Lanie's Pov: "Aabutan kaya natin sila?" Kinakabahang tanong ko. Sinubukan kong hanapin sa kalsada ang kotseng ginamit ni Kuya ngunit hindi ko na talaga iyon makita. May pailang-ilang sasakyan na nasa unahan namin na agad din naman naming nalalampasan pero wala sa mga iyon ang sadya namin. Parang nawala na lang na parang bula ang kotseng ginagamit ni Kuya. Tatlumpung minuto lang. Alam kong mahaba na ding oras iyon pero hindi ko akalaing magiging ganito kaagad ang layo n'ya sa amin. O hindi ko alam kung layo pa nga bang matatawag dahil ni hindi ko na makita kahit ang anino ng sasakyan n'ya. "Malayo na s'ya pero masusundan natin ang Kuya mo," sagot ni Primo. S'ya ang may hawak sa manibela at napapadasal talaga ako sa ginagawa n'yang pagpapatakbo sa sasakyan. Mabilis din naman akong magpa

