Yshmael's Pov: "Marco!" Halos manakit ang tenga ko sa tinis ng boses ni Kathleen. Napahinga ako nang malalim bago hinarap ang kaibigan. "Kath," I greeted her. Matalim ang mga matang lumapit s'ya sa akin. Masama ang timpla n'ya. Halata ko na iyon sa lakad palang n'ya. Buong katawan n'ya yata ay iritableng-iritable. "Napakatigas talaga ng ulo mo!" Gigil na tiningnan n'ya ako. "Pinagbawalan ka na ni General Noel na umalis ng Vienna pero sinuway mo pa din ang utos n'ya!" Tukoy pa n'ya sa heneral na namumuno sa headquarters sa Vienna. Muli akong napabuntong-hininga. "Kath... Alam mong hindi ko kayang tiisin si Maelanie. Hindi ko s'ya pwedeng hayaang sumugod mag-isa. Nakita ko na kung paano makipaglaban si Cuatro kaya wala akong pagpipilian." "So what?" Literal na tumaas-baba ang magkabi

