Wilemna's Pov: "Anong gagawin mo?" Kahit paano ay nagawa ko pang itanong iyon kay Leo kahit pa natatakot na akong ako na naman ang pagbuntunan ng galit n'ya. Sandali lang nawala si Leo mula nang umalis s'ya kanina at ngayon nga ay may hawak na s'yang cellphone sa kamay n'ya. It's a burner phone. May ideya na ako kung saan n'ya gagamitin iyon na mas lalo kong ikinatakot. Gagawin n'ya talaga ang sinabi n'ya kanina! Leo glared at me. "Bakit? Concern ka ba talaga sa maaari kong gawin sa lalaking iyon?" Sinikap kong tanggalin ang lahat ng emosyon sa mukha ko at taas-noong tiningnan ang lalaki. "Hindi ako nag-aalala sa kanya. Nag-aalala ako para sa 'yo. Sa oras na hindi ka magtagumpay ay nasisiguro kong huhulihin ka n'ya." He looked at me with a surprise look. Maya-maya pa ay napangiti s'y

