Lanie's Pov: Nagising ako sa sunod-sunod na pagkatok sa pintuan. Mabigat ang katawang bumangon ako at naupo sa kama. Medyo nagulat pa ako nang makita ang pamilyar na silid na kinalalagyan ko. Nanibago din ako sa liwanag na nagmumula sa labas at sumisilip sa glass door na pumapagitan sa silid at sa teresa. Nandito na ako sa silid ko sa mansyon ng mga Aronzaga dito sa El Trinidad. Ngunit ang pakiramdam ko ay naiwan pa din ako Hespheria. Ilang araw na ba ang lumipas mula nang mangyari ang muntikan nang pagkapahamak ni Kuya Sage? Tatlong araw na ngunit pakiramdam ko ay parang kanina lang iyon at naka-idlip lang ako ng ilang sandali. Nabaril sa may tagiliran si Kuya. Nagawa naman s'yang maisugod agad sa ospital dahil tamang-tama lang ang pagdating ng mga agent ng Prime Crime. Siya at si Wi

