Lanie's Pov: Dalawa na lang kami ni Primo at hindi ko na nga namalayan na umalis na sina Yshmael. Sa sobrang gulo ng naghalo-halo kong emosyon ay hindi ko na alam kung ano ang unang iisipin ko. Ni hindi ko alam kung may dapat ba akong maramdaman o isipin. Puno ng pangungulilang tumutok ang mga mata ko sa lalaking nakaupo sa tabi ko. Mula pa kanina ay hindi s'ya nagsasalita. Wala na ang bakas ng mga luha sa mukha n'ya ngunit naiwan doon ang sakit na nararamdaman n'ya. Nasa ekspresyon pa din ni Primo ang pagkagulat at pagkalito sa mga nalaman. Napatingin ako sa ilang halamang nasa balustre ng teresa. How ironic. Dito sa lugar na ito ko pa nadala si Primo. Sa lugar kung saan ay una kong nakita sina File at Kurt. Dito sa lugar na pagkatapos ng mahabang panahon ay makikita kong wasak ang dal

