Lanie's Pov: Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa sa ikalawang pagkakataon. At hindi ko din alam na posible palang maramdaman ko ulit ang sakit na naranasan ko mula sa nakaraan at mas matindi pa doon ang kirot na hatid niyon sa puso ko. Wala sa sariling napatingin ako sa nakabukas na mga palad. Nandoon pa ang dugo ni Primo at takot na takot akong maghugas ng kamay. Baka sa oras na tumalikod ako ay may mangyari na naman na kapareho ng mga nangyari noon. I glanced at the operating room. May ilaw pa ang sign, ibig sabihin ay ongoing pa ang operasyon ni Primo. Isang oras na pero hanggang ngayon ay nasa loob pa din ng silid na iyon si Primo. Gustong-gusto ko nang pasukin iyon at tanungin ang mga doktor na nandoon. Napaiyak na ako sa takot. Ganitong-g

