loob. I heard footsteps. Maya-maya pa ay nakita

